Truth Commission

Public Truth Telling Sessions

First Public Truth-Telling Session: The Case of Raymart Siapo

Mother of 18-Year-Old Son with Disability to Testify; Forensic Pathologist Dr. Raquel Fortun Expected to Present Findings from Exhumation

Truth Telling Session

YouTube
Transcript controls

Search within the selected language.

Transcript

1 language
00:27:09 Asst. Dir. Tessam Castillo:

Magandang umaga po. Magandang umaga sa inyong lahat. Mag-uumpisa na po tayo. Mag-uumpisa po tayo sa pamamagitan ng isang awitin ng isang kaibigan, isang peace advocate, isang artist, songwriter. Si Miss Bayang Barrios.

00:32:04 Asst. Dir. Tessam Castillo:

Maraming salamat, Bayang Barrios. Para sa ating panimulang panalangin magsi-tayo po tayong lahat. Ang panalangin ay pamumunuan po ni Fr. Flavie L. Villanueva, SVD.

00:32:26 Fr. Flavie Villanueva:

Tayo po ay nagtitipon sa ngalan ng Ama, Anak, at ng Espiritu Santo. Panalangin ng pakikiramay. Panginoon namin sa amin ay nakikiramay. Salamat po sa Iyong ibinigay na buhay. Patawad din po sa ganti naming pagsuway. Kita Mo ang nangyayari sa mahal mong bayan. Mulat Ka sa dahas na namamayani sa aming lipunan. Saksi Ka sa pagkamatay at patayan ng aming mga mahal sa buhay. Dinig Mo ang daing ng mga ulilang anak at nanay. Dama Mo ang mga nakikiramay. Kasama ka namin sa pagluluksa at paglalamay. Kakampi ka namin sa pagbubuniyag ng katotohanan, lalong higit sa aming gagawing pananaliksik sa Truth Commission na aming hangad na iniaalay. Kapintig Ka naming naghahangad ng katarungan. Kaakbay Ka rin naming minsan ay pinanghihinaan. Ngayon sa aming pagtitipon, palakasin Mo ang aming pasiyang manindigan. Pasiglahin Mo kami sa pagbubuo ng mga kilusan. Patalsikin Mo, konsensiyahin Mo, himukin Mong makinig ang mga may dugo sa kamay. Patuloy Mo kaming iharap sa Iyong harapan na may dalang pagpapakumbaba habang hinahangad namin ang Iyong katotohanan. Alang-alang sa lahat ng mga biktima ng karahasan na Iyo ring pinagdaanan at pinagtagumpayan. Samo't dalangin namin ito kay Maria na aming Ina, ng Espiritu Santo para sa Walang Hanggan.

00:35:23 Asst. Dir. Tessam Castillo:

Amen.

00:35:23 Fr. Flavie Villanueva:

Sa Ngalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo.

00:35:27 Asst. Dir. Tessam Castillo:

Amen. Maraming salamat, Father Flavie Villanueva. Ngayon po, patuloy tayong tumayo para sa ating Philippine National Anthem.

00:36:50 Asst. Dir. Tessam Castillo:

Magsiupo na po tayong lahat. Isang mapayapa at taos-pusong pagbati ng pakikiisa. Maraming salamat kanina kay Bayang Barrios na umawit ng "Awit ng Mortal.' Ayon sa awit, ang bukas na nais mong makita ngayon pa ma'y simulan mo na-- at sisimulan na natin ngayon. Maligayang pagdating sa hayagang pagsasabi ng katotohanan. Ito po ang unang opisiyal ng public truth-telling. layunin nito na maipakilala sa mga kalahok ang proseso ng pagdinig at matiyak na ito ay nakatuon sa kapakanan ng mga biktima at survivors, at may pag-unawa sa epekto ng trauma. Hinihiling din namin ang iyong tulong sa pagtukoy ng mga survivors, miyembro ng pamilya ng mga biktima, o mga saksi na maaaring handa at nais lumahok sa mga susunod na public truth-telling. Mahalaga ang inyong karanasan, kaalaman, at gabay sa pagtulong sa amin na makabuo ng prosesong nagbibigay-pugay sa katotohanan, dignidad, paghilom, at katarungan. Bago tayo tumungo sa ating programa, nais po naming ipakilala ang lahat ng lalahok ngayong umaga. Bigyan po natin ng pagkilala ang ating mga EJK families, may mga nagpatala po ng mga 44 na EJK widows mula sa iba't ibang samahan. Hindi ko na po babanggitin ang kanilang mga pangalan. Palakpakan po natin sila. Nandito rin po ang ang mga CSOs, mga NGOs, mga partners o ang tinatawag nating care providers. Nandito ang Caritapos Diocese of Caloocan. Nandito ang Program PAGHILOM, Solidarity of Orphans and Widows o SOW, ang Night crawlers, Rise UP, San Jose Ang Tagapagtanggol Parish, Holy Spirit. Nandito rin po ang Children's Legal Rights and Development Center, CenterLaw, ang SIBOL Supporting Initiatives Bridging Orphan Lives. Nandito rin po ang Philrights, IDEALS, RESBAK, at Baigani. Nandito rin po kasama natin ang ilang mga kaibigan natin mula sa Ateneo Political Psychology of Democratization Research Lab, at mga kaibigan din mula sa UP PolSci. Mga individual friends, researchers and volunteers. At maraming salamat din sa ating mga media friends na nandito. Kasama din po natin ang Truth Commission Team na pinamumunuan ng ating convenor at adviser na si Cardinal Virgilio Pablo "Ambo" David. Nandito rin po si Fr. Flavie Villanueva. At ang mga commissioners na nandito. Nandito po si Dr. Raquel Fortun, si Dr. Al Fuertes, si Father Danny Pilario. Kasama din po sa Truth Commission Team ay si Dr. Chris Magno, ang Executive director. Ako po ang para sa operations. Si Jhecy Rebete, para sa administration. Nandito rin po si Atty. Bayan Quiñones, ang Truth Commission's Legal Counsel. Nandito rin po ang ating in-house Grief Facilitator, si Tin Bartolome. Dr. Bono Olgado, ang head ng Documentation, Archives, at Memorialization. Kasama din sila Jaime Gramatica, si Atty. Ice Baguilat, si Pat Garcia, at si Mariel Munar. Syempre, kasama din natin ang web Development and Data Analysis Head natin na si Dr. Richard Matovu kahit na online.

00:41:16 Asst. Dir. Tessam Castillo:

So ilang pangunahing guidelines o gabay para sa ating daloy dito ngayon. Dumating sa tamang oras at manatili sa inyong upuan habang nagpapatuloy ang pagdinig. I-silent ang mga cellphones. Huhuwag manggambala habang may nagsasalita. Igalang ang mga nakatalagang lugar at sundin ang mga tagubilin ng Secretariat at Security. Walang awtorisasyong pagkuha ng larawan, video, livestream, o panayam. Panatilihin ang privacy at dignidad ng mga biktima, survivors at testigo. Panatilihin din nating maayos at malinis ang lugar at huhuwag harangan ang mga dumadaan. Sa oras ng emergency, manatiling kalmado at sundin ang mga tagubilin ng staff. Panatilihin natin ang isang ligtapos, maayos at magalang na lugar para sa lahat.

00:42:10 Asst. Dir. Tessam Castillo:

Para sa ating susunod na bahagi ay babasahin po natin ang isang Panata sa Katotohanan. Susundin lang po natin 'yong basahin po natin line-by-line, sabay-sabay po tayo. Kung maari tumayo tayo kasi ito po ay panata sa katotohanan. Isasapuso po natin ang pagbasa at pahayag ng panata sa katotohanan. Umpisahan na po natin. Iginagalang namin ang dangal ng bawat tao. Sama-sama kaming naninindigan na hanapin at ipahayag ang katotohanan. Panatilihing buhay ang alaala ng mga biktima. Itaguyod ang katarungan at pananagutan. Pangalagaan ang karapatan at dignidad ng bawat isa. Tiyaking hindi na muling mangyayari ang ganitong mga paglabag sa karapatang pantao. Ito ang aming pangako. Ito ang aming panata. Maraming salamat magsiupo na po tayo. Para sa ating opening statement po, tatawagin po natin ang ating Convenor at adviser ng Truth Commission, si Cardinal Virgilio Pablo "Ambo" David.

00:43:59 Cardinal Pablo Virgilio David:

Magandang umaga po sa inyong lahat. Baligtad po 'yong pangalan. Hindi po Virgilio Pablo, kundi Pablo Virgilio David, ano po. At pero bata pa ako pag tinahuwag akong Pablo Virgilio ng nanay ko, ibig sabihin galit siya sakin. Ambo lang po ang pangalan ko. At sa Pampanga, Apo Ambo ang tawag. Alam niyo naman po ang mga pari tinatawag na "Apo" sa amin, so you can call me that "Apong Ambo." Ako po'y tumatayo dito hindi lang bilang convenor at adviser ng Truth Commission. Of course, 'yon ang pangunahing papel ko ngayong umaga. Dahil itong Truth Commission ay inilunsad ng magkasamang inisiyatibo ng mga civil society organizations at church organizations. At ang pangunahing papel niya, hindi naman prosekusyon, wala naman kaming power to subpoena, wala naman kaming power na i- prosecute ang sino man. Kaya Truth Commission, dahil ang pangunahing tutok ay paghahanap sa katotohanan-- truth-telling. Pagbibigay ng oportunidad sa mga dumanas ng trauma noong mga panahon ng bangungot ang tinatawag kong o tinatawag na giyera kontra-droga. Ngayon, hindi ko na siya tinatawag na drug war. Tinatawag ko siyang the so-called "war against illegal drugs." Because ang parang no'ng una, aaminin ko sa inyo, mayro'n pa akong kaunting pag-asa noon na akala ko susugpuin talaga nito ang problema sa droga. Parang nagbigay pa ako ng benefit of the doubt in my mind na baka naman talagang kailangan. Kasi aminado naman kami noon na totoong problema ang droga. Pero noong araw-araw, mga patay ang pinupulot namin sa aming mga kalsada sa Diocese of Caloocan, at ang Diocese of Caloocan kung saan ako Bishop ay may nasasakupang taTiilong siyudad: the South of Caloocan City, the whole City of Malabon, and the whole City of Navotapos. Noong nagsimula na 'yong mga pagpatay. Talagang hindi na ako makatulog o mapakali bilang pastor. Kaya ako naririto, hindi lang bilang convenor o adviser ng Truth Commission kundi bilang isang pastol. Kasi 'yon ang aking pangunahing papel, ako'y Obispo. Kaya nasabi ko noon, kapag tinatanong ako, hindi ba kayo natatakot? Hindi ba kayo nag-aalala? Sabi ko, sana hindi na lang ako nagpari. Sana hindi na lang ako nag-obispo kung ipapauna ko ang seguridad ko. At nabanggit ko din noon na ang mga tipong huwaran ko sa pagkapari ay ang obispong Oscar Romero at St. Maximilian Kolbe. And today is the feast day of St. Maximilian Kolbe. St. Maximilian Kolbe ay namatay no'ng panahon ni HiTiiler sa Nazi Germany noong napaniwala ang maraming Aleman na salot daw ang mga Hudyo. Kaya no'ng sila'y pinapatay na, hindi umaalma ang maraming Aleman kahit alam nila na ito'y nangyayari araw-araw. Si St. Maximilian Kolbe ay tumayo bilang kapalit sa isang tao na may pamilya, at sa tingin niya mas mahalaga 'yong buhay noong taong iyon na may pamilya. Inako niya 'yong kamatayan no'ng iba. Well, wala naman akong ambisyon na magpaka-martyr. Aaminin ko sa inyo, noong mga panahon na tumatanggap din ako ng death threats at humarap sa five criminal charges dahil sa paninindigan na hindi tama ang pagpatay. Ang sabi ko pa nga, tutulungan ko ang gobyerno kung gusto nila na mag-rehabilitate ng mga people with substance use disorder. Ayokong gamitin ang salitang adik noon dahil ito ay parang isang-- ang tawag dito-- parang ito ay bansag na pejorative. 'Pag tinahuwag mong adik 'yong tao, para bang hinatulan mo na siya. Eh marami naman sa atin nakapag-aral at alam natin na sa maraming tao, ang adiksyon ay isang mental health issue. Many times sila ay nag- struggle sa mga problemang kinakaharap nila sa buhay. Pero sa totoo lang, mahigit kalahati ng mga na-encounter namin na mga pamilya na nawalan ng kaanak walang kinalaman sa droga. Nalalagay lang ang mga pangalan sa mga drug watchlist. 'Yon ang simula ng violation of human rights eh. 'Yong basta na lang malagay ang pangalan mo sa drug watchlist at before you know it, ayan dinadalaw na yan, tino-tokhang na siya. Nakiusap ako noon sa gobyerno, please ang sabi ko, I cannot rehabilitate dead people. Parang 'yon na lang ang aking pakiusap. Nagbukas kami ng community-based drug rehab program, in partnership with Ateneo de Manila and De La Salle University Psychology Departments. At dumagsa ang aming mga pasyente noon. Bakit? Marami sa kanila ay plea bargainers. Nag-plead guilty as drug users at binigyan ng conditional release ng korte on the condition na mag-undergo sila ng rehab program sa Diocese of Caloocan dahil na-accredit ang programa namin. Pero laking gulat ko ng sa mga nire- rehab namin natuklasan namin mahigit kalahati, hindi drug users. Ang sabi ko, Oh my goodness! Bakit ka umamin? Kasi plea bargaining means you plead guilty. Ba't ka umamin? Hindi ka naman pala drug user. Ba't ka namin ire rehab? Ay magpa-panic na 'yon sasabihin, "Nako, Bishop, please po huhuwag nyo kaming aalisin sa listahan nyo baka tokhangin rin kami. Mas mabuti na po 'yong i-rehab niyo kami kahit hindi kami drug user, makatanggap lang kami ng certificate." Kaya 'yong programa namin tinahuwag ko siyang Schindler's List. Alam nyo ang Schindler's List 'di ba? Kahit makapagligtapos lang ng ilang buhay, okay na 'yon sakin. At aaminin ko, naging parang partner in crime pa kami, nagsinoongaling pa kami. Minsan nagbibigay kami ng certificate sa mga taong hindi naman nangailangan ng rehab para mabigyan na sila ng absolute release ng korte. Ay nako, para na akong nagtu-truth-telling ano po. So ang ating pinakaunang truth-teller dito sa ating truth-telling session ang dahilan kung bakit narito din ako dahil siya'y bahagi ng aking kawan. Ako ang tumayo bilang kaniyang pastol, bilang Obispo, at marami dito ay bahagi rin ng aming kawan sa Caloocan, Malabon, at Navotapos. Ang iba ay sa ibang mga parokya at mga diocese. At 'yon 'yong mga panahon no'ng una parang aaminin ko, hindi ko diretsang nakukuha ang balita sa mainstream media 'pag 'yong manood ka ng TV tapos sabihing may pinatay sa Malabon ganiyan. Oh my God! Parokya namin 'yan. May pinatay sa Kalookan. Parokya namin 'yan. May pinatay sa Navotapos. O Parokya namin yan. At tatawag ako sa pari. At noon, nadi-disappoint ako pag sinabi no'ng pari, "Nabalitaan din po namin sa TV." Sabi ko, ba't hindi niyo puntahan? Ba't hindi niyo basbasan? At usually ang sagot eh hindi naman po humingi ng basbas eh, baka hindi Katoliko. 'Yon ang dahilan kung bakit minabuti ko na magbukas ng mga mission stations. So si Luzviminda, ang ating unang truth-teller was a member of the mission station community ng Santa Clara sa Longos, Malabon. Noon, doon sila nakatira and syempre after the traumatic experience, lumipat sila sa ibang lugar. Hindi ko papakahabaan. May nagtatanong sa akin, "Bishop, bakit no'ng funeral mass no'ng anak ni Luzviminda na si Raymart Siapo nakasuot ka ng pula?" Akala gumagawa ako ng political statement. I was not. Kaya ako nakasuot ng pula, na hindi normal sa funeral mass, dahil hindi funeral mass ang cinelebrate ko para kay Raymart. Bakit? Bawal mag-funeral mass sa araw na 'yon? You know why? It was Palm Sunday, the beginning of Holy Week. Nilibing si Raymart on Palm Sunday. At no'ng Palm Sunday, tinatawag ng Catholic Church na Passion Sunday. Ang isusuot ng pari, pula-- red for martyrdom. And the martyrdom we're talking about is the martyrdom of the first victim of EJK, ang Panginoong Hesukristo. Ini-EJK siya kahit wala naman siyang kasalanan na puro malasakit lang ang ipinahayag niya sa kaniyang kapwa. So ayun, nag-misa ako, nag-volunteer ako na magmisa. Tinahuwagan ako ng mga paring Franciscans who were in charge of the Santa Clara Mission Station na ngayon ay Santa Clara Parish sa Longos, Malabon. Ni-remind ako ng liturgies ng aming Diocese, "We remind you Bishop, you cannot celebrate a funeral mass." Ang sabi ko, "Yes, I will not violate the liturgy. I will celebrate the Mass of the Lord's passion and give a funeral blessing to Raymart Siapo." At kung kayo'y Katoliko, alam ninyo na kapag Passion Sunday, hindi binabago 'yong pagbasa, mahaba. At 'yong Response Psalm no'n ay "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo kami pinabayaan? My God my God, Why have you forgotten us?" Noong bebendisyonan ko na si Raymart, binigay ko muna 'yong holy water kay Luz para basbasan niya ang anak niya. Hindi na siguro maalala ni Luz dahil wala siya sa sarili niya no'ng araw na 'yon. Imbis na basbasan niya si Raymart, humarap siya sa crucifix sa likod ng altar at sumigaw siya ng, "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" That was really tremendous for me. So hindi alam ni Luz na siya ang dahilan kung bakit from that day on, minabuti ko kailangan malaman ko bilang pastol ang bawat buhay na kanilang kitilin dito sa aming Diocese. At nag-document kami nang nag-document ng kaya naming i-dokumento. Ang Truth Commission hindi siya nagsisimula sa zero. Hindi po namin gagawin lahat dahil marami ng ginawa ang maraming care provider organizations. And I would like to salute all of you who are present here, care providers for the families of the victims and survivors of extrajudicial killings because your stories are already there, we will just put them together. Ito pong ating truth-telling sessions, sampling lang po siya ng iba't ibang mga categories ng mga biktima na dumanas ng trauma ng extrajudicial killings. Sorry po at napahaba, di ko na pakakahabaan. Tumayo lang ako dito para kay Judge Raul. Dahil siya po ang aming pinoono talaga sa Truth Commission eh medyo may kalayuan at maulan ngayon palagay ko natrapik si Judge Raul. Pero maya-maya, makakasama natin si Judge Raul. Ayokong ubusin 'yong panahon ni Luz sa kaniyang pagkukwento. Naririto din upang makinig ang iba sa mga kapamilya, kaanak. I don't want to call them victims, mas gusto kong tawagin silang survivors. Of course, hindi ko matatawag 'yong pinatay nilang kaanak bilang survivor dahil victim sila talaga, nawalan ng buhay. Pero kayo hindi tinuldukan ang buhay ng pagkawala ng kaanak ninyo. At tuwang-tuwa ako na nagpatuloy 'yong bonding ng mga widows and orphans of the so-called "war against illegal drugs" sa iba't ibang mga parokya sa ating kapuluan. So brace yourself for a truth-telling session, andidito kami. Kasama ko si ang Executive Secretary ng aming Caritapos Kalookan at ang aming Commission sa Social Services and Development. Siya po 'yong Mother Teresa namin sa Diocese of Caloocan. Kilala niya by name lahat ng mga kaanak ng mga EJK victims, lahat ng survivors. Nagpo-provide ng mga counseling, accompaniment, livelihood projects, at scholarships sa mga orphans 'yon po kaya nanatili 'yong bonding namin. At hindi ko ipagmamalaki na para bang natugunan namin lahat. Siguro, I can safely say ang contact namin wala pa sa kinse porsyento ng mga tunay na dumanas ng trauma. Dahil ang marami sa kanila lumayo ng ibang lugar, nagbago ng cellphone, hindi na namin makontak dahil gusto nilang kalimutan ang bangungot na dinanas nila. Ito po ang pagkakataon para yayain ko din ang iba sa kanila kung gusto nilang magkaroon ng pagkakataon na maikwento din habang pinakikinggan ng marami ang kanilang kwento. Magandang umaga po sa inyong lahat.

01:01:07 Asst. Dir. Tessam Castillo:

Maraming salamat po, Cardinal Ambo David. Ngayon naman po, tatawagin po natin si Dr. Chris Magno, Executive Director ng Truth Commission, para ipaliwanag satin ano ba tong truth-telling?

01:01:22 Exec. Dir. Chris Magno:

Magandang umaga po sa inyong lahat, lalong-lalo na kay Nanay Luz. Maraming salamat po, Cardinal at sa ating mga Commissioners. Ang truth-telling ay isang ligtapos, magalang, at makataong proseso ng pagkukuwento. Pakikinig sa mga karanasan at katotohanan ng mga taong direktang naapektuhan ng mga, paglabag sa karapatang pantao. Hindi lamang ito isang simpleng pagkukwento, ito ay pagbibigay ng puwang sa mga biktima, at ang kanilang pamilya at iba pang tagapaglahad ng katotohanan ay marinig, kilalanin, at mapangalagaan ang kanilang dignidad. Layunin po ng paglalahad ng katotohanan o ng truth-telling, maging bahagi ng proseso ng paghilom. Hindi lamang para sa iba kundi para natin sa ating mga komunidad at lipunan. Layuin din nito na gisingin ang konsensiya ng mga responsable sa mga paglabag. At hamunin at basagin ang kaisipang ang karahasan, pagkitil ng buhay, at paglabag sa karapatang pantao ay maaaring maging normal. So uulitin ko po 'yong paglalahad ng katotohanan ngayon na gagawin ni Nanay Luz, layunin din nitong gisingin ang konsensiya ng mga responsable sa mga paglabag. At hamunin at basagin ang kaisipang ang karahasan, pagkitil ng buhay, at paglabag sa karapatang pantao ay maaaring maging normal. Sa pamamagitan ng mga salaysay ngayon ni Nanay Luz at ng ating mga truth-teller sa mga susunod na panahon, nais din nating makita ang mas malawak na larawan. Ano ang mga kundisyon, patakaran, batapos, at institusyonal na pagkukulang na nagbigay-daan para sila ay mapaslang para ang kanilang karapatang pantao ay malabag. So mula rito, matutukoy natin ang mga usaping maaring maging batayan ng mga policy advocacy at institutional reform. Ano ba 'yong mga kailangan nating baguhin upang hindi na ito maulit. So sa ganitong paraan, ang truth-telling ay hindi lamang tungkol sa pag-alaala at sa paghilom. Ito rin ay tungkol sa pagkilala sa katotohanan, paghahanap ng pananagutan, pagsusulong ng katarungan, paghilom, at pagbabago ng mga sistemang naging dahilan o nagbigay-daan sa ganitong uri ng karahasan. So sa araw na ito, sa ating unang public truth-telling session, mahalagang tandaan na ang sentro ng prosesong ito ay ang mga truth-teller, 'yong ating pong mga tagapagkwento. Sikapin nating lahat na lumikha ng isang kapaligirang ligtapos, mahinahon, walang paghuhusga, at may pag-alam. So habang isinasagawa po ang session, hinihiling po namin ang pagsunod sa mga sumusunod na gabay. Makinig nang may paggalang. Hayaan po nating magbahagi si Nanay Luz. Hayaan po natin siyang magbahagi ng kaniyang mga kwento sa sarili niyang paraan at sa sarili niyang oras. Kung may marinig kayong salaysay na maaaring magpaalala ng isang traumatikong karanasan, malaya kayong lumabas sandali, magpahinga, humingi ng tulong kung kinakailangan. Iwasan ang anumang paghuhusga, pagsigaw, palakpakan, o reaksyon na maaaring makagambala habang isinagawa ang salaysay at pagtatanong. Igalang ang emosyon at katahimikan. Maaaring magkaroon ng mga sandali ng pag iyak, paghinto o pananahimik bahagi ito ng proseso ng proseso at hindi kailangang madaliin. Igalang ang hangganan ng ating tagapagkwento ngayon, si Nanay Luz. May karapatan siyang huminto, Nanay, magpahinga, tumangging sagutin ang mga tanong o humiling ng tulong anumang oras. Kaya po andiyan si Cardinal at si Sister. Mahigpit na igalang ang privacy, seguridad, at pagiging kompidensiyal. Walang impormasyon, larawan, bidyo, o detalye ang dapat gamitin sa paraang maaaring maglagay kay Nanay Luz o sa kaniyang pamilya sa panganib. Para sa mga media at sa ating mga panauhin ngayon. Hinihiling naming sundin ang itinakdang media at documentation guidelines. Huhuwag lumapit o magsagawa ng direktang panayam sa truth-teller o sa kaniyang pamilya maliban lang kung may malinaw na pahintulot nito. Ang layunin ng pagtatanong ay hindi upang husgahan o usigin si Nanay, ang ating truth-teller ngayon. Ang mga tanong ay para malinawan ang mga pangyayari, maitala ang katotohanan at higit na maunawaan ang kaniyang karanasan. Higit sa lahat, panatilihin natin ang dignidad ng bawat taong naririto. Ang truth-telling ay hindi palabas. Ito ay isang seryoso at makataong proseso ng paggunita ng paghilom, pagkilala sa katotohanan, paghahanap ng pananagutan at pagsusulong ng katarungan at paghilom. Sa ating pakikinig ngayon, nawa'y tandaan natin na sa likod ng bawat salaysay ay isang kwento ng buhay, isang pamilya at isang kasaysayang nararapat marinig at hindi malimutan. Maraming salamat po.

01:07:44 Asst. Dir. Tessam Castillo:

Maraming salamat, Dr. Chris Magno. Ngayon po ay tutungo na po tayo sa ating bahagi ng public truth-telling. Sa puntong ito, tatawagin po natin si Atty. Bayan Quiñones, ang kakatawan muna kay Chairperson Raul Pangalangan sa pag-preside ng public truth-telling. Atty. Bayan?

01:08:21 Atty. Bayan Quiñones:

Hello! Hello! Magandang umaga po sa lahat. Ngayon ay ako po ay ang magfa-facilitate ng ang ng ating truth-telling para sa ngayong araw na ito, panandalian habang hinihintay po natin ang pagdating ng ating Judge Raul Pangalangan. At ang unang bahagi ay ako rin talaga ang mamamahala. Ako po ang tutulong sa ating truth-teller ngayong araw na si Luz na tanoongin at ilahad ang kaniyang kwento. So 'yon po ang una nating gagawin, magpapatuloy na po tayo sa pagtatanong at pagpapakilala sa ating truth-teller ngayong araw na ito. Magandang umaga, Nanay Luz. May may microphone si Nanay Luz?

01:09:23 Nanay Luzviminda Siapo:

Good morning po, Atty. Bayan.

01:09:33 Atty. Bayan Quiñones:

Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa iyong lakas at tapang sa pagpunta ngayong araw na ito. Alam natin na alam ng lahat, alam ko na hindi madali ang gagawin mo ngayong araw. Alam ko na babalikan natin ang mga bagay at pangyayari na matagal ng nakalipas at maaring masakit alalahanin. At para diyan, nagpapasalamat ako sa iyong tapang. Nagpapasalamat din ako kanina pinagmamasdan kita habang nandodoon tayo sa bahagi ng programa na sa ating panata, sa paglahad ng katotohanan, pinagmamasdan ko na sinusundan mo ang bawat salita at isa ka sa lahat sa grupong to na naglahad na gusto mong sabihin ang katotohanan sa araw na ito. So magkakakilala naman tayong dalawa na no? Pero ipakikilala ko rin sarili ko. Ako si Bayan Quiñones. Although kilala mo ako bilang isang abogado, hindi ako nandidito ngayon para maging abogado. Nabanggit na rin kanina na hindi ito husgado o korte. Hindi rin ito senado o impeachment. Hindi tayo nandirito para magparusa, manghusga. Nandidito tayo para bigyan ng pagkakataon ang sinumang nais maglahad ng kanilang katotohanan para malaman ng lahat kung anong nangyari, para matandaan ng lahat kung anong nangyari, para hindi malimutan kung anong nangyari, at para bigyan ng pagkakataon na mag-umpisang maghilom ang mga naging survivor ng drug war. At para rin sa lahat ang una kong tanong sayo, kilala ka ng lahat pero pwede bang sabihin lang natin 'yong pangalan natin para makilala tayo ng ating mga tagapakinig.

01:11:14 Nanay Luzviminda Siapo:

Good morning po sa inyong lahat, ako po si Luzviminda Siapo. Ako po 'yong mother ni Raymart, at ako po 'yong makakasama niya for today. Good morning po.

01:11:21 Atty. Bayan Quiñones:

Salamat po. So sige, umpisahan na natin. At ang mayro'n lang akong mga paunang tanong sayo no? Para lang malinaw at para sa kaalaman ng lahat. Bago natin puntahan ang mga detalye. Bakit ka nga ba naririnig ito ngayong umaga?

01:11:36 Nanay Luzviminda Siapo:

Gusto ko pong sabihin 'yong katotohanan. Maaaring 'yong katotohanan maraming kwento at hindi man makapukaw sa lahat, marinig nila 'yong totoo.

01:11:56 Atty. Bayan Quiñones:

So, mayro'n bang pumilit sayo na maglahad ngayon ng salaysay mo po?

01:12:04 Nanay Luzviminda Siapo:

Wala naman po. Gusto ko rin po talaga malaman sa bansang Pilipinas ang totoo. At wala pong pumipilit sa akin na magsalita ng katotohanan.

01:12:21 Atty. Bayan Quiñones:

So wala rin naman, mayro'n bang nangako sayo na magbibigay ng kung ano mang pabuya para sabihin ang kung ano mang bagay sa araw na ito.

01:12:29 Nanay Luzviminda Siapo:

Ay wala po. Walang maleta po.

01:12:31 Atty. Bayan Quiñones:

Walang maleta. So malaya at kusang loob to sa pagpunta mo dito. At ang pakay mo ay ipaalam lang sa lahat ang katotohanan. Tama ba?

01:12:40 Nanay Luzviminda Siapo:

Tama po.

01:12:40 Atty. Bayan Quiñones:

Okay sige. So umpisahan na natin ang kwento at siguro para lang sa kalinawan ng lahat, hahatiin na lang natin sa ilang bahagi ang ating usapan. Una ay tatanoongin ko ang iyong buhay at pamilya niyo bago mangyari ang nasabing insidente, bago natin puntahan 'yong mismong mga pangyayari na maaaring mahirap na isalaysay at pagkatapos no'n ay kung ano ang naging epekto nito sa buhay at pamilya niyo. At okay, so pagkatapos din no'n, para lang mahanda mo ang sarili mo, magkakaroon naman ng pagkakataon na magtanong ang ating mga miyembro ng Truth Commission. Sa kahit anong oras or panahon na sa tingin mo gusto mong magpahinga saglit o gusto mong sandaling tumigil muna, sabihin mo lang sa akin o kung sabihin mo kay Cardinal or kay Sister. Sumeniyas ka lang sa amin, magpapahinga tayo saglit kung at kahit anong bahagi nito ay medyo mahirap lang magsalita no. Okay lang 'yon?

01:13:43 Nanay Luzviminda Siapo:

Okay lang po.

01:13:44 Atty. Bayan Quiñones:

Sige, yes po.

01:13:47 Cardinal Pablo Virgilio David:

Pwede bang palit kayo ng mic parang mas malakas siya, mas stable ang wired mic.

01:13:55 Atty. Bayan Quiñones:

Magandang umaga ulit. So, Nanay Luz nandito ka para ikwento 'yong kwento mo at kwento ni Raymart na gusto sana namin munang makilala, ikaw at ang pamilya mo at si Raymart noong nabubuhay pa, ano? Paano mo maisasalarawan ang inyong buhay bilang pamilya no'ng bata pa si Raymart, kumusta kayo noon?

01:14:32 Nanay Luzviminda Siapo:

Ah teka lang, Atty. Pwede ko po ba munang basahin itong Word of God before mag-umpisa

01:14:40 Atty. Bayan Quiñones:

Of course.

01:14:40 Nanay Luzviminda Siapo:

Sa Romans 8:18, eto 'yong word ng Lord. So for today, the trials of today will not last forever. God is turning your pain into purpose in your struggle and to testimony. So ako po ay nagbuntis nang maaga-- pwede ko na po bang umpisahan? Sa taong 17 years old nagkaroon na kaagad ako ng pagdadalang tao at nag-debut ako na mayro'n na akong anak. So no'ng mga panahon na 'yon si Raymart ay six months. Magde-debut ako na mayro'n na akong baby. So maaga akong naging nanay at kailangan kong buhayin 'yong aking anak na si Raymart. So dumating 'yong mga panahon na syempre bilang isang nanay na walang asawa, kailangan kong buhay mag-isa. Habang lumalaki si Raymart, dumating 'yung isang, nag-one year old siya, na- meet ko naman 'yong daddy ni Isabela so siya 'yong naging tatay no'ng aking anak. Ang tawag niya doon ay tatay. So siya 'yong kasama ko sa siya 'yong nagbibigay ng mga pangangailangan namin mag ina hanggang sa lumaki si Raymart.

01:16:16 Atty. Bayan Quiñones:

Pwedeng ipakilala mo rin sa amin si Raymart bilang bata, ano? Anong klaseng anak?

01:16:23 Nanay Luzviminda Siapo:

Ito po si Isabela at 'yong aking bunso na si Cyrus.

01:16:30 Atty. Bayan Quiñones:

Maaring ilarawan para sa amin lahat. kumusta siya bilang isang bata, mula one year old two year old hanggang sa lumalaki?

01:16:37 Nanay Luzviminda Siapo:

Kasi no'ng si Raymart kasi no'ng maliit clubfooted siya.

01:16:42 Atty. Bayan Quiñones:

Clubfooted pakipaliwanag po natin para sa lahat ano ang ibig sabihin natin.

01:16:48 Nanay Luzviminda Siapo:

'Yong clubfooted 'yong kaniyang paa ay dalawang magkasalubong habang naglalakad. So hindi po siya kaagad-agad na nakapag-lakad gawa ng sa kaniyang diperensiya sa paa. Umabot po siya ng mga four years old. Inisip ko nga na makakalakad pa ba 'yong anak ko kasi parang ang labo kasi gano'n 'yong mga paa niya. Pero nakita ko na 'yong anak ko gustong maglakad. So dumating 'yong panahon ay naglakad na siya. Parang natuwa, natuwa kami kasi siyempre akala namin habang panahon siya na hindi siya makakalakad, so aakayin namin. So nagpapasalamat nga po ako sa Diyos kasi nakalakad siya. Tapos no'ng mga one year old na, siya nga po 'yong kaniyang kasama ni, Daddy ni Isabela. At no'ng pagdating ng ten years old no'ng lumaki na si Raymart, mabait siyang bata eh. Hindi siya mareklamo. Alam ko naman na 'yong dahilan ng kaniyang paa, pwede siyang kahit binubully siya eh binu-bully talaga. Hindi kahit talagang binu-bully, sinasabing pilay, sinasabihan siyang ay pilay, pilay. Gano'n pag bitbit mo 'yong anak mo. Siyempre, bilang isang nanay, masakit 'yon. So sinasabi ko masama 'yan ha, 'huwag ganiyan. So sinasaway ko rin naman 'yong bata. Pero mayro'ng 'yong pag dinilatan mo 'yong bata, 'yong galit ka pero hindi mo pwedeng saktan sila na ipaalala sa kanila na masama 'yong kanilang sinasabi.

01:18:16 Atty. Bayan Quiñones:

Ano ang naging pagtanggap nito ni Raymart sa pambu-bully nito sa maagang batang edad? So palagay ko sa paaralan na ba to? Sa school ba to nangyayari o sa pang araw-araw?

01:18:25 Nanay Luzviminda Siapo:

Sa pang araw-araw po 'yon habang lumalaki siya tapos ay ba't ganiyan siya maglakad. So napupuna po siya ano parang si Raymart dahil nga hindi siya masiyadong mareklamo bata. No'ng mga nagkakaisip siya, nagtataka siya bakit siguro gano'n ang kaniyang mga paa. Kasi 'yong kaniyang mga pinsan tuwid naman maglakad tapos bukod tanging siya lang 'yong clubfooted na gano'n. Pero malakas ang loob ni Raymart eh nagpatuloy pa rin 'yong kaniyang buhay kahit na gano'n siya na binubully siya. Hindi siya nagsasabi na Mama, binubully ako Mama. Wala siyang sinusumbong. Siguro kinikimkim niya lang 'yong lahat ng 'yon bilang isang bata at tinanggap niya na rin sigurado 'yong gano'n, 'yong 'yong 'yong kaniyang paa.

01:19:13 Atty. Bayan Quiñones:

Nagkaroon po ba ng pagkakataon na sinubukan 'yong ikonsulta sa eksperto o sa doktor 'yong kaniyang kondisyon?

01:19:21 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo, kasi no'ng nagtatrabaho ako bilang isang tindera sa Grand Central 'yong boss ko ay sabi niya kasi sabi niya, "Luz ipatingin kaya natin si Raymart doon sa Mary Johnston Hospital?" Akin 'yong fifty-fifty tapos ipasok natin sa temple o 'yong parang mga Chinese po 'yon kalahati doon sa kalahati sa boss ko. So pinatingnan namin 'yon. 'Yan si Raymart ay mga nasa ten or mga eight, parang basta mga gano'ng mga edad. Pero ang sabi niya, ipinaliwanag kasi sa kaniya ng doktor at narinig rin talaga niya kasi nandodoon kami sa Mary Johnston. "Mommy, pag- inopera natin 'yong anak mo. Hindi po yan basta-bastang operasyon. 'Yan po ay kung hindi maayos ang pag-opera sa paglakad niya, maaaring operahin pa natin ulit 'yan." At operahin hanggang sa, so maraming operasyon. Sabi niya sakin, "Mama, huwag na lang baka lalong hindi ako makalakad." 'Yon ang sabi niya sa akin. So inano ko po 'yong desisyon niya na huwag na lang. Hindi na po kami nagpatuloy para doon sa operasyon at nakakalakad naman daw siya kaya huwag na lang daw po.

01:20:35 Atty. Bayan Quiñones:

Nabanggit mo rin na no'ng mga panahong ito, nagtatrabaho ka bilang tindera. Siyempre kaya mo ginagawa to dahil kailangan buhayin mo ang iyong pamilya, tama ba?

01:20:46 Nanay Luzviminda Siapo:

Kasi nga maaga nga po ako nagbuntis kaya po talagang gumagawa ako ng paraan. Hindi ako, sa totoo lang, hindi po ako umaasa sa mga kapatid ko na buhayin kami. Kasi ako po 'yong bunso eh. Nagtatrabaho po talaga ako simula't-sapul para po kay Raymart at sa akin po.

01:21:06 Atty. Bayan Quiñones:

Ngayon sa edad na 'to, sa edad na walo, sampu, nasa eskwelahan na si Raymart, tama ba?

01:21:12 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo, nasa eskwelahan na siya.

01:21:12 Atty. Bayan Quiñones:

So kumusta naman ang kaniyang naging performance sa eskwela?

01:21:16 Nanay Luzviminda Siapo:

Sa eskwelahan, siyempre 'yon pa rin 'yong pambu-bully sa kaniya. Siguro naman nasasabihan 'yon ng mga teacher 'yong mga kaklase niya. May panahon na no'ng sumali siya ng ano ng United Nation nga, nanalo pa siya ng "Best in Costume." Pero kung maglakad siya talaga gano'n ang kaniyang paa. Naano pa rin siya, nabubully pa rin siya, "Hoy ba't ko no'ng maglakad 'yong batang 'yon," parang gano'n. So 'yon 'yong mga time na ang pag-aaral nga ni Raymart, puro pambubully 'yong narereceive niya dahil sa kaniyang paa.

01:21:52 Atty. Bayan Quiñones:

Na tama ba, bilang isang nanay na gustong buhayin ng kaniyang pamilya, nagkaroon din ng panahon na kinailangan mong magtrabaho sa ibang bansa.

01:22:03 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo.

01:22:03 Atty. Bayan Quiñones:

Mga kailan ito?

01:22:05 Nanay Luzviminda Siapo:

'Yong si Isabela, at si Raymart ay nag-10 years old. At si Isabela ay, nasundan ko na si Isabela, no'ng nag six years old si Isabela that time, si Raymart ay 16 kasi ang haba ng kanilang pagitan. Namatay 'yong tatay nila, tatay kasi ang tawag niya. Nagkaroon po ng, na-ospital po ng almost one year. At mayro'n din po talaga akong hanapbuhay sa Malabon City Square na mga tiyangge. Naibenta ko po 'yon kasi gawa ng kailangan kong ma-suplayan 'yong gamot, mga iinumin, tapos 'yong mga kailangan naming bayaran. Hanggang sa no'ng namatay 'yong tatay nila, ni Raymart saka ni Isabela, umuwi na kami ng doon sa lugar ng tatay niya. Tapos ngayon po no'ng nailibing 'yong kaniyang tatay, siyempre nahihirapan po ako, dalawa na naman. Dati isa lang 'yong inaasikaso ko para buhayin, naging dalawa na sila. Anong ipapakain ko? Ano ang kailangan kong gawin para mabuhay ko sila? So dahil sa lugar na 'yon ay hindi ako masiyadong pamilyar kung anong negosyo ang pwede no? Kakain kami, mauubos to, mauubos to nang wala akong kita. At gumagastos kami araw-araw, mauubos, sa hindi pupwede. So nag-ihaw kami ni Raymart. Buhay pa si Raymart ay nag-iihaw na po kami. Yan si Isabel alam niya 'yon. Mabait siyang bata talaga, bubuhatin niya 'yong lamesa kahit na 'yong paa niya gano'n ilalabas niya tuwing hapon na iyon. Tapos bago pa nangyari uli 'yong nag-abroad, ako, gano'n ang aming hanapbuhay sa lugar ng papa nila, hanggang sa mabuhay kaming mag-iina. Yan ay masaya pagka kasi ako nagtatabi o pupunta tayo sa lola mo sa Navotas. Sabi ko sa kaniya, "Dadaan tayo ng Divisoria. Magtatabi tayo ng pera, bibili tayo ng damit mo tsaka gusto mong short." Kasi mahilig siya sa mga, "Ma bili mo ako ng sando, bili mo ako ng shorts." Pwede, aalis ako ng ibang bansa sabi kong gano'n sa kaniya. Sige mama, sabi niyang ganiyan. Ay paano, naisip ko, si Isabela maliit pa e. Siguro mga nasa nine lang siya no'ng paalis ako, no'ng nag-apply ako ng ibang bansa. Sabi niya, "Sige mama, akong bahala kay Isabela." Naisip ko, paano kayo magluluto? Anong kakainin ninyo, anong ganito? So gumawa ako ng mga, eto 'yong breakfast ninyo, "Sundan mo lang to Raymart ha." So binigyan ko siya ng guidance pag ako nakaalis, eto mga gagawin mo. Ikaw mamimili, eto ang gagawin mo, pagkasiyahin mo to. So siya ang naging nanay, siya ang naging tatay para doon sa iiwanan kong si Isabela kasi aalis nga ang kanilang mama. No'ng dumating na 'yong panahon na aalis na talaga ako, ang bilis eh, ang bilis kapag nag-apply ka ng papuntang Saudi mabilis 'yong proseso. Nagulat ako December ng nag-apply ako ng 2014, 2015, makakaalis na agad ako ng December. At pasko po 'yon so hindi po ako, sabi ko bakit naman kasi pasko pa ako aalis di ba? Gusto ko mag-spend time muna sa kanila kasi two years.

01:25:42 Atty. Bayan Quiñones:

Hindi ka na nakapag-pasko sa Pilipinas?

01:25:42 Nanay Luzviminda Siapo:

Hindi na po ako nakapag-pasko sa Pilipinas noon. Pero makikita mo 'yong ang hirap pong iwanan 'yong sa totoo lang, napakahirap iwanan 'yong mga anak para po sa pag magtatrabaho sa ibang bansa. Mahirap, kasi marami kang struggle, marami kang iniisip na pano pag nagkasakit tong mga batang to, sino magdadala sa ospital. E si Isabela every week dinadala ko sa ospital yan kasi mayro'n siyang asthma. Sabi ko, paano kung halimbawa dumating 'yong gano'n, sino? Pag nagka-lagnat sila, sinong mag-aasikaso sa kanila? Pero kasi hindi na ako maka- ayaw eh, sinabi ko andoon na e, na nag-apply na po talaga ako, makakaalis na talaga ako so go. Pero no'ng tinatanaw ko 'yong mga anak ko, bitbit ko 'yong maleta, umuulan no'n e. Sabi ko, Raymart, bumaba muna kayo ng kapatid mo. Dalhin mo muna si Isabela doon kasi ayoko 'yong hahabulin ako, yayakapin ako baka hindi ko kayang mas umalis. So dinala ni Raymart 'yong kapatid niya, naligo sila sa ulan, sabi ko [inaudible 1:27:19] si Isabela para lang maano lang po ba siya? Pero no'ng paalis na ako, bitbit ko 'yong maleta ko, natatanaw ko 'yong mga mata ng anak ko kahit na malayo na mayro'ng kalungkutan sa kanila. Kaya hindi nila masasabi sakin talaga 'yon. Tapos po no'ng nasa accommodation ako, parang gusto ko ng tumakas kasi parang ayoko na po talagang umalis. Dahil sa sasakyan pa lang, umiiyak na talaga ako. Napakasakit, first time kong gagawin sa kanila 'yong iiwanan ko sila.

01:27:51 Atty. Bayan Quiñones:

So, habang nagdesisyon kang magtrabaho, sinong nagbantay sa kanila dito sa Pilipinas?

01:27:55 Nanay Luzviminda Siapo:

'Yong kanilang lola. Mayro'n pong problema sa mata 'yon eh, may katarata siya, hindi talaga siya makakita. At kung 'yong doon sa tinitirhan namin, nalalaglag pa 'yon pagka hinahanap si Raymart para pauwiin kapag medyo hapon na. Hinahanap niya, nalalaglag pa siya. Si nanay po 'yong nag-asikaso sa dalawang bata. Tapos mayro'n akong binilin. Sabi ko, "Kuya Bong, pwede po ba na pag halimbawa silip-silipin mo naman 'yong mga pamangkin mo?"

01:28:26 Atty. Bayan Quiñones:

Si Kuya Bong ay kapatid mo?

01:28:28 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo.

01:28:28 Atty. Bayan Quiñones:

Pero hindi siya nakatira sa bahay?

01:28:30 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo kasi may asawa po siya e. Napunta po siya doon, minsan doon siya titigil, minsan doon naman siya. Hindi po talaga siya naka-full time para tingnan 'yong mga bata. So sila lang po talaga no'ng nanay ko. At saka si ano, si Isabela tsaka si Raymart.

01:28:48 Atty. Bayan Quiñones:

Mapunta naman tayo doon sa trabaho mo. Anong naging trabaho mo sa ibang bansa?

01:28:53 Nanay Luzviminda Siapo:

'Yong sa kontrata ko po talaga ay katulong. So all around, lahat kung ano pong trabaho ng katulong, 'yon po ang.

01:29:04 Atty. Bayan Quiñones:

So, mayro'n kang pamilya na kung saan nagsilbi ka bilang kasambahay?

01:29:08 Nanay Luzviminda Siapo:

Ano po?

01:29:09 Atty. Bayan Quiñones:

Bilang nagsilbi bilang kasambahay, tama 'yong trabaho mo?

01:29:15 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo.

01:29:18 Atty. Bayan Quiñones:

Doon sa mga panahon na nagtatrabaho ka, mayro'n ka bang mga pagkakataon na kausapin naman ang pamilya mo, sina Raymart at Isabela sa Pilipinas?

01:29:27 Nanay Luzviminda Siapo:

So, no'ng umalis po ako sa sa Pilipinas, bawal lang ang phone. Marami na nagsasabi, "Hoy pag kayo nandodoon sa abroad ha kailangan itago niyo 'yong cellphone niyo. Maglabas ka lang ng isang cellphone. 'Yon 'yong sira na kasi kukumpiskahin nila 'yon." E mayro'n ako 'yong de-keypad na cellphone. So 'yon ang nilagay ko doon sa bag para kung halimbawang humalughog man sila, "ay eto lang 'yong cellphone ko." Talagang nakapasok po doon sa, alam niyo po ba 'yong naka-panty ka, tapos naka-short ka na mahigpit doon ilalagay. Ang hirap po kayo maglakad ng mayroong nakatago doon sa ilalim ng singit niyo po.

01:30:03 Atty. Bayan Quiñones:

So, kaya ginawa mo to, pinagdaanan mo tong bagay na ito para siguraduhin na kahit papaano makakausap mo naman ang pamilya mo sa Pilipinas?

01:30:11 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo, para hindi po makumpiska 'yong aking phone at hindi po gano'n kadali e. No'ng nakarating po ako, nag-arrive po ako ng Saudi. Edi syempre dadalhin ka muna doon sa accommodation, kung sino 'yong kumuha sa iyo. Tapos doon kayo, kakain kayo doon. Tapos susunduin ka ng employer mo. Hindi gano'n kaagad-agad na nakausap mo 'yong mga pamilya mo sa Pilipinas. 'Yong pagkarating mo ng airport, makakausap mo kaagad sila? Hindi. Umabot pa 'yon ng mga ilang araw bago mo sila kinausap. Siyempre, nag-aalala ka na baka mamaya nag-iisip na 'yon sila, kumusta na? Baka hindi nila alam kung nakarating ba ako o hindi. So no'ng pagkarating ko doon sa boss ko po ang tingin sa akin, masama na kaagad. Maldita 'yong amo ko eh. Talagang matapang 'yong mukha niya. Tapos po pinapasok ako doon sa loob. Ang unang pinoontahan kong kwarto po ay tambakan. Kawawa po 'yong mga OFW. Ang una ko napuntahang kwarto, tambakan siya ng mga kaldero, mga lumang damit tapos natulog po ako doon sa sa sahig na.

01:31:18 Atty. Bayan Quiñones:

Ibig sabihin 'yon 'yong napuntahan mong kwarto, 'yon 'yong doon ka na matutulog, doon ka pinapatulog?

01:31:24 Nanay Luzviminda Siapo:

Doon po ako pinatulog, doon po ako pinagpahinga. Sabi niya, umakyat na kayo sa taas. Wala talagang naka-prepared para doon sa mga OFW na napakagandang ano pagdating mo. Ewan ko lang sa iba. Pero kasi po 'yong sa akin, 'yon po ang nangyari eh. Nandoon ako naka nakahiga sa rug. So nakita ko no'ng isa kong OFW na kapwa Pilipina na, "Uy, ba't hindi ka mag-report sa ano natin sa embassy natin? Hindi po pwedeng tratuhin tayo ng ganiyan. Mayro'n din tayong karapatan na matulog sa maayos na higaan." So ang ginawa, sabi ko okay lang ako. Ako kasi po 'yong matiisin na tao. Sabi ko, okay lang po ako as long na hindi ako sinasaktan at pinapakain ako. Gagawin ko lahat ng trabaho. Kasi alam ko naman na pumunta ako dito sa Saudi at alam ko kung ano 'yong trabaho ko parang ibig kong sabihin alam ko kung ano 'yong kung saan ako naka-pwesto. Hindi na ako nagreklamo doon, Atty., na sa tulugan ko na 'yon? Hindi na, basta nakarating ako ng safe at hindi ako sasaktan. Hindi ako magrereklamo sa ating embassy doon sa ibang bansa.

01:32:35 Atty. Bayan Quiñones:

So ito ay taong 2016 na 'no? Noong Pasko ng 2015 ka umalis. 2016 nandoon ka na?

01:32:42 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo. 'Yon po 'yong mga December, 'yon po 'yong mga unang ano ko salta ko doon.

01:32:48 Atty. Bayan Quiñones:

So 2016 at nagawan mo ng paraan na kahit papano makapag-tabi ng telepono para sa gabi makaka-chat natin ang?

01:32:55 Nanay Luzviminda Siapo:

Hindi pa rin po.

01:32:55 Atty. Bayan Quiñones:

Hindi pa rin?

01:32:56 Nanay Luzviminda Siapo:

Kasi kailangan mong pag bumili ka doon ng sim kailangan si "Bataqa." Ang aking passport, hawak po 'yon ng boss ko. Hindi ko po hawak 'yon.

01:33:05 Atty. Bayan Quiñones:

So wala ka pang pambili agad ng simcard. Wala ka ring passport, hindi ka rin nakakalabas agad?

01:33:10 Nanay Luzviminda Siapo:

Ay hindi po. Mayro'n po akong one thousand pesos nakalagay 'yon doon sa wallet ko. Hindi ko alam kung bakit nandoon siya eh. Hindi ko pinapalitan. Hindi ko iniwan sa mga anak ko. 'Yon pala mayro'n siyang purpose no? Isang beses mag-bakasyon 'yong amo ko kasama 'yong mga kamag-anak niya. Dinala ko doon sa bahay ng kapatid niya. Doon puro Pilipina po 'yong mga katulong. Talagang awang-awa sila sakin kasi nga 2 days, kung tinatanong niyo po kung nakausap ko na po 'yong mga pamilya ko sa Pilipinas simula no'ng nandoon ako sa amo ko. Two days pa lang po, nakausap ko 'yong mga anak ko. Akin po 'yong bayad sa telepono. Kung magkano po 'yong ginastos, ilang oras, ilang minutes ko po siya kinausap deduction po sa akin 'yon. Hindi, hindi nila sinagot.

01:34:01 Atty. Bayan Quiñones:

Pero sa bandang 2016 kahit papaano nakakuha ka na rin ng cellphone?

01:34:07 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo no'ng nadala nga po ako doon sa kabilang bahay. So ginamit nila dahil wala naman akong bataqa. Sabi no'ng isang katulong, "O bilhan mo naman ito si Linda ng ano ng sim, kawawa naman." Pero dala ko po 'yong cellphone ko. Sabi niya, "May pera ka ba diyan?" Sabi sa akin. Sabi ko, "Mayro'n akong pera, one thousand eh." Sabi niya ay makakabili tayo ng sim tapos kasi sa kanila hawak nila 'yong bataqa nila tapos nakakalabas sila. Alam nila 'yong mga pasikot-sikot. Siguro mga ilang beses sila nakaalis. Binilhan nila ko ng sim. Doon, nagkaroon na ako ng, hindi na ako, nandoon pa rin 'yong lungkot. Nakontak ko na 'yong aking mga anak.

01:34:50 Atty. Bayan Quiñones:

Sa anong paraan kayo nag uusap? Anong application ang ginagamit niyo, Mssenger ba?

01:34:54 Nanay Luzviminda Siapo:

Messenger po.

01:34:55 Atty. Bayan Quiñones:

Oo, so may Messenger ka tapos may Messenger din si Raymart at saka si Isabela?

01:34:59 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo, at saka si Kuya Bong po.

01:35:00 Atty. Bayan Quiñones:

At saka si Kuya Bong po, nakakapag-usap na kayo.

01:35:04 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo, opo.

01:35:05 Atty. Bayan Quiñones:

So 2016 ito ano? Ito ay panahon ng eleksiyon sa Pilipinas, naaalala mo? Kung tama ang kompyut ko ay no'ng taon na 'yon ay nag disiotso anyos na si Raymart?

01:35:17 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo, 18 na po siya noon, running to 19.

01:35:24 Atty. Bayan Quiñones:

So ibig sabihin ba nakaboto na siya noon?

01:35:27 Nanay Luzviminda Siapo:

Oo, kasi 'yong nasa nasa ibang bansa ako siyempre through messenger 'no sabi niya, mama, sabi niya ganiyan, nakapagparehistro na nga siya para inaano niya po 'yong voters eh 'yong magkaroon siya ng ID. First time niya 'yong magiging ID. Sabi ko, "O sinong presidente mo?" sabi ko sa kaniya. Si Duterte, 'yon ang sabi niya di ba? Sabi ko, "Oo, gusto ko 'yon din ang presidente e." Sabi ko 'yon ang gusto ko talagang iboto rin.

01:35:58 Atty. Bayan Quiñones:

Nasabi ba niya kung bakit 'yon ang gusto niyang presidente?

01:36:01 Nanay Luzviminda Siapo:

Gusto niya presidente, sabi ko, kasi sabi niya, "Siya, Mama, ano maka-mahirap." At saka 'yong nakikita niyo po ba 'yong mga ano niya, 'yong mga plataporma niya doon sa droga, sabi niyang ganiyan. At saka 'yong kumakain siya sa labas, napakasimple niyang Presidente, Ma, sabi niyang ganiyan. Nakakuha ako ng t-shirt, sabi niyang ganiyan, tuwang-tuwa daw siya 'yong hinagis sa kaniya nakita niya mukha ni Duterte. Sabi ko, ah gano'n ba sabi ko, o 'di good kasi alam mo yan din ang gusto kong presidente. Sabi kong gano'n sa kaniya. Kasi nga baka tingin ko mapuksa niya talaga 'yong ano. Napakatapang niya, sabi ko, mapupuksa niya 'yong droga ng Pilipinas. So 'yon din po 'yong aking ano parehas kami ng gusto.

01:36:51 Atty. Bayan Quiñones:

Siya ang binoto niya bilang presidente?

01:36:55 Nanay Luzviminda Siapo:

'Yon ang una niyang presidente. Unang-unang presidente niya at gustong-gusto niya 'yon.

01:37:01 Atty. Bayan Quiñones:

Napag-usapan niyo pa ba si Duterte no'ng siya'y naging presidente na? Nanalo na siya noon no, so kung mas masaya siya.

01:37:08 Nanay Luzviminda Siapo:

Masaya siya, sabi niya "Ma nanalo 'yong presidente ko." So masaya siya, binabalita niya po sakin 'yon.

01:37:15 Atty. Bayan Quiñones:

At ikaw naman, nakasubaybay ka naman no'ng mga panahon na 'yon sa mga pangyayari sa Pilipinas. Nakakanood ka ba ng mga balita?

01:37:20 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo na 'yong sa Malakaniyang, 'yong pag tinawag na magiging presidente, 'yong manunumpa na siya napanood ko po 'yon eh. Sabi ko, Wow! Sabi ko, eto na 'yong umpisa na magbabago na nga talaga 'yong Pilipinas. Kasi 'yong doon sa mga sinasabi niya no'ng nangangampaniya siya na within six months, masusugpo niya 'yong droga. Parang wow! Napakatapang nito kasi iniisip ko pag droga ang kakalabanin niya ang laki ng mga, mga bigtimer 'no 'yong talagang mga inisip ko pa nga 'yong mga laboratory ng droga, mapapasara or mahuhuli niya lahat, talagang mga bigtime na druglord, 'Yon ang nakapasok sa isip ko eh.

01:38:02 Atty. Bayan Quiñones:

At no'ng naging presidente na nga siya at 'yong mga unang anim na buwan ng kaniyang pagiging presidente, nakakanood ka sa balita kung ano 'yong ginagawa niya batay doon sa pinangako niya?

01:38:12 Nanay Luzviminda Siapo:

Kasi sa ibang bansa, nabubuhay kami sa YouTube. Lahat ng mga OFW pagkatapos na pagkatapos magtrabaho niyan, o kung pwede man sa kanila ang ano, nasa YouTube yan eh. So ako, mahilig ako manood ng balita na gusto ko masubaybayan ko anong mayro'n sa Pilipinas. So nakikita ko na talagang ano siya doon sa sinasabi niyang six months, puro patayan. Sabi ko yan, sabi ko pa nga sa isip ko po talaga no? Ayaw niyo kasing tumigil ng pagda-drugs kaya kayo namamatay. Sinabi naman na ng presidente na pag siya umupo, 'yon nga lilinisin niya 'no. 'Yon ang pananaw ko kasi syempre gusto ko nga rin naman na mawala 'yong droga sa sa Pilipinas eh. Parang napakasarap naman na gano'n ang bansang Pilipinas po 'di ba?

01:39:10 Atty. Bayan Quiñones:

So, parang no'ng umpisa nakita mo na naibigay niya 'yong pangako niya?

01:39:16 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo. Tapos noon di ba six months, e 2016 'yon. Tapos 2017, syempre patayan na dito sa Pilipinas ano patayan na nang patayan laging napapanood mo. Nanlaban, 'yong sinasabi, nanlaban, pinatay, puro gano'n ang ano maririnig mo na balita noong mga 2016 hanggang 2017. No'ng December po, masayang-masaya si Raymart. Sabi niya, Ma, sabi niyang ganiyan, mayro'n siyang. Sabi niya, "Magbibilang ako, tatalon ako pero tumangkad pa ako." Matangkad naman na siya, ba't pa siya tatalon di ba. Sabi niya tatalon ako, may countdown siya, "Tapos babatiin kita, Ma," sabi niyang ganiyan. Masayang-masaya siya, 'yon 'yong last na ano niya, bagong taon. Tapos no'ng January, pagkatapos noon, nag-message ako sa kaniya, kumusta 'yong bagong taon ganiyan? Kumusta ka? Sabi niya, "Ma, na mimiss ko na 'yong mga luto mo eh." Sabi niya, ganiyan. So mahilig 'yon sa shanghai pag ipinagluluto ko ng shanghai, gustong-gusto niya. Sabi niya, "Ilang buwan na lang din naman makakauwi ka na ng Pilipinas. Gusto ko sana mamasiyal tayo." Sabi niyang ganiyan, makarating tayo sa ganitong lugar. Siguro kasi dahil sa kahirapan ng buhay namin, hindi ko naman din 'yon nagagawa. At ang siguro pumapasok sa anak ko na pag-abroad ang po ang iyong nanay marami kang pera. So parang gusto niya 'yong mag-eenjoy kami, pupunta kami sa ganitong lugar, mamamasiyal kami. 'Di niya naiisip 'yong gagastusin naming pera, di ba po? So siyempre kabataan 'yon ang gusto niya. Sabi ko, sige, sabi niya ganiyan. Sabi niya, "Ma, gusto ko sana magkaroon ng motor eh." Sabi ko, paano kita mapapadalhan ng pera? Pero mayro'n din naman po talaga akong pera dito sa Pilipinas e kasi nasa bangko eh. Hindi naman nakaano 'yon naka- passbook. Kailangan magpapadala ka pa ng ano? Paano ko paano kita mabibilhan? Sabi ko minsan, sige pag-uwi na lang, sabi kong gano'n sa kaniya. Tapos di ngayon, mga February, binati niya pa ako e 'yong araw ng mga puso. Binati pa niya ako. Tapos no'ng, 2017 na po ito ano nangyari. March, birthday ni Isabela at saka ng nanay ko. March 19 tsaka no'ng March 24 'yon ang birthday nila so nagpadala ako ng pera para mahandaan ng konti si Isabel. Tapos, hindi ko akalain talaga na mamamatay si Raymart nang 2017.

01:42:17 Atty. Bayan Quiñones:

Okay. Nabanggit mo na 'yon nga noong Marso ng mga towards katapusan ng Marso or March 29, March 30 ito no'ng nalaman mo. Pwedeng bang ikwento mo sa amin paano mo nabalitaan na may nangyari nga kay Raymart?

01:42:37 Nanay Luzviminda Siapo:

'Yong naalala ko sabi niya sakin na, "Ma, ipapa- barangay ako eh." Sabi ko, bakit? "Eto si Ponciano malilintikan ito sa akin eh," sabi niyang ganiyan. "Lagi na lang akong pinagbibintangan, Ma, nakakainis na. Kung ano 'yong nawawala sasabihin sa akin, ako ang nagnakaw. Pinagbibintangan naman ako ngayon, washing ay-- manok, nakaraan washing machine. Nawawala daw sa kanila." Pero talagang wala pong gamit 'yong, kung siguro makikita niyo 'yong mga panahon wala kayong mahirap sabihin para nakawan.

01:43:12 Atty. Bayan Quiñones:

Linawin ko lang 'no, ibig sabihin mayro'n kayong kapitbahay na inaakusahan na pagnanakaw ng manok sa barangay?

01:43:20 Nanay Luzviminda Siapo:

Hindi pa po. Pag may nawawala talaga siya 'yong pinupuntirya ni Ponciano, no'ng ng tatay no'ng bakla si PJ. Kaya nakapagsalita siya ng gano'n, nagalit 'yong PJ no'ng March 28. So nagalit 'yong PJ, nagsumbong 'yong tatay na nagkasagutan sila ni Raymart. That is 2017 ng March 28. Sabi ko sa kaniya, "Sumama ka, sumama ka doon sa barangay." Sabi kong gano'n, kasi para maliwanagan din at saka ano. Sabi niya, "Oo ma, pupunta ako sa barangay," sabi niyang ganiyan. Tapos no'ng kinabukasan, 29 na po 'yon, March 29. O, kumusta 'yong sa barangay? "Okay na po kami, Ma." O Kuya Bong, tinanong ko pa nga 'yong kapatid ko, "Okay na, nag-usap na." Kasi Bebi po 'yong tawag sa akin.

01:44:16 Atty. Bayan Quiñones:

Wait. So ang idinulog sa barangay ay 'yong akusasyon lang ng pagnanakaw wala ng iba?

01:44:22 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo 'yon lang po ang sinabi.

01:44:24 Atty. Bayan Quiñones:

Sinasabing manok?

01:44:24 Nanay Luzviminda Siapo:

Basta't kung ano nga 'yong nawawala. At hindi kasi ang inaano nga ni PJ na parang seguridad doon sa tatay niya, parang pagbabanta daw ni Raymart baka mamaya ko ano gawin ni Raymart doon sa tatay nila. Pero hindi gagawin ng anak ko 'yon, makakapagsalita lang siguro 'yong bata gawa ng naiinis na kasi lagi na lang siya 'yong sinisisi eh.

01:44:45 Atty. Bayan Quiñones:

So nakapag-kwento pa si Raymart sayo kung ano nangyari doon sa barangay no'ng March 29?

01:44:49 Nanay Luzviminda Siapo:

March 28, tapos 29 sabi niya, "Okay na kami, Ma." Sabi niyang ganiyan. Pero 'yong salita niyang 'yon, parang malungkot siya kasi first time niya po kasing mapa-barangay. Hindi talaga siya naba-barangay. Kahit na dumating siya sa edad ng 18 na 'yon, hindi siya nadala sa barangay. Ma-tropa naman siya pero hindi siya nadala sa barangay 'yong para sa mga riot-riot na, ay wala na. First time niyang nadala sa barangay 'no. Eto ang nakakalungkot, first time siyang nadala sa barangay ng 28. 29 nagkausap kami nang umaga, kinamusta ko pa siya. Hapon na sa Pilipinas, umaga sa Kuwait. Sa Kuwait po ako na OFW 'no, five hours ang advance po. So kung gabi dito sa atin alas-singko, doon alas dose pa lang po ng magtatanghalian pa lang po kami. Ay mag-aalmusal pa lang, kasi alas tres 'yon ang kainan doon eh 'yong mga tanghalian, alas dos, alas tres sa oras. Ngayon po no'ng 29, magkausap kami ni Raymart, magka chat pa kami, masaya pa siya e, "Ma, mahal na mahal kita." Yan kasi si Raymart, malambing, malambing siyang bata eh. Hindi siya katulad kay Isabel. Pero talagang siya nagsasabi siya na mahal kita. Nagsasabi siya, malambing siya, "I love you, Ma" 'yong mga ganiyan. Binabati niya ako sa isa sa birthday ko, 'yong mga ganiyan. Lahat, mother's day, nagsabi siya. Sabi ko, O? Oo ma, sabi niyang ganiyan, okay na kami, sabi niyang ganiyan. Yon pala si Raymart ay ipapasok siya ng trabaho ng uncle niya kasi that time ay bakasyon at nag-a-ALS lang siya. Sabi ng kapatid ko, ipapasok nga daw niya ng construction pero yong parang taga-abot-abot lang nila, 'yong ganiyan. Kasi kinausap niya 'yong foreman nila na maipasok si Raymart. Pero Saturday mayro'n siyang ano, uuwi siya para i-stay in siya. Nakakalungkot kasi no'ng March 29, 28 napa-barangay siya at pagdating sa barangay, 29 buhay pa siya nang hanggang maghapon. Pagdating ng gabi, hindi ko na siya makontak sa oras ng alas nuwebe, alas otso ng gabi. Ayun po 'yong mga oras doon sa Kuwait ay mga three o'clock or four mga ganiyan, hindi ko na siya makontak. Hanggang sa hindi ko na talaga siya makontak. 'Yon pala busy na siya, inasikaso niya 'yong bag niya or ano. Tapos po no'ng matapos akong magtrabaho ng March 29, 2017, alas onse po nang gabi, tapos na ako magtrabaho eh. Kaya napakahirap ang isang OFW kung magtrabaho ka talagang. Ang inaasahan kasi ng mga Kuwaiti, 'yong mga Arabo pag Filipina ang OFW na pumasok sayo, siguradong masipag, siguradong pulido kung magtrabaho. Gano'n sila pag Pilipina kaya medyo mataas ang price ng Pilipina e. Mga OFWs, mga katulong mataas ang presyo sa ibang lahi kasi nga pag nagtrabaho, trabaho talaga. Tapos ngayon nagluluto ako, parang balisa na ako eh. Hindi ko na, ba't hindi ko ma-contact 'yong anak ko. Alam mo 'yong koneksyon ng bilang nanay tsaka isang anak. Sabi ko parang hindi ako mapakali kahit nagluluto ako doon ng mga hapunan no'ng boss ko, hindi ako mapakali. Sabi ko, ano kaya ka ko parang may nangyayaring hindi maganda. Tapos ngayon, alas onse na nang gabi, naghubad na ako ng uniporme ko. Tiningnan ko na kaagad 'yong cellphone ko.

01:49:27 Atty. Bayan Quiñones:

Ito pa rin, itinatago mo pa rin 'yong cellphone mo no'ng mga panahon na 'to?

01:49:30 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo, kasi hindi pa nila alam na mayro'n ako.

01:49:32 Atty. Bayan Quiñones:

So, nache-check mo lang siya pag tapos ka na magtrabaho?

01:49:35 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo, lahat po sila, na-checheck ko lang po kung tapos na ako magtrabaho. No'ng pagtingin ko ng phone ko, hubad pa ako. Sinasabi ko nga po sa inyo, kakatanggal ko lang po ng aking uniporme. Mayro'n na kaagad siyang message. Siguro 'yon ay ang ang oras dito ay 11, 12, 1, 2, 3-- alas kuwatro na nang madaling araw dito sa Pilipinas.

01:50:04 Atty. Bayan Quiñones:

Ng March 30?

01:50:04

Ng March 30 'yon. Pero doon sa Kuwait, March 29 pa lang po 'yon. Ngayon pagkuha ko, sabi ko, bakit gano'n 'yong message no'ng-- hindi ko pa kamag-anak po 'yong nag message eh. Isang tropa ni Raymart ang nag-message na emoji lang siya na lumuluha, dalawang luha, dalawang tulo lang po.

01:50:31 Atty. Bayan Quiñones:

So, may natanggap kang mensahe galing sa isang tropa ni Raymart na walang nakasulat na salita kundi isang emoji na umiiyak?

01:50:38 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo, that was at March 29 sa Kuwait. Dito ay 30 sa Pilipinas. So nareceive ko po 'yon, hindi ko kamag-anak 'yon. At hindi rin 'yong madalas na nagchachat po eh. Hindi siya, hindi nagchachat sa akin 'yong batang 'yon. Tapos sabi ko, "Bakit gano'n?" Maya-maya, tumunog man-- nag-vibrate na naman 'yong phone kasi hindi ako nagpapatunog ng phone baka marinig ng amo ko ano. Aba, isa na naman pong emoji pero doon sa pamangkin ko na 'yon, si Angel. Si Angel na po 'yong nagsend ng isang lumuluha rin. Tapos no'ng pangaTiilo, brutal kasi 'tong isa kong pamangkin.

01:51:18 Atty. Bayan Quiñones:

Teka 'yong pangalawa, wala pa ring salita?

01:51:21 Nanay Luzviminda Siapo:

Wala pa ring salita talaga.

01:51:22 Atty. Bayan Quiñones:

So ano ang naiisip mo na may nakita kang umiiyak na walang salita?

01:51:24 Nanay Luzviminda Siapo:

Sabi ko, ano bang nangyayari sa Pilipinas?

01:51:25 Atty. Bayan Quiñones:

So nagtataka ka?

01:51:26 Nanay Luzviminda Siapo:

Nagtataka ako kasi wala rin naman kasi akong alam na may mangyayari. Kasi kausap mo 'yong anak mo. Di ko alam kung iniisip ko ba kasi nanay namatay na parang gano'n kaya umiiyak na ako kasi 'yon ang matandang iniwan ko. Wala akong ibang iniisip kasi wala naman kaming mga kaaway. Wala kaming ginagawang masama. So wala akong alam na kung bakit, anong mayro'n? Tapos itong aking pamangkin na si Angeli, nag-chat na naman siya ng emoji. 'Yong isa kong pamangkin na brutal po mag-chat. Sabi niya sa akin, nag-send siya ng lumuluha. May kasunod na siyang message na, "Auntie, si Tiil patay na." So nagulat po ako eh.

01:52:09 Atty. Bayan Quiñones:

Si Tiil?

01:52:09 Nanay Luzviminda Siapo:

Si Raymart po 'yon. So kasi ang tawag ng mga pinsan niya sa kaniya, Tiil. Kasi 'yong lola nilang pasimuno na magsalita ng Tiil, Bisaya word. It's paa, so kasi clubfooted po siya. Sa ang nanay ko, Tiil, pati mga pinsan niya nakasanayan na 'yon ang tawag sa kaniya.

01:52:32 Atty. Bayan Quiñones:

So ang mensaheng natanggap mo galing doon sa pinsan niya na brutal magsalita ay si Tiil ay?

01:52:40 Nanay Luzviminda Siapo:

Patay na. Diyos ko, para akong sinakluban ng langit na di ko maintindihan kung totoo ba ang mensahe nito, kung ito ba nagbibiro ba sabi kong ganiyan. Pero kalmante pa rin po akong nagtanong. "Hindi nga?" sabi ko. Kung totoo, sabi ko, ayoko kasi ng gano'ng biro po eh kasi nasa ibang bansa ako akala ko binibiro ako e. Kung totoo na patay si Raymart, pwede ba, sabi ko, pwede ba bigyan niyo ako ng ano ng picture na totoong patay si Raymart? Sabi kong gano'n sa kaniya. Tapos, medyo ano pa hindi kaagad-agad sila nag-ano ng picture e. Nag-send siya ng picture, dugo-dugo 'yong anak ko. Talagang sabi ko, totoong patay. Pero hindi ko, hindi ko pa matanggap na patay siya e pero siya 'yong nandoon sa picture na 'yon. Siya 'yong duguan.

01:53:40 Atty. Bayan Quiñones:

Sorry ha, pero sino ulit 'yong kumuha ng litrato at nagpadala sayo? At nasaan siya noon?

01:53:45 Nanay Luzviminda Siapo:

Nandito siya sa Pilipinas. Tapos 'yong pinasend sa akin litrato kasi gusto ko makita na dugo-duguan eh. 'Yong makumbinsi nila ako na patay si Raymart. 'Yong dugong, yang picture na dugong-dugong na 'yan, 'yan 'yong binigay sa akin na picture.

01:54:06 Atty. Bayan Quiñones:

So galing ito sa funeral parlor ba o sa morgue?

01:54:10 Nanay Luzviminda Siapo:

Hindi ko po alam 'yong picture na 'yon kung saan galing. Basta no'ng piniktyuran nilang dugo-dugo 'yong mukha alam ko nasa punenarya na yan eh. Napaka-- no'ng nakita ko 'yong picture niya, wala akong ginawa kundi bumaba doon sa baba. Sabi ko alam nyo, wala na akong mailuha 'no. Pumunta ako doon sa amo ko, sabi ko, "Madam, 'yong anak ko patay na." Pero iyak ako nang iyak, iyak ako nang iyak no'ng sinasabi ko 'yon. Nakatapis lang po ako na tuwalya. Sabi niya, "Hindi ako naniniwalang patay ang anak mo." Sabi niya, "Umakyat ka sa taas. Yalla! Rouhi!" sabi niyang ganiyan. Pinapapanik niya ako doon. Tapos 'yong isa kong kasamahang OFW na si Mary, Pilipina din siya, 'yong kaniyang amo, 'yon ang kumuha sa amin dito sa Pilipinas. Siya 'yong nakapirma sa kontrata. Sabi ko kay Mary, "Mary, si Raymart patay na." Nagulat din siya. Sabi niya, "Bakit? Ano nangyari, 'Te? Sabi ko, "Hindi ko nga alam eh." Sabi ko, ganiyan, patay na 'yong anak ko. Sabi ko, tulungan mo naman ako na pwede ba kausapin natin si Baba Mansour? Sabi niya, "Teka lang, 'Te." Kasi ano eh parang tumityempo din siya kung ano rin 'yong gagawin niyang tulong para sakin. Kasi hindi ano e, nangangapa din naman kami kung anong mangyayari sa amin noon. Baka mamaya ipagkukulong kami sa kwarto di ba. Hindi naman alam ang mga utak ng mga Kuwaiti. So, kahit na 'yong anak kong si Raymart ay patay dito sa Pilipinas dahil ang duty ko sa ibang bansa ay katulong, kahit na nakaburol si Raymart sa Pilipinas, ginagawa ko pa rin ang duty ko na bilang isang katulong. No'ng nalaman ko si Raymart na patay, patuloy ako na humahagulhol doon sa kwarto. Hindi ako kumakain. Hindi ako wala, wala akong gustong gawin kundi umiyak. 'Yon lang talaga gusto kong gawin no'ng mga panahon na 'yon, umiyak, umiyak, umiyak. Ayokong kumain, dasal, kasi ayoko ng, ayoko talagang tigilan 'yong pag-iyak ko kasi hindi ko tanggap na patay na 'yong panganay ko. Hanggang sa pag nagtatrabaho pa ako, kahit na hawak-hawak ko pa 'yong mga pangkaskas, umiiyak po ako sa Panginoon. Sabi ko, "Lord, tulungan niyo naman po ako. Gusto ko makauwi ng Pilipinas. Gusto ko makita 'yong anak ko." At saka po kasi ginagawa ko pa rin 'yon eh. Hindi ako natulog. Nag-mop ako, naglinis ako ng mga CR, ginagawa ko pa rin 'yong pagluluto ko ng almusal sa kanila, almusal no'ng driver namin, almusal no'ng amo ko-- kahit na patay na po 'yong anak ko dito sa Pilipinas. Tapos sabi ng amo ko, alam ko kasi na nagkakape 'yon tuwing umaga talaga, nagkakape 'yong amo kong babae. Sabi niya, "Ta'ali" sabi niyang ganiyan, So ibig sabihin pumarito ka, gawan mo ako ng chai tea. So punta ako doon sa kusina kahit mayro'n akong pinagdadaanan, ginawa ko pa rin 'yon dahil katulong nila ako. So hindi ako nag nagwalang hiya sa kanila, so ginawa ko pa rin 'yon. Pinagtimpla ko pa rin sila, gawa ako ng chai. Hindi ko alam kung masarap po 'yon kasi nasa ano ako, hindi maganda 'yong mood ko eh. Tapos dinala ko po 'yong chai, 'yong amo ko mahilig 'yon na nakataas ang paa doon sa isang sofang mahaba. So doon pa lang po sa kusina, nagdadasal na po ako. Wala po akong tigil na kausapin ang Panginoon o kahit kahit ano po 'yong ginagawa ko lagi po kahit hindi ako nagsasalita, nasa isip ko na kinakausap ko ang Diyos. Pagdating ko po doon sa isang [inaudible 1:58:59], ibig sabihin 'yong parang kwarto 'yon. Dala-dala ko 'yong chai, nilapag ko siya. At umupo ako doon sa tabi ng kaniyang paa pero sa sahig kasi mabababa po 'yong mga ano 'yon eh mga upuan ng mga Kuwaiti. No'ng umupo po ako, hinaplos ko po 'yong paa niya. Hinaplos ko po 'yong paa niya, hinalikan ko po 'yong paa ng amo ko. 'Yun po 'yong una kong halik. Gusto kong maawa siya sa akin e, gusto kong maniwala siya sa akin na napatay 'yong anak ko. Gusto ko 'yong palayain niya ko. Tapos hinalikan ko po 'yong paa niya, ginano'n niya 'yung paa niya e. Sabi niya "rouhi" 'pag sinasabing rouhi ibig sabihin, umalis ka na. Umalis po ako na masama 'yong loob ko kasi wala akong narinig na maganda doon sa boss ko kung makakauwi ba ako sa Pilipinas. Tapos po, tanghalian nang unang araw na namatay si Raymart, gumawa pa rin po ako. Ginagawa ko 'yong tanghalian nila, hanggang sa, gano'n lang po ginagawa ko. Kinabukasan, dumaan po 'yong boss kong lalaki, sabi niya sa akin, tapos na po ako maglinis ng mga kwarto, ng mga CR nila. Ang ginagawa tinatrabaho kong CR nasa tatlong CR. Limang sala, ang lalake, ang lalake po no'ng kwarto tapos mag-isa lang akong katulong. Tapos puro po 'yon carpet. 'Yong sa mga lalaking duaniya, puro po 'yon mga carpet. E 'yong gusto ng amo ko, ayaw no'n ng vacuum gusto niya kinakaskas na isa-isa. Alam niyo po 'yong brush natin dito na panglaba gusto niya 'yong gano'n para talagang malinis. Kumbaga, hirap na hirap talaga ang katulong kapag nasa ibang bansa. Tapos po, 'di dumaan po 'yong amo kong lalaki, sabi niya "Lesh, Linda." Ito palang amo ko nagkukwento na mayroon ng nangyayari sa akin, na 'yong anak ko sa Pilipinas patay na. Sabi ko, "Baba, 'yong anak ko sa Pilipinas patay na." Sabi niya, "Ha? Bakit?" 'Yon nagkaroon ako ng na ilabas si telepono. Para kasi 'yong boss kong lalaki na 'yon nakakaintindi lang talagang ang babae lang 'yong hindi. Talagang ito po 'yong pinakita ko 'yung news no'ng umaga, lumabas siya or sa Unang Hirit kay Arnold Clavio. Sabi niya, "Lesh, Linda, bakit gano'n, bakit pinatay 'yong anak mo?" Sabi ko, hindi ko rin po alam, Baba. Pwede po ba kausapin niyo si, ang tawag namin sa ano e "Mama" kapag matanda. Pwede po bang kausapin niyo si Madam na pauwiin ako sa Pilipinas. Sabi niya, "Yalla, Yalla, sige-sige. Pag-uusapan namin nila Talal saka ni Baba Mansour. O, sige magluto ka muna ng tanghalian." So, nagluto pa rin po ako ng tanghalian. Kahit ang anak ko ay nakaburol na sa Pilipinas, pinagluto ko pa rin sila na ang gusto nila 'yong isda na pinrito. Ginawa ko 'yon tapos dinala ko sa mga kung saan sila kumakain mga lalaki, isang malaking ganiyan kasi salo-salo 'yan sila doon. Pagpasok ko doon nandoon na 'yong dalawa niyang anak. 'Yong isa doon, pulis 'yon e si Baba Mansour, 'yun 'yong employer na kumuha sa akin. 'Yong isa naman si Talal, mabait 'yon e dahil siguro mabait din naman ako sa kanila. Sabi niya, "Linda, Ta'ali." Sabi niya, sige kakausapin namin si Mama. Ngayon, hindi pa namin alam kung papayag si mama na makauwi ng Pilipinas. Kasi pinakita ko talaga 'yong picture sa kanila, tiningnan ni Baba Mansour 'yong pulis. Sabi ko, pulis ang pumatay sa anak ko, dinukot ng 14 masked men, sabi kong gano'n sa kaniya. Sabi no'ng Baba ko, papapayagan nila si Mama na makauwi ako ng Pilipinas. Pero, wala pa pong kasiguraduhan po 'yon na kung papayag si Madam. Ngayon ang nangyari, edi kinabukasan mga a-uno na 'yon-- a-dos na 'yon. A-tres na po ako nakauwi ng Pilipinas eh. Sabi niya, "Ta'ali, Linda," sabing gano'n no'ng isa niyang anak. 'Yong si Talal, sabi niya makakauwi ka na ng Pilipinas. Sabi ko, Lord, salamat. 'Yon kaagad ang sinambit ko. Salamat Lord kasi dininig niyo 'yong prayer ko 'no. Pero tatlong beses ko hinalikan 'yong amo kong babae. Matigas ang puso noon. Napakatigas talaga ng puso niya. Ayaw niyang mag-release na para sabihin na "Sige, Linda. Umuwi ka na ng Pilipinas." May kundisyon. Nandodoon 'yong tinatawag nila si Mama, andoon 'yong kukuha na nga ng tiket. Pero may kondisyon 'yong aking employer na babae. O sige Linda, uwi ka ng Pilipinas pero kung ano 'yong suot mo, 'yon lang 'yong dadalhin mo. Wala kang dadalhin luggage, wala kang dadalhing wala kundi 'yong maliit na bag. Kasi siyempre doon ko ilalagay 'yong passport ko na maliit na kulay itim na bag ang mayro'n lang po ako.

02:04:46 Atty. Bayan Quiñones:

So pinasahod ka ba?

02:04:49 Nanay Luzviminda Siapo:

Hindi po e. Sabi niya sa akin, ano rin e tuso rin kasi 'yong boss ko. "Hindi kita pasasahurin. Pero kasi 'yong two-way 'yong ticket na kukuhanin namin." Ito po 'yong usapan. "Two-way 'yong ticket mo at one week ka lang doon, babalik ka. Pagbalik mo, ibibigay ko sayo sahod mo plus isa pang buwan na sahod mo." Kumbaga may bonus pa na ibibigay basta't bumalik ako sa kanila. At pinangakuan ako na tataas 'yong sahod ko kasi nakita nila ang trabaho ko. Pinapatay ko 'yong trabaho ko dahil lungkot e, lungkot sa ibang bansa. Pinapatay ko 'yong oras ko sa pagtatrabaho, kahit 'yong mga ganiyang tuktok, naglaladder lang po ako at nililinis ko po yan, ini-scrub ko po yan. Para pag-ginanon po yan, hinawakan ng amo ko, walang alikabok. So gano'n ka, dahil naman ay katulong ako inisip ko na talagang gusto ko 'yong walang masasabi 'yong amo ko. So trinato ko nang maayos 'yong trabaho ko. Tinatrato din nila akong maayos. Hindi nila ako ginugutom.

02:05:57 Atty. Bayan Quiñones:

So finally, nabilhan ka ng ticket at nakasakay ka ng eroplano. Ikuwento mo naman sa amin anong nangyari pag-uwi mo? Wala kang pera no'ng panahon na 'yon dahil di ka pinasahod. Paano ka nakauwi?

02:06:09 Nanay Luzviminda Siapo:

Eto nga e ticket 'yon lang 'yong dala ko na back and forth. Tapos mayro'n po akong, 'yong amo ko kasi mahilig manghiram sakin ng pera 'yong amo kong lalake pagka may pinupuntahan, minsan short siya. Nakapagbayad, nakapagbigay pa siya ng 5 KWD, 'yon 'yong nautang niya sa akin. Kaya mayro'n akong 5 KWD doon sa wallet ko. Tapos 'yong 5 KWD na 'yon may kasamang 20 pesos na malungkot, 'yong gusot-gusot po 'yong 20 pesos. 'Yon po ay pera natin dito sa Pilipinas na naka-parang tao doon sa wallet. So magkasama siya doon. Hinatid ako sa airport. Masaya na ako na nagkaroon ako ng ano sa kalooban na makauwi na ako. Sa wakas makikita ko na 'yong anak ko kahit na patay siya, gusto ko siyang masilayan. Pagdating doon sa airport, syempre dahil ikaw ay OFW, anak mo yan at may naiwan kang anak. Ang mga bata, pag sinasabing OFW ang nanay, syempre may pasalubong ka dapat. So 'yong 5 KWD is 700 pesos po 'yon sa Philippine money. At binili ko po 'yon ng halagang 700 na tsokolate para lang mabitbit ko kay Isabela pag- uwi. So 'yon lang po ang alam ko na susunduin ako ng mga media doon sa airport na 'yon, makakauwi at makakauwi ako doon sa sa bahay namin kahit na wala akong pera. Pagdating ko sa airport, so sinundo na ako ng, niyakap ko po 'yong kapatid ko. Sabi niya, "Beh." Sabi niyang ganiyan, "Patay na si Raymart," sabi niya. Sabi ko, oo nga kuya eh. Sabi ko, may marami akong tanong eh. Bakit? Bakit na nagpa-barangay lang ngayon, kinabukasan bakit patay agad di ba? Maraming tanong doon sa isip ko dahil lang sa pagpapa-barangay eh, patay siya kinabukasan. Kung ang inaano ko nga lang 'no, sana kung may kasalanan 'yong anak ko, may due process din kumbaga. Hindi, Wala kaming walang gano'n sa kay Raymart eh, walang due process. Napa-barangay siya ngayon, kinabukasan dinukot siya ng 14 masked men. Pumunta doon sa bahay, 'yon ang kwento po eh no? Nasa ibang bansa ako. Dinukot siya ng mga 14 masked men. Hindi siya natagpuan sa bahay pero umakyat 'yong mga 'yon doon sa bahay. Lima po 'yong umakyat,. Tinutukan 'yong kapatid ko ng baril. Tapos po ay walang nakita, hinalughog 'yong bahay namin. Hinalughog nang hinalughog daw. Wala sabing ganiyan. Pero po 'yong mga 'yong masked men na 'yon, mga sibilyan na mga pulis na 'yon, alas sais pa lang ng 29 ay nandoon na sila, nagmamasid na sila. Sabi sakin po 'yon e.

02:09:03 Atty. Bayan Quiñones:

Wait, ito ay naibalita sa'yo ni Kuya Bong mo?

02:09:05 Nanay Luzviminda Siapo:

Hindi po, ng kapitbahay. Opo, naikwento po niya no'ng nasa Pilipinas na ako. Sabi niya na, 'yong ano 'yong dumukot sa anak mo umaga- - gabi pa lang nandito na, pero naka-sibilyan sila, ang lalaki daw ng mga katawan. Limang pirasong motor, may mga angkas na tigda-dalawa sila. So ang dami di ba? Tapos bumalik yan sila pa rin pero mga naka-bonnet na. Umakyat na nga daw sila doon sa taas. Kaya hindi nakita si Raymart, ang ginawa bumaba. Bumaba 'yong taong 'yon. Eto 'yong, eto po 'yong medyo magulo. Eto po 'yong dinukot na si Raymart kung paano siya pinatay. Kwento po sa akin nila sa ibang bansa ako at sinasabi sa akin na pagbaba ni Raymart, ilang minuto lang umakyat na 'yong mga naka-bonnet na 'yon. At nagulat ang kapatid ko eh kasi wala naman kaming, tawag doon, mga kasalanan. Wala naman kaming ginawang masama 'no sa kapwa namin. Namumuhay lang naman kami ng patas. Bakit may mga gano'ng armado na umakyat doon sa taas? So may mga tanong din 'yong kapatid ko. Tapos ang ginawa ng kapatid ko, si Kuya Bong, tumawag siya doon sa asawa niya. Sabi niya, "Ed! Mayro'n ditong umakyat, mga nakabaril." Sabi niya, "Teka lang, si Raymart." Sabi niyang ganiyan, si Tiil, saan kaya? Gusto niyang hanapin 'no. Eh si Tiil, kakababa lang ng ilang minuto, 'yon pala nagpunta sa kanto. Doon lang din naman sa area na 'yon. Pero kanto kasi 'yong lugar ng bahay namin, kanto doon sa dulo naman nagpunta si Raymart. Doon siya inabot. Alam mo 'yong sinasabi sakin na mga ano na vigilante ang pumatay sa anak ko? Hindi po vigilante kasi sinurvey muna nila 'yong bahay na papasukin nila. Tapos hindi alam no'ng papatay kung sino si Raymart. Kaya no'ng umikot sila sa Maliputo, sa Maliputo doon natagpuan si Raymart. May nagturo pa e. Ang sabi sa akin 'yong Baranggay Patrol na nakabuntot doon sa limang motor 'yon ang nagsabi na, "Ayun si Raymart." 'Yon ang nagturo kay Raymart. Kaya ang ginawa naman no'ng bata, tumakbo siya doon sa bahay no'ng kaibigan niya na malapit lang din doon, umakyat sa taas. Syempre natakot 'yong bata pero sinundan pa rin siya no'ng mga mga naka-bonnet po eh.

02:11:28 Atty. Bayan Quiñones:

Bale, kinupkop siya panandalian no'ng kaibigan niya, ng pamilya ng kaibigan niya?

02:11:32 Nanay Luzviminda Siapo:

Nanay ng kaibigan niya. 'Yon po 'yong nag-send ng emoji, nanay po 'yon no'ng unang-unang nagsend ng emoji. Doon po siya umakyat panandalian. At narinig kasi no'ng bata na, "Pag hindi ka bumaba dyan, pag hindi niyo pabababain yan, madadamay kayo." So parang gano'n ang sinabi no'ng pulis or 'yong mga naka-bonnet na sumunod sa kaniya. Ang ginawa ni Raymart, sabi niya, "Sige po." Sabi niya, "Bababa na po ako." Sabi niyang ganiyan. Pagbaba, pinalo siya ng baril, napakalakas po. So, nilagyan siya ng 'yong naka-jacket daw po ng ganito 'yong kumuha sa kaniya. Tinakluban siya ng jacket nang ganiyan. Isinakay siya doon sa motor. So 'yong mga kabarkada niya nag-panic, tumakbo doon sa bahay namin kasi sa isang eskinita lang 'yon. Nakasalubong naman ni Kuya. Sabi nila, "Kuya Bong, si Tiil isinakay sa motor, dinala kung saan." Sabi ni Kuya Bong, "'Yon na nga bang sinasabi ko eh?" Hinanap, saan dinala? Sa Maliputo. So pinuntahan nila doon sa Maliputo. Nagsurvey si Kuya. Eh hindi niya na makita, pinuntahan ngayon ng kapatid ko si Kuya Junjun.

02:12:48 Atty. Bayan Quiñones:

Sino si Kuya Junjun?

02:12:48 Nanay Luzviminda Siapo:

Si Kuya Junjun, pangalawang panganay, sumunod sa panganay po 'yon. Sabi niya, "June si Tiil kinuha ng mga mga naka- bonnet," sabi niyang ganiyan. Sabi niyang ganiyan, hanapin natin. So ang ginawa ng kapatid ko, si Kuya Junjun, sabi niya, pumunta tayo sa pulis station, sabi niyang ganiyan, para tingnan kung nandodoon or ireport na may nangyaring gano'ng insidente. Akalain niyo po ba na pagdating doon sa pulis station, walang mga pulis, talagang empty, walang pulis sa police station.

02:13:18 Atty. Bayan Quiñones:

Kahit isa po?

02:13:20 Nanay Luzviminda Siapo:

Wala po. Kasi wala silang dinatnang pulis. Ang sabi nga ni Kuya Bong, tinanong mga barangay tanod doon sa labas na nakaupo na sabi, asan ang mga pulis dito? Sabi naman, "Ay wala sila, kakaalis-alis lang." So 'yon 'yong mga oras na mga siguro mga alas onse ganiyan, alas dose.

02:13:41 Atty. Bayan Quiñones:

Ibig mong sabihin, parang magkalapit lang o magkatabi 'yong barangay sa pulis?

02:13:45 Nanay Luzviminda Siapo:

Talagang magka-lapit lang, isang building lang po e may mga ibang pintuan lang. Tapos sabi, "Wala umalis 'yong mga mga kapulisan dyan. Marami sila umalis." Walang tao daw diyan mamaya. Sabi niya kasi may ire- report nga nila na 'yon nga'yong anak ko na namatay-- ay dinukot, irereport nga nila. Sabi naman sa kaniya no'ng barangay tanod, "Ba't hindi kayo pumunta doon sa Caloocan?" Sabi naman ng kapatid ko, "Eh bakit mo naman kami papupuntahin sa Caloocan? Eh dapat 'yong Caloocan police kung mayro'n silang huhulihin dito, dapat makipag-coordinate sila doon sa pulis ng Navotas. Bakit mo kami papupuntahin ng Caloocan?" Pero ginawa din nila, pumunta pa rin talaga sila ng Caloocan, tapos wala rin doon. So napagod 'yong kapatid kong si Kuya Bong. Nagdesisyon siya na umuwi na lang kasi hindi nila makita, pero hinahanap pa ng mga kabarkada si Raymart. Pag-uwi ng kapatid ko, siguro 'di siya raw makatulog eh. Sabi ng kapatid ko, di ako makatulog, Beh, sabi niyang ganiyan. Iniisip niya 'yong nangyari doon kay Raymart. Maya-maya, mga alas alas tres 'ata 'yon o alas kwatro. Kumakatok na si Angel, 'yon po 'yong Angel, 'yon 'yong pangalawang nag-send ng emoji. Naririnig daw niya humahagulhol kasi di siya makatulog. May humahagulhol daw sa labas. Tapos pagkatok, sabi no'ng pamangkin ko, "Uncle, nakita na si Tiil." "O, saan na?" Sabi niya, "Patay na. Nasa Eusebio na." So gano'n ang pagkasabi. Ang bilis, ang bilis ng oras ng pagpatay nila. Gano'n sila kabilis pumatay ng tao. 'Yong-- wala silang awa e 'no. 'Yong hindi ko pa alam na may kota, may pera. Sana pinatubos na lang nila 'yong sabi nila sampung libo daw isang ulo. Naisip ko na sana pinatubos niyo na lang 'yong anak ko, 'di ba po. Kasi mayayakap ko pa, 'yong ikinulong man lang para at least padadalhan mo ng-- 'yon ang wala due process talaga. So ngayon, nagpunta 'yong kapatid ko doon sa punenarya. Niyakap 'yong pamangkin niya. Nagulat 'yong kapatid ko kasi may butas 'yong dito sa ulo. May butas po 'yong ulo eh. Tumagas 'yong dugo pag-alsa niya ng ganiyang tumagas, puro purong dugo siya, purong maraming dugo daw sa kaniya. Malungkot siya kasi doon sa nangyari doon sa pamangkin niya. Tapos pumunta siya doon sa 'yong pinaka-foreman niya na "hindi ako makakapasok kasi namatay 'yong pamangkin ko." Maya-maya pagbukas daw no'ng foreman sa TV, 'yon na nakita na. 'Yon po ang pamangkin ko na pinatay. Tapos ngayon po nangyari, no'ng nakarating po ako ng ibang bansa. Hindi, alam nyo po sa totoo lang, hindi ako pumunta kaagad sa burol ng anak ko. Iniisip ko kasi marami akong tanong. Bakit? Bakit siya pinatay? Napabarangay lang ng 29-- 30 patay agad. Bakit? So ang ginawa ko po, from airport, nag-decide ako doon. Sinabi ko doon sa mga sumundo sa media, "Pwede po ba dalhin ninyo ako sa barangay kung saan napablotter si Raymart?"

02:17:32 Atty. Bayan Quiñones:

So diretso ito galing airport, hindi ka muna dumiretso sa lamay?

02:17:35 Nanay Luzviminda Siapo:

Ay hindi, hindi po. Ang ginawa ko po, kasi sinundo lang po ako. Wala naman po akong pera. So nagpa-drive ako, sabi ko, "Pwede niyo po ba dalhin ako sa Barangay MBBS At marami akong tanong. Pagdating doon, may naabutan naman po ako eh. Kaya lang nagalit sakin 'yong nandoon sa barangay, "o Ma'am, ano ba yan? Bakit ba hindi man lang kayo nagsabi?" Kasi may mga media 'no. Sabi ko, ang tanong ko kaagad, saan makakarating itong si CCTV niyo? From dito sa barangay ba at saka doon sa may Maliputo, covered ba siya? Ang sabi, "Oo." Gumagana ba? "Opo Ma'am, gumagana." Wala akong sinabi na dinukot, 'yong namatay, kasi gusto ko makahuli po eh. Kumbaga, nag-iimbestiga din po ako eh. Ah gano'n ba? Sabi ko, "Kasi no'ng March 29 nawawala 'yong anak ko. Gusto ko sanang makita kung ano." Sabi ko, pwede ko po ba makita 'yong blotter? Siguro na-alarma 'yong barangay, 'yong naka-duty doon sa barangay. Ang nakita ko po kasi ang nirereklamo nila kaya nalagay sa drug watchlist si Raymart, sinamahan nila na nagtitinda ng marijuana si Raymart. So ang reklamo that time is mga nawawala-- pero ba't sinamahan ng nagtitinda siya ng marijuana?

02:19:06 Atty. Bayan Quiñones:

Okay. So, linawin lang natin ito, kasi ang salaysay mo so far is that ang nireklamo lang sa kaniya ay 'yong sinasabing pagnanakaw ng manok at pag may nawawala, siya 'yong tinuturo. Pero lahat ng mga nakaraang akusasyon, walang kinalaman sa droga?

02:19:22 Nanay Luzviminda Siapo:

Wala po eh.

02:19:22 Atty. Bayan Quiñones:

So dito lang sa unang-unang pagkakataon, nakauwi ka na. Pagdating mo sa airport, dumiretso ka sa barangay. doon sa barangay mo lang natunton sa blotter na kasama siya sa drug watchlist, gano'n ba?

02:19:35 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo, kasi that time kasi kasagsagan ng mga droga 'yon na pumasok ko eh 'yong patayan ng mga droga, 'yong pumasok ko po na dahil siguro doon sa ano, 'yon ang kinamatay niya.

02:19:46 Atty. Bayan Quiñones:

Mabalik lang ako sandali kasi nabanggit mo rin kanina na doon palang no'ng hindi ka pa nakakaalis sa amo mo na pinakita mo sa kanila 'yong news report. Opo, Unang Hirit ba? Oo napanood mo.

02:20:00 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo, kay ano po, Arnold Clavio po. Opo.

02:20:03 Atty. Bayan Quiñones:

Naalala mo pa ba kung ano 'yong pagkaka-report nila doon? Ni-report ba nila 'yon bilang isang may kinalaman sa droga?

02:20:11 Nanay Luzviminda Siapo:

Wala e. Ano lang ang nakalagay duon na pinagbabaril. Although nakatambay lang, pinagbabaril ng mga naka-bonnet na mga naka-- 'yon lang ang sinabi e.

02:20:22 Atty. Bayan Quiñones:

So, unang-una talagang pagkakataon na biglang naitali ito sa sinasabing war on drugs ay 'yong nakita mo na sa blotter, gano'n ba?

02:20:32 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo kasi ano e may nakalagay na nagtitinda ng marijuana po eh. So naisip ko na baka 'yon nga 'yong ikinamatay niya. Kasi no'ng kahit nasa ibang bansa ako, basta't sinabi nga daw na 'yong kapitbahay mo, kahit ako sabihin sakin, hindi ako gumagamit. Galit 'yong kapitbahay sakin. Nagtitinda ng marijuana po yan eh or nagtitinda ng shabu yan. Kinabukasan po pupuntahan ka na ng pulis kahit hindi po totoo. Galit lang po 'yong kapitbahay mo kaya sinabi niya 'yon.

02:21:03 Atty. Bayan Quiñones:

So ganito, nakasulat mismo, tama bang intindi ko na marijuana 'yong sinasabing tinitinda?

02:21:06 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo na nagtitinda daw po ng marijuana si Raymart.

02:21:09 Atty. Bayan Quiñones:

Pero sa pagkakaalala mo doon sa naisalaysay sayo pag-uwi mo noon sa kay Raymart, mayro'n bang natagpuan sa kaniyang mga marijuana?

02:21:18 Nanay Luzviminda Siapo:

Wala pong marijuana e. Alam niyo doon sa Police Report ang nakalagay sachet ng shabu at saka mayro'ng baril.

02:21:24 Atty. Bayan Quiñones:

'Yon daw? So ibig sabihin, inakusahan sa blotter, marijuana. Tapos ang natagpuan shabu saka baril?

02:21:31 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo. 'Yon ang blotter nila, na nagtitinda ng marijuana tapos ang nakita na doon shabu na, shabu at saka 'yong baril na, di ba? Paano magkakaroon ng baril 'yong bata eh kung doon pa lang sa pag-abduct sa kaniya, may makikita niya na dapat na may baril 'yon eh, o no'ng hinabol nila eh bumaba pa 'yong bata. Tapos no'ng namatay na, may baril na 'yong bata, papaano ipapaliwanag 'yong gano'n sitwasyon ngayon?

02:21:54 Atty. Bayan Quiñones:

So ngayon, pagtapos nitong imbestigasyon mo sa barangay at nakita mo na maraming hindi nagme-make sense 'no, parang kung ano- ano 'yong nakasulat? Ano naman ang ginawa mo pagkatapos, saan ka nagpunta?

02:22:04 Nanay Luzviminda Siapo:

Pagkatapos po ng doon sa barangay kasi ako nanay mapag-imbestiga 'no. Nakita ko na 'yong sa barangay, tapos pumunta ako doon sa pulis kasi lumabas po 'yong ano eh pagpunta ko doon sa barangay. Nakakapagtaka 'no? Bakit lumabas 'yong tao doon sa barangay para pumunta doon sa police station. Lumabas siyang ganiyan, pumunta sa doon police station. Ang ginawa ko po kasi sumunod din ako. Kasi ano bang pag-uusapan ninyo e kami ang mayro'ng ano, bakit ka pupunta doon sa pulis? Pagpasok ko po doon sa pulis, alam nyo po ba 'yong halimbawa tayo nag-uusap tapos ako ang pinag-usapan o mayro'ng ano no'ng biglang mabulaga ka? 'Yong biglang nagulantang silang lahat na 'yong may, siguro hindi natin alam pinag-uusapan nila, pero 'yong mayro'n kang ginawang kasalanan, nagulat sila. 'Yong isang pulis nga pumiglas pang gumagano'n pa nga doon sa loob eh, natakot siya parang gano'n. Tapos lumabas uli, "Ma'am, ba't pa kayo sumunod? Doon kayo gano'n- gano'n," ang sabi. So ang nangyari po, pagkatapos doon sa barangay, pumunta na po ako doon sa burol ng anak ko. So pagdating doon sa burol ng anak ko, pagkababa na pagkababa ko dahil one year and two months ko po siyang hindi nakita noon-- niyakap ko po 'yong kaniyang kabaong. So, malungkot man 'no napakalungkot kasi uuwi ang isang OFW na lumalaban ng parehas sa buhay para mabuhay 'yong mga anak mo. Tapos uuwi ka na bangkay na 'yong anak mo 'di ba? Parang-- hindi parang-- napakasakit po 'yon eh. Ang ginawa ko, 'yong kabaong ng anak ko, niyakap ko siya, gusto ko kasi pabuksan po 'yon eh 'yong kabaong. Gusto ko maramdaman ko 'yong katawan ng anak ko kahit ayaw pabuksan kasi daw 'yong formalin baka mamaya hindi daw maganda daw po 'yon ganiyan so hindi pinabuksan. So niyakap ko po 'yong kaniyang kabaong at ang sabi ko lang sa kaniya na mahal na mahal ko siya no'ng mga panahon na 'yon. Naaawa po ako doon sa anak ko po eh. Tapos po no'ng mga nagbuburol na si Raymart, hindi siya tinatantanan. Sabi ng kapatid ko, "Alam mo Beh 'yong limang motor na may angkas ang bawat limang 'yon, pagburol ni Raymart andodoon pa din. Nagpupunta pa rin." Sabi ko, "Kuya, 'yon ba rin ba 'yong umakyat doon sa taas?" "Beh, 'yon din 'yong mga motor na pumunta sa taas, sila rin 'yong mga motor na paronda-ronda doon." Kaya wala pong ano e, walang naglalamay. Takot, takot ang mga naglalamay. Kawawa e, maaawa ka talaga, walang mga naglalamay na mga barkada. Kami-kami lang po 'yon.

02:25:14 Atty. Bayan Quiñones:

Para lang malinaw, sa tingin mo bakit sila natatakot pumunta doon?

02:25:18 Nanay Luzviminda Siapo:

Kasi po eh baka mangyari din sa kanila 'yong nangyari kay Raymart e.

02:25:24 Atty. Bayan Quiñones:

Okay, so 'yong mga kaibigan niya, hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon na makapagpaalam sa kaniya?

02:25:28 Nanay Luzviminda Siapo:

Hindi po e, kahit no'ng sa paglibing. Alam niyo po ganito po 'yon eh 'di ba po nag-decide na ako na ililibing na si Raymart, kasi 'yong ayaw ko nga po sana eh kasi alam ko na pag 'yong anak ko nilibing, hindi ko na siya makikita. Kumbaga, andoon na siya sa sa sementeryo, pero kailangan siyang ilibing eh. Ang ginawa, sabi ko sa kapatid ko, "Kuya, doon natin to pagmimisahan sa may Kapitbahayan po." 'Yong sa may Kandila, ang tawag po ba-- doon ko pamimisahan sa San Lorenzo Ruiz. Alam niyo po kung bakit gusto ko sa San Lorenzo Ruiz? Kasi po bago pumunta doon sa San Lorenzo Ruiz, andoon po 'yong police station. Gusto ko maramdaman nila 'yong konsensiya na pinatay nila 'yong anak ko. Gusto ko doon dumaan talaga, matapang po ako e na nanay. Kaya sabi ko, sabi ng kapatid ko, "Beh delikado ang gagawin mo eh." Sabi niya, "Alam mo naman 'yong mga pulis eh, walang ano, walang puso. Huwag na, huwag na. Doon na lang tayo sa ano Santa Clara." So sabi niya 'yong may malapit doon sa lugar namin na simbahan, 'yon po 'yong kinwento kanina ni Cardinal no. Sabi niya, "Hindi, doon na lang." So doon po kami nagpa-misa bago siya ilibing. Alam nyo po si Cardinal, that time dahil wala po ako talagang pinagkakatiwalaang mga tao no, lahat parang kakampi ng government. Ang tingin ko po kay Cardinal no'ng panahon na 'yon, lulutang-lang po ako, marami akong mga iniisip. Sabi niya sa akin, "Ako po si Bishop, tawagin mo akong Ambo." Tapos siya nagkwento siya, sabi niya narinig ko 'yong kwento ng nangyari sa anak mo. Ganiyan na nagkakape ako. Mag-aalmusal, hindi siya magawang makapag-almusal. Alam niyo, hindi ako naniniwala sa sinasabi niya po eh. Tingin ko sa kaniya kasabwat 'to ng gobyerno. Opo, ayoko po siyang 'yong mayro'n siyang kaunting abuloy. Sabi ko, bayad to eh. Parang 'yon ang iniisip ko kasi wala talaga po akong tiwala. Kahit po 'yong doon sa sa kay Brother, doon sa Baclaran Church. Kasi sila po 'yong nagbibigay ng mga sa punenarya. Opo, sila po 'yong sumasagot na, kasi wala 'yong iba talagang mga pinapatay wala silang pantubos eh. So 'yong Baclaran Church, nagbigay sila ng cheke. Sabi ko sa kapatid ko, "Isoli mo yang cheke. Bayad yan sa buhay ng anak ko. Isoli mo yan." Sabi kong ganiyan, "Mga kakampi ni Duterte 'yan!" 'Yon po 'yong nasa puso't isip ko kaya po humingi ng tawad. Ang sama po talaga ng iniisip ko sa inyo that time. Tapos ano sabi ko parang nakikipag-plastikan lang to sa akin mga 'to e. So, inabot niya 'yong sobre. Tapos 'yon, nag-misa na nga po siya. So no'ng mga natau-tauhan na ako. Sabi ko, "Lord, salamat kasi si Raymart pala ang nagmisa sa kaniya isang bishop ng Caloocan, hindi basta-basta." Tapos 'yong isip ko sa kaniya masama. So no'ng natau-tauhan na ko, nagpasalamat na ako sa Diyos at humingi rin ako ng tawad syempre dahil masama 'yong nasa isip at sa puso ko. Tapos po no'ng nailibing na si Raymart, may mga na bumubuntot pa rin po na mga pulis. Kung saan? Sabi ng mga kapatid ko, "Beh may mga ano, may mga pulis." Naku, takot at trauma, trauma ang inabot ng mga kapatid ko hanggang sa nailibing si Raymart. Pero no'ng nailibing si Raymart, hindi na po ako umuwi doon sa bahay na tinitirhan namin. Bakit po? Pwede po nila akong patayin e. Kasi no'ng oras na nakaburol si Raymart, kunwari nag-iimbestiga sila e doon sa pagkamatay ni Raymart. Pupunta 'yong mga pulis doon sa bahay namin 'yon pala nagseserve lang sila kung saan ang mayro'ng mga CCTV na baka mamaya nakuhanan sila or makuha ko. Pero no'ng mga panahon na 'yon, wala pong nagbibigay ng CCTV eh. Takot din sila. Takot silang mapatay or madamay 'no. Takot sila kaya wala ako nakuhang CCTV. Kaya ang ginawa, pagkalibing na pagkalibing ni Raymart. Sabi ko doon sa kapatid kong driver ng Divisoria-Boulevard, Kuya Rey, dahil konti lang naman talaga 'yong gamit ng mga anak ko doon kasi nasa lugar ng daddy nila 'yong mga gamit namin. Pwede ba isakay mo na muna 'yong mga gamit? Lahat ng gamit ni Raymart namin, nila Isabela, isakay nyo na sa jeep. Isabay na natin sa pagpalibing at dalhin niyo na kami doon sa kung saan kami po ngayon nakatira. Hindi ko na po binalikan 'yon kasi po alam nyo masiyado kong advance mag-isip. Baka mamaya pag ako po natulog ng isang gabi doon inakyat ako ng mga pulis, hinagisan ako ng droga. Sino pa po bang, makakarating pa po ba ako sa ganitong panahon pa po?

02:31:16 Atty. Bayan Quiñones:

Sabi mo na parang nag-imbestiga sila no'ng mga panahon na 'yon no'ng mga pagkatapos. Nabalitaan mo ba kung mayro'n pang resulta tong imbestigasyon na 'to?

02:31:23 Nanay Luzviminda Siapo:

Alam niyo po 'yong mga pulis walang hiya. Bakit po ba nagpunta kami ng kapatid ko doon sa station ng Navotas, doon sa imbestigador kung sino 'yong nag imbestiga doon kay Raymart. Pinakita samin 'yong wallet ni Raymart, may tangkay ng-- tangkay po ha ng marijuana. Sabi ng kapatid ko. "Alam mo Beh, no'ng tinignan namin 'yong wallet ni Raymart, wala namang ganiyan eh. Walang tangkay ng marijuana. Pero ba't ngayon mayroon na?" Sabi niya ganiyan din. Nininerbyos na naman 'yong kapatid ko, "Hindi. Relax ka lang kuya." At eto pa po 'yong ginawa sa amin ng pulis, napakawalanghiya 'no? Alam niyo po ba, sabi sakin, "Gusto mo ba magkaroon ng hustisiya 'yong anak mo makakuha ng justice?" Sabi ko, "Opo." Sabi kong ganiyan. "Kaya mo bang magsinungaling?" 'yon pa ang sabi sakin ng pulis. "Kaya niyo bang magsinungaling?" Sabi ko, "Para saan po?" "Papalabasin natin na si PJ Fortaleza 'yong nagpa-report sa kaniya sa barangay. Siya ang nagpapatay at papalabasin natin na nandodoon siya no'ng time na namatay si Raymart." Sabi ko, ayaw ko naman po ng gano'n kasi ang gusto kong justice, 'yong totoong hustisiya 'di ba po? Para po magsisinungaling bakit? Sayang lang po kasi 'yong voice record, nag-voice record po kasi ako that time, nabanggit ko pa rin 'yan doon sa isang media na nakapag- voice message ako. Pero sinabi lang na nasira po 'yong phone ko na 'yon eh. Nagsabi 'yong pulis na "Hindi para magkaroon na ng hustisiya 'yong anak mo." Gano'n ba kadaling kumuha ng hustisiya 'yong magbintang ka ng hindi naman 'yon ang pumatay? So 'di ba ang gusto ko pong mangyari kung sino po 'yong may gawa, 'yon po 'yong managot kasi ginawa niya po 'yon eh.

02:33:11 Atty. Bayan Quiñones:

Nagkaroon po ba kayo ng pagkakataon na magsampa ng kung anumang demanda o dumulog sa anumang ahensiya ng gobyerno?

02:33:16 Nanay Luzviminda Siapo:

Alam niyo po, Atty. Bayan, hindi ko po nagawa 'yan. Bakit po? Kung mayro'n lang isang testigo, maaring magkaso ako eh, mag-file. Kaso po 'yong mga testigo ayaw po e. Takot silang humarap kahit na nakikita nila dahil ayaw nila ng damay, ayaw din po siguro nila ng gulo.

02:33:43 Atty. Bayan Quiñones:

So hindi naman sa ayaw kanilang tulungan, kaya lang natatakot din sila para sa sarili nila?

02:33:49 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo. Alam niyo, walang tumutulong sa amin ng mga panahon na 'yon, simbahan lang. 'Yong government, no'ng nagkaroon na ako, no'ng nailibing na si Raymart, walang ibang tumutulong sa mga pamilya ng mga namatayan, simbahan lang po talaga. Lahat ang tingin nila, tingin ng mga tao samin parang hayop. Mga adik kaming lahat. Masama, masama 'yong tingin ng mga tao ng mga kapwa kong Pilipino sakin. Sa akin din nararanasan ko 'yon na mukhang adik kasi 'yong sa picture ko, ang payat-payat ko talaga mukha talaga po talaga akong adik that time kasi parang-- hindi parang, stress ka talaga. Hindi ka naman nakakakain. Hindi ka nakakapagtulog so sobrang payat ko. Kaya napagbintangan din po akong adik. Kasi 'yong "Nanay, adik. Kaya namatay 'yong anak," parang ganiyan po. Masakit po 'yon.

02:34:52 Atty. Bayan Quiñones:

Matapos po ng lahat na ito, wala po tayong madulugan. So ano pong ginawa natin? Papano po natin sinubukang mag-umpisang muli. Ano-ano pong pinagkaabalahan natin no'ng mga nakaraan?

02:35:03 Nanay Luzviminda Siapo:

Alam niyo po sa amin, may mga tumutulong katulad ng sa Diocese ng Caloocan, sila Cardinal. 'Yong Caritas, isa po 'yan sa mga nakakatulong samin para maghilom 'yong mga, mapasaya man lang kami kahit papano po ano lalo na pagdating ng kapaskuhan 'yong kahit na may iyakan. Tapos 'yong mga anak namin nakakatanggap po yan ng iskolar. Ayun po ay hindi galing sa government 'no. Nakakatuwa kasi may mga taong gano'n. At ngayon po no'ng nailibing na si Raymart, hindi pa po 'yon eh, nagkaroon pa po ako ng galit eh 'no. Alam niyo po ba 'yong galit na galit ka na? Gusto kong maglagay ng bomba sa katawan ko. Tinawag ko po 'yan ni kay Cardinal e, sabi ko sa kaniya, "Bishop Ambo, alam niyo po gusto ko mag- suicide bomb." Gusto ko po, iyon 'yong mga one week na nakalibing na si Raymart, gusto kong maglagay ng mga bomba sa katawan ko. Gusto ko pumasok doon sa police station para sabay-sabay na kaming mamatay at sasabog. Hindi ko naiisip na mayro'n pa akong anak na isa si Isabela 'no. Tapos sinasabi sa akin na huwag kong gawin 'yon. Ipinagdasal po niya ako kasi iba po 'yong mga nasa ano ko gusto kong kumuha ng mamamatay tao, magbayad na lang ako kung magkano ba sampung libo patayin 'yong may maghagis ng granada doon sa loob ng ano. Masiyadong exaggerated po 'yong mga nasa isip ko that time na parang gusto ko ng pumatay. Salamat sa Lord, hindi nangyari po.

02:36:55 Atty. Bayan Quiñones:

Mabuti naman po at hindi nangyari tong mga to. So ngayon, so unti-unti siguro dahil ang naging inspirasyon mo ay buhayin ang iyong anak, ang mga anak ngayon na siyang nag-aaral pa so kaya nagpursigi ka maabot ka dito. So ngayon, matapos ang walo, siyam na taon, nandito na naman ang Truth Commision na lumapit sa iyo, tama?

02:37:17 Nanay Luzviminda Siapo:

Ano po?

02:37:17 Atty. Bayan Quiñones:

Ang Truth Commission, si Cardinal ay lumapit sa iyo para tanungin kung handa ka ba o gusto mo bang humarap dito? Anong naging reaksiyon mo na biglang nabuhay ulit itong kwento na to?

02:37:30 Nanay Luzviminda Siapo:

Eh 'yon na nga po, 'yong para kung para lang sa katotohanan willing po ako magsalita kasi totoo po 'yong nangyari sa buhay ko. Hindi po ako nag-imbento ng kwento. Hindi po ako nagsinungaling. So dahil sa sinabi sa akin na pwede ka bang magsalita sa Truth Commission? Why not? Kung mayro'n bang mabubuksang-isip, mayro'n bang mabubuksang puso sa aking pagsasalita? Bakit hindi? Bakit hindi ako magsalita? So pumayag po ako, pumayag po ako magsalita.

02:38:06 Atty. Bayan Quiñones:

So ngayon, bago ko ibigay ang--

02:38:08 Nanay Luzviminda Siapo:

Mayro'n pa rin po pala 'no 'yong si Father Flavie 'no, Father. Isa rin po yan sa mga nakakatulong doon sa mga katulad naming mga naging survivor kung tatawagin. Dati kasi, ang tawag talaga namin sa sarili namin ay biktima. Sabi ni Cardinal, hindi kayo biktima, noong nagmisa. Kayo ay mga survivors. So ngayon survivor 'no. Isa rin po siya sa mga nakakatulong sa katulad naming mga pamilya. Katunayan nga si Isabela no'ng na-diagnos si Isabela na mayro'ng sakit sa puso. Si Father po 'yong nagpatingin at balak nga na ipa-opera kasi nag jump 'yong isang isang Isabela, isang tawag dito, ugat doon sa puso kaya nagpa-palpitate siya. So isa rin po siya sa mga nakatulong sa amin po si Father Flavie.

02:39:04 Atty. Bayan Quiñones:

Maalala ko lang, nagkaroon ng pagkakataon na maaring tingnan ulit 'yong labi ni Raymart at inilapit sa iyo ito. At ano naman ang naging reaksiyon mo noon no'ng tinanong ka kung okay lang ba pagkatapos ng siyam na taon?

02:39:18 Nanay Luzviminda Siapo:

Ako po kasi wala talaga akong autopsy. Noong gusto kong makita ang mga autopsy dahil ako nga ay nag-iimbestiga, nasunog. 'Yong sa may, sa Caloocan, nasunog. 'Yong kukuha na kami ng reports, nasunog siya, biglang nasunog 'yong ano, wala kaming makuha 'di ba po. Bakit parang sinadyang sunugin para wala kaming makuhang report na autopsy? Kaya no'ng sinasabi sa akin na i-autopsy si Raymart ni Dr. Fortun? Pumayag po ako kasi may gusto po akong malaman po eh. Kasi 'yong ipinahukay ko si Raymart nagulat na may tanong eh bakit basag ang, bakit 'yong bungo niya hiniwa? Kasi kung hindi nila ginalaw, buo 'yon. So bakit may cut? 'Yong parang nilagari 'yong bungo? Marami akong tanong kaya dahil wala nga, pumayag po ako na i-examine niya po 'yong buto ni Raymart po.

02:40:20 Atty. Bayan Quiñones:

So bago ko ibigay ang mikropono sa ibang mga miyembro ng Truth Commission, mayro'n ka pa bang gustong idagdag or mayro'n kang gustong?

02:40:27 Nanay Luzviminda Siapo:

Alam mo, mayro'n akong message sa sa pinuno ng war on drugs. Ito po ay mensahe ko kay Roa Duterte, kay Rodrigo Duterte. Gusto ko marinig mo ang-- ito po talaga ginawa ko to pag may naiisip ako, isinusulat ko po siya. So pag may biglang pumasok sa isip ko, isinusulat ko po siya. So bakit ang unang nakalagay dito, bakit? Bakit sa mga panahon ng war on drugs wala man lang tumutulong samin? Takot? Takot silang kausapin kami dahil maaari din silang mapagbintangan na protektor ng mga adik o kaya tingin sa kanila ay mga adik din. Tapos po, okay lang po ba Cardinal, nahihiya po ako? Sa mga taong tutulong tulad kong ina, humihingi ng hustisiya, wala akong makukuha ng hustisiya dahil alam kong nakaupo pa ang taong utak ng madugong war on drugs. Si Rodrigo Roa Duterte ang sinasabi kong utak sa madugong patayan. Siya ang taong unang presidente ng anak kong si Raymart. Isa siya sa mga hinahangaan ng anak ko at makatao at makamahirap. Pero siya din pala 'yong magiging dahilan ng kaniyang pagkamatay. Dahil sa war on drugs niya, damay ang anak kong si Raymart Siapo wala pong due process, patay agad! Pinatay mo! Pinatay mo ang mga pangarap ng aking anak. Tiwala kong pag ikaw ang naging presidente, baka gumanda ang takbo ng bansang Pilipinas. Naniniwala akong kaya mong sugpuin ang droga, pero mali pala ang lahat. Naloko mo ako at ang aking anak. Sa matamis mong magsalita, isa ka palang kaibigan ng mga druglord at protektor ng mga ito. Pamilya mo, ang mga anak mo, dawit sa malaking transaksiyon ng droga pero pinapatay ng mga kapulisan, ni General Bato, puro mga batang di kayang lumaban. Mga batang may mga pangarap sa buhay. Mga tatay, nanay na may mga kailangang pang buhayin. Mga batang kailanman di na makikita ang kanilang mga magulang. Nakakalungkot po. Nakita ko kung gaano ka kawalang-hiyang presidente. Isa kang salot sa bansang Pilipinas. Kung anuman ang nangyari sa iyo ngayon dahil yan ay bunga ng tinanim mo sa mga panahong ikaw pa ang naging presidente sa bansang Pilipinas. Sayang ang buhay ay isa lang. Lahat ng milyon at kapangyarihan ay iiwan mo ito pag ikaw ay mamatay, ang lahat ay walang halaga po. 'Yon lang po, salamat po.

02:44:27 Atty. Bayan Quiñones:

So sa ngayon, bago natin bigyan ng pagkakataon na magkomento at magtanong ang ating mga miyembro ng komisyon, unahin po nating bigyan ng pagkakataon si Dr. Raquel Fortun para sa kaniyang mga obserbasyon at sa kaniyang mga natanto sa kaniyang pag-iimbestiga sa kaniyang forensic examination. Dr. Fortun?

02:45:00 Comm. Raquel Fortun:

Magandang umaga po. Salamat, Mrs. Siapo. Pakita ko lang 'yong may kaunting slides tayo, pakita ko lang 'yong results, preliminary findings. Let me just say that before this hearing, I really made it a point kausapin ko muna si Ma'am Luz, pinakita ko sa kaniya 'yong ipapakita ko para alam niya. And, klinaro ko muna sa kaniya, okay lang ba sa iyo na ipakita ko ito? And let me advise also the people here, medyo sensitive po 'yong mga pictures. But you know this is science, ito 'yong katotohanan, 'yon 'yong punto natin ngayon. So makakakita ka iyon ng mga labi. But these are just bones. Nandoon kasi 'yong mga sugat, sugat. And sa end ko, mayro'n akong dalawang pictures na ipapakita na gleaner kanina or pixelized because this is reality and I will want to also explain to you anong ibig sabihin nitong mga to. Okay, anyway, so ang nangyari kay Raymart no'ng siya ay namatay apparently, siya ay inilibing sa Our Lady of Lourdes Eternal Park, Malabon. And he stayed there for five years. Kaya lang ayun na naman nag-expire 'yong list sa pagkakalibing niya sa pinaglibingan niya. And siya ay, sa istorya na nababasa ko, apparently, somebody wrote about this. Medyo nagpanic si Ma'am at syempre namroblema, anong gagawin. And, nandoon siya sa sementeryo na ang nag-exhume ay mga sepulturero, you know the cemetery workers. And binigyan siya ng assurance na huwag kayong mag-alala, kukunin naming lahat pati damit nilagay daw sa black bags. Naiuwi niya. Somehow, at some point, nailibing niya ulit. Hindi na-cremate pero buto-buto na lang. And 'yong buto- buto ay inilagay sa what we call an ossuary, 'yong ipapasok mo 'yong mga buto-buto doon, hindi cremated, hindi siya abo. At nailipat siya sa ossuary sa La Loma, ngayon sa Caloocan. And sa pagkakaintindi ko, that was 2022. At ngayon itong 2026, salamat kay Cardinal Ambo, ang bilis niyang na-convince si Ma'am Luz na ipakita 'yong mga buto- buto or 'yong labi. Noon ko pa iniisip yan eh 'yong kaso niya kasi well-publicized din to. Sabi ko, totoo ba yang mayro'n siyang club feet, na-document ba yan kasi disability yan and so on, kung papano siya napatay 'yon?

02:48:20 Comm. Raquel Fortun:

And so, this was like 2023, there's Father Flavie, next.

02:48:29 Comm. Raquel Fortun:

Natanggap namin 'yong kaniyang remains in a box like this, properly-labeled. Sa akin kasi documented yan eh, paano mo natanggap, identified etc. Next.

02:48:47 Comm. Raquel Fortun:

Nilagyan namin ng sarili naming label sa morgue. So he's case number 52 for this year. Next.

02:48:56 Comm. Raquel Fortun:

Sinilip ko muna anong nasa loob, maayos, nasa plastic bag. Next.

02:49:03 Comm. Raquel Fortun:

Ang una ko pong ginagawa ay ipa-xray. And nakikita niyo doon sa kaliwa ito, naka-dalawang shots lang sila kasi maliit lang naman eh. At makikita mo kalat-kalat na 'yong kalansay, 'yong mga buto-buto. This is what we call disarticulated. Ganiyan ang itsura niya doon sa kanan no'ng binuksan na 'yong plastic bag. I do this routinely through the help of the Department of Radiology of PGH. Sa morgue na namin 'yan ginagawa, dati dinadala sa ospital. At salamat sa PGH, libre niya ngayon. Kasi kailangan kailangan to, why? Kasi gusto kong malaman, mayro'n bang bala, that's primarily the thing. At saka anong kondisyon no'ng mga remains sa loob? May bala ba? Next.

02:49:58 Comm. Raquel Fortun:

Walang discrete but there's something here. This is the skull, okay? Sa itsura pa lang niya, mukhang nahiwa nga, tama. Ba't this is autopsy, na previously autopsied na siya. Now, mayro'ng mga maliliit na puti-puti dito na suggestive of metal fragments and therefore could be bullet fragments. Pero 'yong mga maliliit na ganiyan, hindi mo na yan makukuha. That's also the value of having an x-ray, kahit papaano may nakikita tayo. Okay. Next please.

02:50:42 Comm. Raquel Fortun:

So mukhang may tama siya sa ulo. So paglabas noon sa bag, ilalagay namin sa tray na ganiyan. Kung minsan kinakailangan linisin pa eh, so may mortician na gagawa. But in this case, mukhang tama 'yong sinabi na hinugasan, ini-scrape, nilinis 'yong buto. Now that's an advantage kasi hindi na namin kailangan linisin. However, kasi ang gumawa eh hindi naman talaga sa scientifically- minded, ang daming nawala and so on. Okay. Titingnan mo lang 'yong tray sa kaliwa. Next.

02:51:23 Comm. Raquel Fortun:

Okay. Eto 'yong hiwa sa skull na mukhang inexamine siya previously. That there was a previous autopsy. And I tell you as a forensic pathologist or even as a pathologist, maling-mali 'yong hiwa kasi ang kipot- kipot. Maraming tanong diyan. Okay, later babalikan natin yan. Ano pang makikita dito? Ito 'yong buto niya sa legs. 'Yong mas mataba, tawag diyan tibia, siya 'yong nasa gitna. Okay, weight bearing yan. Medyo normal although no'ng later inexamine namin medyo twisted siya. Imbis na paganiyan, medyo naka-twist siya ng ganiyan. Pero this one, itong manipis, mas manipis na buto, siya 'yong fibula, nandito siya sa tabi. Okay, really very-very abnormal kasi ang nipis-nipis niya at saka baluktot, nakabaluktot siya. Okay. Tapos eto, medyo nadismaya ako kasi no'ng pinupulot ko na. Naku, alin dito ang buto sa paa? Kasi 'yon 'yong habol natin eh, na madetermine nga kung may deformity siya. Kaunti-- 'yon ang problema kasi si sepulturero ang namili ng mga buto-buto, ang daming nawala, ang daming nawala. Okay. But anyway, we'll work with what we've got. Ang isa pa, ito na lang ang natitira sa panga niya, nawawala 'yong kalahati. So again, a huge disappointment kasi mukhang damaged, mukhang may sugat. Next.

02:53:12 Comm. Raquel Fortun:

Okay. Just a shot of, kasi medyo alarming to itsura pa lang no'ng fibula niya abnormal. Okay. Next.

02:53:27

Okay, so anong mga dokumento ang mayro'n? Classically dapat 'yong katawan may death certificate which is good. And actually very disappointing sakin many times mayro'n kang page one, wala kang page two. Walang laman 'yong death certificate so buti na lang may page two. But anyway, anong nakasulat dito, hihimayin natin 'yong dokumento. Next.

02:53:54 Comm. Raquel Fortun:

Let's just zoom in on the essentials. Ang cause of death daw niya gunshot wounds sa ulo. Okay. Ang pumirma ay isang medico-legal officer ng PNP. Autopsy? Yes. So inautopsy niya. Ang isang comment ko dito and this is generally in the Philippines, ito 'yong tinatawag na manner of death. 'Yong magko- commit ka, nagkasakit ba, suicide, homicide, accident-- blangko 'yan. Walang nagko- commit sa Pilipinas. And this is clearly what we would classify as homicide. Let me just point out to you isang quirk ng Philippine Death Certificate. There is such thing as death by legal intervention which is weird. There's no such thing, hanggang homicide lang kami. And even then ano ba 'yong sabihin ng legal intervention? Wala rin namang nag- commit kahit na 'yong sinabing pinatay ng pulis, hindi daw 'yon death by legal intervention. 'Yon 'yong mga frustrations ko sa Pilipinas. Next please.

02:55:06 Comm. Raquel Fortun:

Isang dokumento pa na buti mayro'n tayong kopya, 'yong kaniyang autopsy findings or tinatawag nilang medical-legal report. Okay, two pages. Again. tuwang-tuwa ako. I was holding my breath when I got this kasi usually page one lang ang nakukuha natin. Hay salamat, may page two. Okay, so himayin natin ang makikita mo dito sa page one. Okay. Again, frustration ko sa Pilipinas, the purpose of the laboratory examination is to determine the cause of death. Come on, may tama sa ulo o binaril sa ulo but you go further than that. Tapos tinawag siyang fully- developed, fully-nourished. Saan nanggaling yon? Payat na payat nga eh. Fully- developed? Eh mayro'n ngang disability e. Okay? Tapos pero at least 'yon, inacknowledge, clubfoot deformity, inacknowledge ng doctor. Okay. Tapos 'yon na nga, conclusion, cause of death gunshot wounds, head. Okay ito mas masalimuot, next.

02:56:24 Comm. Raquel Fortun:

Ayan. Okay. I'm sorry. Ito 'yong kanina sabi ko zoomed in. Okay, let's go to the next page. Yan. Okay. Mamaya hihimayin ko to, you may know as a forensic pathologist, I went over that line by line, word for word. Ano ang sinasabi ng doktor? Okay. Skip muna natin to. Pero tingnan niyo dito, Sabi niya, thorax abdomen, ito 'yong chest abdomen. Nagcommmit siya, no external signs of injury, meaning wala siya nakita. Stomach empty, ewan ko parati nila nilalagay yan, walang kinain. Okay. Ano remarkable doon sa general statement na 'yong mga organs ay wala, walang problema? Okay. Again, knowing the standards in the Philippines means that general statement na lang yan. Hindi natin alam kung talaga bang chineck. Okay. But he was young. So understandable, I think na wala pa 'yang sakit-sakit. Okay. But let's say at face value na wala, wala siyang ibang sakit. Wala siyang ibang sugat. Okay. Tapos eto, medyo importante sa atin kasi sabi niya, no signs of injury. Extremities would mean arms and legs. Kasi I know that. But nabasa ko 'to e in a senate hearing parang sinasabi na arms were broken. Sinasabi niya wala. And I'll tell you wala naman kaming nakita. Next.

02:58:08 Comm. Raquel Fortun:

Okay. Ito 'yong hinimay-himay ko. Basically, let's just summarize. Sabi ng doktor, nakakita siya ng three gunshot wounds sa ulo. Okay, 'yong isa sa pisngi, right cheek. Tapos dinescribe kung saan napunta. Sabi niya, pumasok dito, nag-exit daw sa neck sa kaliwa, so paganito. Mayro'n akong drawing mamaya pakita ko sa inyo. Tapos ang pinaka na-fracture daw itong zygoma, cheekbone. Sabi niya, mandibular bone, ito 'yong panga natin. Tapos seriously, mayro'ng napunit na vein, malaking vein, ugat dito sa kaliwa. Pero 'yon lang ang sinabi niya. Okay. Next is submental, would be here, somewhere here. Tapos may na-fracture daw na facial bones ulit. Pero ang sabi niya, saan napunta 'yong bala? 'Yong isa nag- exit 'di ba, ito daw umakyat napunta sa brain doon daw niya nakuha isang bala. Deformed slug, embedded and recovered, pero wala namang description anong size? Anong itsura? Anong shape? Kasama yan dapat eh. At nasan na 'yong bala? Malaking question yan. Nasan 'yong bala? 'Yong third, mukhang medyo curious ako bakit pareho mandibular region. Dito daw sa gitna na mukhang gano'n din umakyat. Tapos gano'n na naman slug recovered sa right brain. Okay. Same question, same questions. No description. Is this, are we referring to two discrete bullets or maybe two fragments of one bullet? Mga gano'n 'yong tanong eh, wala 'yong description. Tapos narecover daw exactly where in the brain? Wala, walang description. Na-fracture 'yong mandible maxilla temporal, eto 'yong sa side ng head. Okay. 'Yong statement na yan, massive subdural subarachnoid hemorrhages, ibig sabihin nagka brain hemorrhage siya, bleeding sa loob as part of the. Pero as a pathologist, bitin na bitin ako dito sa description na to. But ito lang ang mayro'n tayo. Buti nga mayro'n e. Okay next.

03:00:58 Comm. Raquel Fortun:

Okay so, to summarize doon sa report ng PNP, may tama sa cheek. Pasensiya na kayo, hindi ako techy. 'Yong dot-dot-dot-dot-dot na 'yon. By the way, isa pang significant finding, sabi niya no'ng doktor doon sa report, stippling. Stippling, uy importante yan. Anong ibig sabihin niyan? 'Yong nguso ng baril ay malapit. Hindi nakatutok, hindi malayo pero may small distance. Okay. Dito daw batik-batik, sabi niya. Tapos 'yong pangalawa na nandito, dinescribe niya din na mayro'ng batik-batik. Ang stippling ay sign na what we call intermediate range, 'yon na nga may distansiya. Nakukuha ito kapag lumabas 'yong bala kasi may mga kasama 'yang mga small solid particles. Pag humampas 'yong bala sa skin, 'yong small particles na 'yon nakakagawa ng sugat na maliliit. So it's a sign that you look for kung ano ang range. Sa description niya, ito 'yong third, again ang intindi ko somewhere here na malapit doon sa isa. So medyo may kuwestiyon ako na baka naman, are they not related? It's really an entry, isu-sure that both of them went up kasi unusual 'yon e. Kasi pwede rin namang nagkasugat ka dito ng separate. If you hit the bone, 'yong bone madi-displace. Okay, so again, I would want to see documentation in the same way that I document my findings because I expect to be questioned. Asan ang pictures? Asan ang drawings niyo? Because I really would want to understand what they're saying, okay? So 'yong cheek injury as described, nag-exit daw somewhere sa left neck. Okay, Next. Okay 'yong pag inintindi mo 'yong report niya, 'yong cheek bumaba sa neck sa kaliwa. Dalawang tama dito, umakyat. Medyo weird. Medyo weird. Okay. Taken together and at the same time, paano ka kaya matatamaan from here na aakyat nang ganiyan? That would be very, very unusual. I don't know how he was positioned when shot. And that's the reason why you document, you study. This is a necessity what we call reconstruction. Okay. So medyo odd 'yan. And I'm not sure if this is real. And let's see if we can, if the exhumation, the examination of the bones held, would help.

03:04:08 Comm. Raquel Fortun:

Okay, so to summarize, sabi ng report, eto ang masasabi na nag-commit dinocument niya, bilateral clubfeet. Okay, na-recognize 'yon. Basically, three gunshot wounds of the head. As I explained, dalawang penetrating, ibig sabihin walang exit. This would be 'yong nandito daw. At dalawang bullets recovered. Tapos isang perforating, 'yong sa cheek na galing daw sa neck, lumusot daw. Dalawa daw intermediate range, ito 'yong medyo malapit, as described. Tapos ayan daw 'yong fractures at 'yon 'yong lacerations. Again, as a pathologist, bitin. Next.

03:05:01 Comm. Raquel Fortun:

Okay as pointed out earlier, pertinent negatives. Wala daw siyang nakitang ibang injuries. Wala daw siyang nakitang sakit. Okay, so ang kaniyang conclusion, if he had not been shot, buhay siya, parang gano'n. Okay. Next.

03:05:19 Comm. Raquel Fortun:

So ganito ang ginagawa namin, inilalatag, sa buto. Let me just acknowledge that I worked on this case together with my colleagues. This is Dr. Nick Dempsey, Forensic Anthropologist. And my, our assistant, si Ms. Annie. Valera. Okay. Anyway, so mayro'n kaming modest team. Kailangang-kailangan ko sila kasi hirap na hirap ako doon sa paa, specialty nila 'yan. So nilalatag mo yan sa table, in what we call the anatomic position, okay? So ganiyan. Next.

03:05:59 Comm. Raquel Fortun:

And ito 'yong scratch paper ko just to show you, 'yong mga itim-itim na parts, unfortunately eh 'yong mga kulang-kulang na buto. So hindi, hindi ideal, hindi ideal. And that's why isang lesson learned here is kung ililipat 'yong buto, pwede bang ipakita niyo muna samin para maayos? Marami silang masasabi actually 'yong mga namatay. Very very incomplete, lalo na 'yong panga, very important sana. 'Yong left dito. Tapos 'yong paa, ang nabuo lang nila Dr. dempsey ay 'yong kaliwa kasi kulang na kulang na 'yong buto sa kanan. Kaya nangulit din ako, humingi ako ng pictures. Nagbigay naman si Ma'am, no'ng siya ay buhay pa talagang documented na bilateral. Kasi dapat mayro'n kang pruweba, mayro'n kang panlaban eh. Okay, it's really bilateral. Next.

03:07:07 Comm. Raquel Fortun:

Ito 'yong ginawa nila, and this is left, that's right. Tatlong buto lang out of seven ang nasa ankle ng kanan so hindi mo ma-reconstruct. But there are already abnormalities in that one big bone. Tapos ito, buti na lang nabuo 'yong kaliwa. And makikita mo, it's really clubfeet, clubfoot, 'yong naka-inward deviation 'yong foot. Hindi naka-ganiyan pero nakagano'n. Okay. Next.

03:07:44 Comm. Raquel Fortun:

Just a few pictures of the skeleton just to again show you ayan 'yong cut ng autopsy na mali kasi ang nipis-nipis ng opening nila. Nawala 'yong ngipin niya, sa pictures kumpleto. Maganda ang ngipin niya eh. Post- mortem loss yan. Mukhang may fractures nga sa maxilla pero mas marami sa loob. May fracture sa orbit, mas marami sa loob. Okay. Next.

03:08:18 Comm. Raquel Fortun:

Ito 'yong side ng head on the right. Sabi no'ng doktor, may fracture daw dito pero mukhang hindi. Pero ito makikita mo may fractures. Ito 'yong hiwa ng autopsy, fractures. So we document that because you know the bones, the bones are all we have and we try to see what they can tell us next. Okay. Next.

03:08:45 Comm. Raquel Fortun:

Sa left side, walang masiyadong damage. You're saying just the autopsy cut next.

03:08:53 Comm. Raquel Fortun:

This is at the top of the head again, again just showing the autopsy cut. This is the skull sa ilalim and you are seeing ito 'yong ano ba yan, ngala-ngala, palate. 'Yong maxila din yan eh, so may fracture siya. May mga maliliit dito. This is occipital bone, the base, may fractures dito. I don't know 'yong sabi niyang may butas but there's none. This is right side. This is left side. So mukhang wala namang tama dito sa likod. I'm not too sure about a scalp. You know, 'yong soft tissue injury. Hindi ko alam if it's related to 'yong sabi no'ng pinukpok. I don't know. Or just part of the gunfire, mahirap sabihin. Next.

03:09:57 Comm. Raquel Fortun:

Okay. Looking at the inside of the skull with a plate removed, ang liit-liit. You know, it's really impossible to remove the brain and properly examine it this way. Ang tawag ko dito alkansiya cut. Parang 'yong sabi kong "autopsilip" na hinihiwa kunwari pero hindi naman ino-autopsy, ito. alkansiya kasi ang liit-liit eh. Kung ganiyan hindi mo matatanggal 'yong brain in one piece. So may questions tuloy ako, papaano mong nalaman na mayro'n kang bala dito? Kasi as a pathologist, talagang tatanggalin namin yang buo tapos isa-slice mo, so you can document. And 'yong sinabi niyang may dalawang bala, paano niya nalaman na may bala doon? Nag x-ray ba siya? Kasi that's the best way to know. May bala ba? Nasaan 'yong bala? Kasi kung hindi, anong ginawa niya? Kinapa-kapa. Although I might have a suspicion that kasi may fractures dito baka obvious 'yong isang bullet or bullet fragment, nakuha niya agad kasi nandito. I don't know I'm speculating. Next.

03:11:13 Comm. Raquel Fortun:

Okay, ito 'yong panga. What's left of it? Only the right side. And again, ni-reconstruct nila yan, gino-glue nila yan. And this is, this looks like one bullet hole, itong pabilog na 'to. And unfortunately, wala tayo no'ng gitna, at saka 'yong the rest of the left side. Okay, next.

03:11:41 Comm. Raquel Fortun:

This is what's inside, flinip mo siya. And ayan 'yong pinasukan ng bala. And this seems to be consistent with the account that it's an entrance wound. Okay, na may batik-batik. But you see the fractures. Okay. So mukhang gunfire injury. Next..

03:12:03

Ito 'yong medyo paumanhin kasi hindi ko pinixelized kasi this tells us something. In the first place, I had no access to actual pictures of him. You know as is at the scene, I don't think this is how he was shot. Mukhang sabi nga ni Ma'am kanina nag-uusap kami, in preparation na 'yan. Nandiyan na 'yong punenarya eh. Ililipat na siya, dadalhin na siya eh. But what is this telling us, what he was wearing. 'Yong paa niya mukhang bilateral clubfeet nga. There's a lot of blood here. The image is not that good and I wish we had more. Standard yan dapat CSI and so on.

03:12:49

Again, my apologies for this one. But this really is telling like makita niyo ang payat niya, ang payat-payat niya. So ano na 'yong fully-nourished na sinabi? He's not. There's a lot of blood. There's a lot of blood. Pati doon sa kamay niya, dito din, 'yong sa chest area. I don't know if that is a real butas somewhere here. Ito ba 'yong sinasabing submental pero ang submental is somewhere here. I don't know how accurate this is. Is that just a blood clot? We are seeing a hole like ito yata. Parang consistent doon sa sinabing cheek. Okay. Hindi ko makita dito saan kaya 'yong sinasabi niyang batik-batik na stippling. So I really wish that doctor, all doctors, all medico-legal officers would do it the proper way which is to document. And this is not the place to do it. Well actually punenarya na siya no, pero may picture ka as is, may picture ka pag nilinis mo na. So really well-documented. Ang tanong ni Ma'am dati nagbe-bleed daw siya sa ulo-- ay sa mata, no? The blood is coming from the nose and the mouth and that is why I believe he really had extensive intra-oral injuries and even the neck. I just don't know what the trajectory is and the wound track is. He must have had a lot of injuries here that he was bleeding outside. Nag-pull lang doon sa mata. Okay. Next.

03:14:34 Comm. Raquel Fortun:

I think we're almost done. Okay. So far, what do we have? We have confirmed, he really had bilateral clubfeet. The technical term is talipes equinovarus, nakatabingi. How does it happen? It's a congenital anomaly. May tendons, makakapal na panghatak konektor ng muscle sa buto na maigsi doon sa medial part. So napu-pull 'yong paa mo paganiyan. And yes, it can be corrected. Unfortunately, sabi ni Ma'am Luz, ang problema actually was money. Okay, it can be corrected. Yes. So hindi nagawa. So he lived to 18 with the deformity and he managed to still move around but he was disabled. Okay, what else? 'Yong maliit na fibula, 'yong buto dito kasi na hindi weight bearing. It's more of hypoplasia disuse. Hindi siya naglalakad nang maayos eh. So nag-a-atrophy 'yong area ngayon. Tibial torsion kasi nga 'yong paglakad, kasi several years 'yong gano'n. The skull fractures, we call them perimortem. Mukhang at or around the time of death so significant. Gunfire injuries not from something else, except I have my misgivings now I don't know. We'll have to look at this. Kung baka nga na pokpok siya, If it's not connected with the injuries on the-- from the gunfire. A lot more fractures, as we documented it. And as seen in the photographs, ito naman ang advantage namin kasi buto na 'yong nakita namin versus 'yong doktor na una na may laman pa, mas makikita mo 'yong fractures kapag skeletal remains na. He was really in an advanced state of decomposition, skeletal na. Incomplete, unfortunately, ang kuha. And status post-autopsy, meaning he was autopsied before. Next.

03:16:56 Comm. Raquel Fortun:

Addressing the forensic issues? Identity there's no question. It was documented all the way and we have the deformity. It's clear that it was him. Cause of death? I would put it as gunshot wounds, parenthesis "s" I don't know how many times he was shot. Probably more than one. Okay. 'Yun 'yong limitation namin. Manner of death? I would commit to homicide, clearly homicide. Next.

03:17:29 Comm. Raquel Fortun:

Okay. Nagpaalam din ako kay Ma'am Luz eh. Pwede ko bang ipakita to? This is him when he was? What? How many years old? Okay. All right? Just to thank, just to thank her for trusting us. Kahit papaano I'm hoping you know, nasagot 'yong mga tanong niyo. And I would encourage also the others watching, listening out there, bigyan niyo kami ng pagkakataon makatulong where we can. And kung 'yong mga nakikita ko actually na cases, kaunting-kaunti. And unfortunately, in the Philippines, you cannot depend on the usual medico-legal for documentation. Ang daming, ang daming tanong. Ang daming mali, ang daming tanong. And if you can, if you can consider allowing us to examine. This is my job in the Commission, as Commissioner of Forensic Science, makakatulong kami. We have some questions, some problems, marami tayong limitasyon sa forensics sa Pilipinas. Actually, we have friends abroad. Magre-refer tayo whenever we can. And again, I'll just end with. Thank you very much, Ma'am for trusting us. And I hope I was able to help you. Thank you.

03:19:08 Chair Raul Pangalangan:

Maraming salamat, Dr. Fortun. Thank you so much for your presentation. Ang susunod po na bahagi ng ating programa ay ang mga I think questions, mga tanong po mula sa mga Commission members. Sisimulan ko na po, tapos isusunod ko na po 'yong aking mga kasamahan sa Commission. Maraming salamat, Luz. Ah sige. Well, habang inaabangan natin si Luz kasi siya 'yong dapat sasagot ng mga tanong. Gusto ko lang magpasalamat ulit, kay Dr. Fortun. Alam nyo ibang-iba kung may findings, scientific findings katulad ng ginawa ni Dr. Fortun dahil po marami tayong nakukuhang mga katotohanan mula sa mga buto katulad nga ng sabi niya. At ang kaya po sa aming report, kasama po dyan 'yong of course, 'yong testimony ng mga mga biktima ng mga pamilya, 'yong mga findings po ni Dr. Fortun, at saka yong official records. In fact po sa amin, kaming mga miyembro ng Commission, mayroon po kaming complete file dito ng mga police report, mga litrato po mula sa sa punenarya hanggang sa paglibing kay Raymart. Sige, abangan lang po natin muna si Luz. Let's pause for a few minutes.

03:22:19 Chair Raul Pangalangan:

Sige. Ladies and gentlemen, can we now resume our our session? Bumalik na po tayo sa ating session. Luz, actually pinapanood kita no'ng pinapakita ni Dr. Fortun 'yong mga litrato sa screen. Tinitignan kita madalas kasi nagwo-worry ako kasi medyo katulad nga ng sabi ni Dr. Fortun, medyo graphic 'yong mga litrato. At no'ng napaka-kalmado mong tinitingnan 'yong mga picture, sinasabi ko sa sarili ko iba talaga 'yong mga nanay. Oo, pero iba pa rin na makita dito ulit eh. Sabi ko, iba 'yong mga nanay, napakatapang, napakatibay. So salamat, Luz, na nandito ka sa amin at humarap ka sa sa Truth Commission. Ito na 'yong parte ng programa, Luz, na magtatanong 'yong mga members ng ng Truth Commission. Mayro'n kaming pang limang kasamahan na kagagaling lang sa operasyon so wala siya dito ngayon, si Caloy. Luz, ang akin tanong lang sayo, alam mo nagwo-worry ako as a member of the commission sa sitwasyon mo na haharap ka sa amin, hindi ka ba nagwo-worry na may mangyayari sayo, anong mga precaution ng pag-iingat ang ginagawa mo?

03:24:04 Nanay Luzviminda Siapo:

Sa mga gustong pumatay sakin, huwag naman. Alam niyo po mayro'n pa akong isang anak na maliit na kailangan ko pa siyang pag- aralin. Kailangan pa nila ako. At 'yong aking si Isabela ay kumukuha ngayon ng Med Tech. So, mahabang buhay pa po ang kailangan. Huwag po ninyo akong papatayin. Pwede po ba?

03:24:34 Chair Raul Pangalangan:

Maraming, maraming salamat. And ako rin, ipinagdadasal ko na safe ka at saka si Isabela. Ang aking mga kasamahan sa Commission, Dr. Fortun, mayro'n ka pang ibang gustong sabihin?

03:24:54 Comm. Raquel Fortun:

I'm just curious, so pinauwi ka sa Pilipinas ng amo mo, isang bag lang ang dala mo?

03:24:59 Nanay Luzviminda Siapo:

Yes po.

03:25:00 Comm. Raquel Fortun:

With the return ticket, hindi ka na nakabalik. Ano ang nangyari?

03:25:04 Nanay Luzviminda Siapo:

Alam mo masama magsinungaling po ano. Kaya po ako umoo na, oo babalik po ako, Madam. Pero sa puso, sa isip, hindi na po ako babalik sa inyo. Para ma-release po nila ako. So 'yon, hindi na po ako bumalik ng Kuwait po.

03:25:29 Comm. Raquel Fortun:

One other question, you said that you had a phone na sira na. Na may voice record ng pulis na nag-ooffer na i-pin down ang ibang tao for this death. What happened to the phone?

03:25:45 Nanay Luzviminda Siapo:

Mapapatunayan ko po yan na tinuruan po kaming magsinungaling ng pulis kasi kasama ko po 'yong kapatid kong si Kuya Bong that time. At sinabi din ni Kuya Bong, "Huwag, Beh. Huwag kang pumayag na magsinungaling ka."

03:25:59 Comm. Raquel Fortun:

Yeah. So narinig niya. Yes, Pero 'yong telepono, physical evidence kasi yan e.

03:26:04 Nanay Luzviminda Siapo:

Ang telepono po, na-Paeng po kami, lagpas tao po 'yong baha doon sa lugar kung nasaan po ako nakatira.

03:26:12 Comm. Raquel Fortun:

Naitapon na?

03:26:12 Nanay Luzviminda Siapo:

Wala na po. Wala na po talaga. 'Yon nga po sana ng mga time na 'yong mga mga panahon na 'yon, wala po talagang tutulong. Takot tumulong samin kahit na may sinasabi kami. Ako mapag-imbestiga e kahit sinasabi ko na mayro'n akong ano. Sana na-preserve nila 'yon. Sana kinuha na lang nila 'yon kasi talagang mahaba po 'yong conversation namin ng pulis na 'yon at talagang naka-record. Malinaw na malinaw 'yon. Ilang beses ko po pinapakinggan po 'yon. Sabi ko, napakawalang-hiya niya. Kasi po di ba magsisinungaling kami para sa sa ano niya justice. 'Di ko po ginawa.

03:26:55 Comm. Raquel Fortun:

Maybe this is a general tip for everybody. Kung mayro'n kayong ebidensiya na ganiyan, i-back up. I-record ulit or something, somebody else, although you have your brother. But nothing beats physical evidence.

03:27:11 Chair Raul Pangalangan:

Thank you so much for Dr. Fortun. Dr. Fuertes?

03:27:14 Comm. Al Fuertes:

Thank you so much, Judge Raul. Maraming salamat, Nanay Luz. Napakatapang mo, grabe! It takes a degree of courage to be able to share that depth, 'yong kalalim at saka pagkakalapat ng sharing, truth-telling mo. And so gusto ko lang sanang first i-honor ang tapang na ginampanan mo to come before us para lang i-share sa amin ang truth of the matter to you.

03:27:55 Nanay Luzviminda Siapo:

Hindi po ako matapang, pero gusto ko lang po talagang sabihin 'yong katotohanan. So iba po kasi 'yong interpretasyon ng ibang tao, matapang. Takot din po ako mamatay.

03:28:13 Comm. Al Fuertes:

Salamat, salamat sa correction. It was very clear sa salaysay mo, Nanay Luz, na may pattern talaga 'yong mga killings ng EJK. Sabi mo, very swift. Pwede pa siguro efficient 'yong pamamaraan nila sa pagpatay. Sabi mo tinawag ngayon, the following day wala na si Raymart. Tapos 'yong mga planted evidence, ano pa 'yon? I just want, gusto ko lang i-affirm 'yong sinabi mo. 'Yong question ko, one of my questions here is, ano ba ang epekto ng pagkamatay ni Raymart sa iyo at sa pamilya mo? Physically, kung mayro'n ha, kung mayro'n physically, emotionally, psychologically, you know. Anong nangyari? At saka ano 'yong nagpapatibay sa inyo, sayo at sa pamilya mo?

03:29:14 Nanay Luzviminda Siapo:

'Yong mga panahon po na 'yon talagang, emotionally, physically, lahat po eh bilang isang ina, apektado lahat. Sa emosyon, lalo na kasi anak mo 'yon, nine months mo siyang dinala. Binuhay mo siya hanggang 18 years old tapos bigla na lang papatayin ng kung sino po ano. Napakahirap po na minsan nagtutuhog ako ng ihaw, kasi po nagiihaw-ihaw kami. Ginagawa ko po talaga, bini-busy ko 'yong sarili ko eh kasi para akong mababaliw. Para akong masisiraan ng ulo kakaisip sa anak ko. Bakit nangyari sa kaniya 'yon no'ng namatay siya? Nakakaawa kasi wala man lang 'yong mama na pwede siyang ipagtanggol doon sa papatay sa kaniya 'no. Siya lang mag-isa. Hinarap niya 'yong kamatayan ni mag-isa. So parang masakit po 'yon sa isang nanay na hindi mo maipagtanggol 'yong anak mo kasi nasa ibang bansa ka. Tapos po no'ng nasa Pilipinas na ako na gusto kong maka-recover kasi kung ano-ano nga po 'yong mga naiisip ko. Eto saksi si Cardinal na naglalagay po ako ng bomba sa katawan ko. Di ba po Cardinal? Tumawag ako sa kaniya sa messenger.

03:30:42 Comm. Al Fuertes:

Prinoject mo 'yon 'no, 'yong pain.

03:30:43 Nanay Luzviminda Siapo:

Opo, 'yong pain, galit 'no. Isa sa pinapasalamat ko sa Diyos kasi Lord, sabi ko magkakasala talaga ako eh. Kasi nandoon na tayo sa puntong gusto ko ng pumatay o magpapatay. sabi ko, "Tanggalin niyo po Panginoon, 'yong galit sa puso ko, sa isip ko. Ayoko pong magkasala. Alisin niyo po 'yong galit. Bigyan nyo po ako ng lakas ng loob. Alisin lahat kung ano man mayro'n sa puso ko." So nagugulat na lang po ako na nao-overcome ko na 'yong mga panahon na darating, ang ginagawa ko bini-busy ko 'yong sarili ko para hindi ako mag-isip ng kung ano-ano. Tuhog-tuhog-tuhog ng ihaw-ihaw po ang ginagawa ko. Umaga, mamimili. Maghapon, tuhog-tuhog-luto. So nalilibang 'yong sarili ko, hindi naiisip. Pero may isang beses kahit hindi mo maiiwasan yan bilang isang ina, pag naaalala mo 'yong anak mo, tutulo at tutulo talaga 'yong luha mo. Kahit po magda-drive ako minsan, papapasok siya sa isipan ko. Sasabihin ko lang sa kaniya, "Mahal na mahal kita Raymart." Kasi 'yon 'yong gusto kong sabihin sa kaniya eh kaso wala na. So, kapag naiisip ko siya, tutulo po 'yong luha ko. 'Yon po 'yong mga struggle, 'yong may mga kahit na na-overcome ko na 'yong mga gano'n. Painful pa rin po talaga 'yong mawalan ka ng ng anak.

03:32:30 Comm. Al Fuertes:

Salamat at buti na lang malakas ang support network system natin. Salamat! Nanay Luz, 'yong second question ko, you know, isa sa mga goals ng Truth Commission ay ang paghilom. Na sana ma-experience ng mga nanay, mga pamilya at kahit na sa komunidad natin itong paghilom. Ako curious lang ako, 'yong healing ano para sayo or at saka para sa pamilya mo, anong ibig sabihin ng paghilom? At saka earlier mean you also mentioned about hustisiya you know? Para sayo, ano ang ibig sabihin ng hustisiya given sa karanasan na nangyari kay Raymart?

03:33:26 Nanay Luzviminda Siapo:

Hello po. Nangyari ang hustisiya po, ano ulitin nyo nga po. Sorry, Dr. Al.

03:33:36 Comm. Al Fuertes:

Para sayo, anong ibig sabihin ng paghilom? Kasi I assume bawat pamilya medyo unique 'yong mga interpretasyon.

03:33:46 Nanay Luzviminda Siapo:

Sa akin po, naghilom 'yong mga sugat with prayer po. So powerful po 'yon. Isa sa mga ginagawa ko po talaga 'yon. At ang pagpapatawad, isa sa pinaka natanggal po 'yong mga galit sa puso ko 'yong nagpatawad ka po. Pero kahit na nagpatawad po ako, gusto ko pa rin pong managot kung sino po 'yong pinuno dahil ginawa niya pong kasalanan po 'yon eh. Siya po ang may gawa noon eh. Hahabulin ka po eh kung anong ginawa mo. Kung gumawa ka ng mabuti, hahabulin ka ng kabutihan. Pero kung gumawa ka ng pagpatay o masama, hahabulin ka rin ng ginawa mong 'yon. So 'yong pagpapatawad po, actually 'yong mga pulis na pumatay doon sa anak ko, kung darating ang panahon na mamemeet ko sila or magkita kami, wala na 'yong galit ko sa kanila e. Pero alam ko na pag nakakaawa kasi pag magsa-suffer sila hanggang sa pagtanda, hanggang sa mamatay sila. Maiisip at maiisip nila 'yong mukha ng binaril nila bago ito mamatay, at kung ano ang sinasabi. 'Yon nakakaawa eh kasi wala, hindi ka magkakaroon ng tawag dito, kapanatagan ng kalooban. Opo. So hanggang sa mamatay ka. So sino po ba ang mas ano nanalo, 'yong magpatawad ka or 'yong sa pumatay ka?

03:35:33 Comm. Al Fuertes:

Salamat, isa na lang then ibibigay ko na ito kay Commissioner Father Danny. Isa na lang minention mo ang kapatawaran. You know and I think kapatawaran is part sa healing 'no? Pero sinabi mo rin na forgiveness, kung sa english ba, forgiveness does not mean condoning. You know so pinapatawad kita pero you still have to face the consequences sa action mo. Dapat dapat malaman ito siguro ng lahat sa atin. Forgiveness is not condoning. Forgiveness is not even pardoning. So you can forgive me for the wrongs I have done to you but I still have to face the consequences and I have to have that accountability. So I think sinabi mo 'yon. So napakagandang statement 'yon. Salamat, salamat.

03:36:28 Chair Raul Pangalangan:

Thank you, Al. Father Danny?

03:36:32 Comm. Danny Pilario:

Okay, Nanay Luz. Una, daghang salamat sa imong kaisug.

03:36:39 Nanay Luzviminda Siapo:

Daghang salamat po.

03:36:41 Comm. Danny Pilario:

Ikalawa, daghang salamat kay maayo ang imong tinagalog kay sa ako. Si Nanay Luz, galing sa Butuan. Tapos ako ay galing din sa Cebu. Siya galing sa Mindanao, pero mas magaling pa 'yong Tagalog nito kaysa sa akin, matagal na ako rito. Anyway, very fluent kaya naiintindihan ng lahat. Thank you very much. Isa lang po 'yong tanong ko. Ako lang 'yong pari sa banda rito eh. 'Yong lahat ng pari nandiyan sa iyo, sa side mo. Pero kailangan 'tong malaman ng mga lahat ng mga nabiktima. Papaano ka nakikipag-usap o nakikipag-away o nagtatampo sa Diyos? At papaano ka nakikipag-kaibigang muli sa kaniya? Kasi alam ko no'ng nangyari 'yon, ang una mong tinawag ang Diyos. Nagdadasal ka habang nagluluto ka sa Kuwait. Hanggang dumating ka sa sa Navotas o Caloocan, Diyos pa rin eh. Pwede mo bang ikwento sa amin, sa lahat ng mga nanay na makikinig sa iyo ngayon. Ano ba 'yong journey na 'yon? Ano ba 'yong ginawa mo? Paano ka nakipag-usap sa kaniya hanggang papaano ka na-hilom or gano'n? Sige nga.

03:38:14 Nanay Luzviminda Siapo:

Alam mo, pag naniniwala ka na mayroong Diyos, makakausap mo siya e. At ang Diyos akala ko dati na sa langit, andito po Siya sa puso natin no? Andito po siya sa puso natin. Pwedeng-pwede e, 'yong Spirit, binigyan tayo ng espiritu e mg God. So 'yong espiritu ng Diyos na sa atin, makakausap at makakausap natin siya. Kaya 'yong nangyari doon sa anak ko, puro prayer po ang ginagawa ko dahil alam ko na hindi niya ako bibiguin eh. Siya lang po 'yong makakampi ko that time. Tsaka hanggang kanina po ng umaga kasi, tinatanong niyo na rin po naman kung paano ako nakikipag-usap sa Diyos. Nakikinig po ako ng mga praise and worship. Nakikinig po ako halos kahit nagtutulog po ako, 'yong mga kasama ko nga sa bahay eh pag ikaw namatay 'yan lang ang ipapatugtog namin sa'yo, 'yan lang ilalagay namin kasi puro po ako word of God. Kasi 'yon lang ang pinapakinggan ko maghapon at wala akong ibang gustong pakinggan kasi alam ko may mapupulot ako doon sa pag- worship, sa pagdadasal, sa pakikinig ng mga salita ng Diyos 'yong mga nagpe- preaching. So mayro'n akong mas magandang mapupulot kaysa manood ako ng balita at makakapagpatatag ng kalooban ko po 'yon. So hanggang hindi lang po 'yong dumating ako sa ibang bansa, hanggang no'ng namatay si Raymart, hanggang kanina po pagkagising ko ng four o'clock, nakikinig po talaga ako ng praise and worship song. At sa pamamagitan ko doon ay ko siya at sinasabi ko sa kaniya ang lahat. Alam ko na kasama ko siya e pagka-nakikinig ako ng pray and worship song. Tapos isa po ito sa mga ni-review sa akin ng Diyos, sa Exodus 14:14. Sabi ko 14 ngayon ah, tapos sumakto 14 'yong Exodus 'no? Sabi niya, "The Lord shall fight for you and ye shall hold your peace." So napakagandang sabi ko, Lord, kasi bawat problema, bawat mga kailangan kong gawin, isinasambit ko po muna sa kaniya 'yon para magkaroon ako ng malinaw na isip. Sabi ko, paano ko po ba sasagutin sila? Samahan niyo po ako. So hinihingi ko po 'yong mga 'yon. 'yon po 'yon, Father.

03:40:52 Chair Raul Pangalangan:

Thank you so much, Father. May pahabol lang akong tanong ha? Para lang sa report namin. Gusto ko lang mabuo. Nabanggit ni Dr. Fortun na 'yong pagka-clubfoot ni Raymart pwedeng maremedyohan medically. Hindi niyo na no'ng bata si Raymart, kung nadala niyo sa doktor kayang maremedyuhan. Pero hindi nyo, nadala nyo ba sa doktor, masiyado po bang magastos?

03:41:25 Nanay Luzviminda Siapo:

Sa gastos po fifty-fifty po kasi. So ipapasok namin sa temple dito sa may UN po 'yon eh, may temple diyan. At ang fifty na magiging tawag doon kung magkano ang gastos sasagutin ng boss ko 'yong kalahati, tapos 'yong kalahati sasagutin no'ng sa Temple dito lang po sa may UN po 'yon. Tapos kung sinasabi niyo pong kaya, hindi ko po pina-opera dahil wala pong pera? Dinala po namin sa Mary Johnston Hospital. Tinanong kung kaya mo ba? Pag inopera ka ngayon, siyempre i-therapy pa po yon eh. Kasi iba ang lakad po niya e. Pag ikaw lumakad na hindi tama ang lakad mo, ooperahan ulit natin yan hangga't hindi ka hindi maayos ang lakad, maraming operasyon ang pwedeng gawin sa paa mo. Ayaw po no'ng bata, natatakot po siya. So dahil 'yon ang desisyon niya, ayoko naman ding magpilit po no? Ginagalang ko po yon. O sige, ayaw mo.

03:42:46 Chair Raul Pangalangan:

Salamat, Luz. At saka ang sunod kong tanong lang, 'yong sa gastos sa ano sa libing? Pano 'yon na-cover 'yong gastos sa punerarya?

03:42:58 Nanay Luzviminda Siapo:

Ako po kasi no'ng nasa abroad ako nagsisisi. Bakit ba ako nag-abroad, mayro'n naman akong konti sa Pilipinas. So sa sinasabi ko po na sanglang tira, mayro'n pa kong kalahating milyon na nakuhang sanglang tira, so pinapaupa ko po 'yon. Mahilig po kasi ako 'yong magpagulong-gulong ng kwarta e. So pinaupa ko 'yon po 'yong kung saan namatay si Raymart. First floor, nakasangla one hundred fifty, second floor two hundred fifty tapos 'yong sa taas nakasangla pa rin sa akin. Pinapaupa, uso po yan sa Dagat-dagatan, ang sangla tira so pinaupa ko po 'yon. No'ng umalis ako ng abroad, mayro'n po akong three hundred thousand sa bangko 'no. Ba't pa ako umalis? Hindi ako nakinig sa boss ko kasi na-mentor po ako ng boss ko sa tiyangge ng mga damit ng mga RTW, at nagkaroon din po ako ng sariling ganiyang hanapbuhay. Ang sabi niya sa akin, "Bakit ka pa ba aalis, ipatubos mo na 'yong isang kuwarto mo. Mag-negosyo ka uli." Nagka-trauma po ako sa negosyo. Hindi po ako talaga sa RTW siguro. Tapos sabi ko hindi nakapag-ano na po ako, nakapag-apply na po ako, 'Te. Sabi niya, kawawa 'yong mga anak mo pag iniwan. So 'yong pagpapalibing, mayro'n na po akong pera. Kaya no'ng umuwi po ako, malakas din naman ang loob ko na kung basta't payagan lang akong umuwi. Nag-withdraw po ako ng pera sa bangko. Pero 'yong sa punenarya, binayaran, tulong po 'yon ng Baclaran Church po. 'Yong cheke na pinababalik ko na iniisip ko galing sa government 'no, kabayaran doon sa pagpatay sa anak ko.

03:44:42 Chair Raul Pangalangan:

Maraming salamat, Luz. Ganito 'yong ating programa ngayon, makikiusap ako sa ating mga kasamahan. We will go overtime until 12:30. Ang susunod na bahagi ng ating programa ay 'yong mga community reflection. At magsisimula po tayo kay Cardinal.

03:45:06 Cardinal Pablo Virgilio David:

Yeah. Bahagi ng aking reflection ay question kay Dr. Fortun e. Dr. Raquel, kung ikaw ang nag-autopsy at alam mo, ayon sa police report na may nakita silang baril sa kaniya at sachet ng shabu at pinalabas na nanlaban siya. Hindi ba dapat kasama sa autopsy 'yon to find out kung may gun powder ang kamay niya 'di ba 'no? At saka gano'n, lumaban ba talaga siya, humawak ba talaga siya ng baril o tinanim 'yong baril na 'yon? Kasi naging standard na ebidensiya noon ang caliber 38 at sachet of shabu, standard. Tapos 'yong standard din explanation kasi lumaban siya, gano'n 'no. And pwede namang i-establish din 'yon sa autopsy report 'di ba?

03:46:20 Comm. Raquel Fortun:

Kung nasa ibang bansa tayo na progresibo na talagang may death investigation system na independent. Take note kung pulis ang involved dito, sino ang nag-iimbestiga? Pulis. Okay. And 'yong mga tinatanong ni Cardinal, ay naku po, hindi nagagawa dito. Kung ako ay involved, malamang 'yan dadalhin sa akin 'yong body. Hindi ako pupunta sa scene. Ang ideal ay 'yong forensic pathologist in a homicide case would really document, you know, kung saan siya bumagsak, saan siya nabaril, documented yan. At huwag niyong gagalawin, sa forensic pathology, sa medical examiner 'yong katawan. Everything else like 'yong sachet, 'yong bala, 'yong baril or whatever. Maybe yes, the police will handle that the scene etc. Pero 'yong katawan na 'yan documented, ilalagay ng maayos sa malinis na bag. Babalutin nang malinis, dadalhin sa isang morgue na hindi lang basta-basta punenarya. 'Yong talagang morgue na alam ang katawan na ina-examine mo ay ebidensiya. So hindi automatic 'yan ay i-embalm, huhugasan, bibihisan and so on and so forth. But anyway, so 'yong mga nanlaban, masasabi mo ba kung totoo? Sa forensic pathology, I have seen cases, our photo journalists have documented some na kuno naglaban pero may mga marka-- restrained, cuff marks. Hindi ko nakikita 'yon lalo na dito sa exhumed kasi wala ng balat e, wala ng soft tissue. Pero I have seen some which sustained the body sustained what we call defense type injuries. Why? Because of the location, here. Mayro'n kasing embedded pa 'yong-- nanlaban daw pero may bala dito. Okay, 'yon 'yong mga arguments eh. But I said it earlier, as much as possible you do what we call a reconstruction of the shooting. And that means totality of evidence, lahat ifa-factor in mo including the autopsy. 'Yong sachet ng drugs again there's this issue of gumagamit ba siya? Oh yes. Kasi ang papel namin is kukuha kami ng samples this time for toxicology. Hindi rin ginagawa sa Pilipinas 'yan. Kasi gusto mong malaman gumagamit ba ng drugs o hindi? But still, you know, bottom line is, they should not have been killed to begin with, anyway. But something as basic as that, may drugs ba siya sa sistema? Ginawa ba yan? Hindi. Kasi unang-una, mahina tayo sa toxicology o forensic toxicology. I don't think we have the funds, we have the resources, we have the laboratories, wala. And secondly, bakit nila ite-test 'yan? May conclusion na sila eh. Tapos 'yong sa sachet na 'yan, again lumalabas sa reports, may template sachet of white crystalline substance na sinasabi nila porke nakuha sa katawan ay kaniya. Ba't din ang tanong ko? Do they even have evidence to prove to connect this evidence this sachet to this person in the sense that chinecheck niyo ba yan for fingerprints? Eh kasi nahawakan niya eh di ka niya yan. And that's it, do you test for the drugs inside the system? But nobody does that. Because it's a given in the Philippines, durugista yan, drug addict, whatever, may conclusion na. Death penalty.

03:50:24 Cardinal Pablo Virgilio David:

At nasabi niyo nga 'yong bala, nasaan? Well, minsan nasa bahay ako sa kumbento sa San Roque Cathedral tapos nagkaroon ng datingan ng mga sirena and report ng sakristan ko, "Bishop, nasusunog po ang police station, Caloocan Police Station." Hindi maapula 'yong apoy, tuloy-tuloy. And end result, the files were burnt. So mapapaisip ka, nasunog ba o sinunog? So I don't, I will not make a conclusion. But ang question ko lang ay sinong makikinabang sa pagsira nila ng mga ebidensiya o mga police reports? Well, ang akin lang reflection, pagkalibing kay Raymart, isang araw, inalert ako maaga ng aking no'ng asawa ng aking sakristan. Ang kasama ko sa bahay mag-asawa, 'yong sakristan at ang misis niya. 'Yong misis nagluluto para sa akin. Ginising niya ako, sabi niya-- hindi. Tinawag niya ako, ang sabi niya, "Bishop, may babae sa tapat ng bahay tapos parang may hinihintay." Si Luz. Baka nandoon lang siya, hindi naman siya kumakatok. Nandoon lang siya nakatayo, umuulan-ulan, para siyang wala sa sarili. Sabi ko, papasukin mo, nakilala ko kaagad. Yan 'yong nanay no'ng pinatay na pinag-misa ko sa Santa Clara. Tapos pinapasok ko siya. No'ng mga time na 'yon, para siyang tulala. Tapos tanungin ko, "O ba't nandito ka? Anong nangyari?" Tapos sabi niya, "Walang hiya sila, Bishop. Parang hindi na nila maalala 'yong pangalan ng anak ko." Tapos biglang kumislap 'yong mata niya, ang sabi niya, "Alam niyo pinapanood ko sa YouTube, paano gumawa ng bomba?" Nakuwento mo ba kanina? Nag-toilet kasi ako. Nakwento niya na gusto daw niyang malaman paano gumawa ng bomba para kung pwede, pumasok na lang siya sa Navotas Police Station at pasabugin silang lahat. Sabi ko, "Salamat na lang at sinasabi mo sakin, ibig sabihin hindi mo magagawa." Kasi syempre may mga pamilya din 'yong mga pulis na 'yon. Tapos ni hindi mo alam kung sila ba talaga 'yong lahat involved. Isipin mo ang magdurusa kung magawa mo 'yon, gano'n.

03:53:40 Nanay Luzviminda Siapo:

At saka 'yong nag-message pa po ako sa inyo na magha-hire ako ng--

03:53:46 Cardinal Pablo Virgilio David:

Oo. Oo nga ng killer, gano'n 'no. Iyon 'yong kaya no'ng sabihin mong, "Nagpatawad na po ako." Gano'n no, sabi ko, tingnan mo nga naman. Sabi ko kasi magkakaroon tayo ng lipunang kriminal kung hindi mahihilom ang sugat ng mga biktima ng karahasan. Syempre biktima ka, punong-puno ka ng galit at hinanakit. Gusto mong ibalik ang karahasan na pinadanas sayo. Ayaw natin ng ganiyang lipunan, magpapatayan tayo. Kaya 'yong ginawa niya mismo, para bang, parang sariling-sikap na si Luz para maghilom. 'Yong matinding sugat na 'yon na pwedeng tumulak sa kaniya na maging kriminal din, pero hindi ka naging kriminal. Salamat sa Diyos, gano'n no? So 'yon pa lang, katibayan na siya ng simula ng paghilom. Mas concerned tayo na hilumin ang lipunan natin. At mabuti ka pa, na- address mo 'yong hinanakit na 'yon. At sa tingin ko, hinanakit din ang dahilan ng marami kung bakit sumang-ayon sila sa pagpatay. Naniniwala sila na sa pamamagitan nitong walang awa na parang policy na tinatawag na giyera kontra droga na patay kaagad, para bang akala nila nakakakuha sila ng instant justice. Lalo na 'yong mga sa tingin nila eh walang katarungan sa lipunan. Kaya ang reflection ko, napakahalaga ng gawain natin sa Truth Commission. Ang lipunan, ang importante na maghilom. At sana kung papaanong ikaw mismo sa pamamagitan ng panalangin at suporta ng iyong kapwa 'yon 'yong masakit no'ng una eh parang 'yong sinabi mo na saan ka nakakitang burol sa patay na Pilipino na walang makikiramay? Hindi ba ganiyan ang naranasan niyo? Ayun, masakit 'yon. 'Yong nagbuburol kayo walang gustong pumunta dahil natatakot sila. That doubles the pain. Parang nag-iisa ka na, wala kang kasama. Ngayon, magkakasama kayo. So hindi na kayo nag-iisa. Parang ito 'yong hangarin ng Truth Commission, na maparamdam sa inyo na hindi totoo na nobody cares. Hindi totoo na lahat sumasang-ayon na dapat mangyari ang ganiyan, hindi totoo. So sa akin, 'yon ang makapaghihilom sa atin at sa ating lipunan, Salamat po.

03:57:07 Chair Raul Pangalangan:

Salamat, Cardinal. Maraming salamat po. Para mapabilis 'yong ating programa, hihingi ako ng reflections from Father Danny and then from Tati. And then tayo Al, mayro'n tayong closing so doon na lang natin gawin 'yong ating reflection. So Father Danny?

03:57:34 Comm. Danny Pilario:

Ang reflection ko, apat lang na tanong. Ang start ng tanong ay bakit? Bakit ang bilis nilang pumatay? Tanong mo ito kanina. Tapos ang sagot mo rin. Later ko na lang nalaman na may incentive pala. Ang isyu na ito ay hindi lang sayo. Karanasan ito ng karamihang pinatay. Sinimulan na ito ng House Committee Quad Comm na may incentive nga. At sa tingin ko pwedeng i-pursue ng Truth Commission to continue that investigation. Saan galing ang incentive? Sinong nagbibigay ng incentive? Magkano ang ibinibigay na incentive? Dahil iyon ang dahilan bakit mabilis silang pumatay. Ikalawa, bakit walang nakikiramay? Ang sabi ni Cardinal, dahil sa takot. Sa Payatas, umangal 'yong isang nanay sa akin namatay 'yong anak niya. Pati 'yong magdarasal hindi pumunta sa kanila. Sabi ko, bakit hindi pumunta? Sabi nila, "Natatakot sila magdasal, Father, baka isunod sila." Hindi lang 'yan sa inyo nangyari, halos lahat. Because the society has been enveloped by fear. Ang dapat siguro tungkulin ng Truth Commission na dito ang Truth Commission is a safe space pwede ho kayong magsalita. At yayain natin 'yong iba, na dito, pag nagsalita tayo hindi tayo pinapatay. Number three, bakit kailangan pati PWD? Hindi man lang sila pumipili. Sa Payatas nga po, mayro'n nga doong may TB. Nilagay sa gitna ng daan. Nakita ng kaniyang asawa binaril, pati may sakit. Gano'n na ba 'yong lipunan natin? Wala tayong pinipili? At pang-apat, bakit kailangan sobrang pahirapan 'yong OFW? Ba't kailangang hindi mo hawak 'yong passport mo? Ba't kailangang na hahalikan mo pa 'yong paa ng iyong amo. Ba't kailangang hirap umuwi 'di bale na. Siguro trabaho ito ng OWWA. At pagtibayin natin, ayon sa Truth Commission at ang resulta nito na may gagawin dapat ang gobyerno dahil eight to ten million Filipinos are out of the country. 'Yan lang po ang apat na tanong ko.

04:00:44 Chair Raul Pangalangan:

Thank you so much, Father. Yes, Dr. Fortun?

04:00:50 Comm. Raquel Fortun:

Gusto ko lang i-highlight ko 'yong appeal ko kanina na kailangan talaga ng ebidensiya, and hinahabol ho namin whatever we can. So kakaunti lang ho ang nakita kong kaso related ito sa so-called drug war, 140? Marami diyan ang exhumations. Parang ano eh humihingi pa ako ng trabaho, bigyan niyo pa ako ng kaso. Tingnan natin kung anong magagawa natin kasi nakaka-frustrate nga. Malapit na naman akong mag-retire so mas marami akong oras siguro for all of these cases. And anyway, so 'yon think about evidence. Sinasabi ko 'to doon sa mga na- exhume, na-autopsy ko na kaunti before, doon sa mga pamilya. Buti ho pina-examine niyo sa amin 'yong labi kasi ho mayro'n tayong pinanghahawakan. Kasi hindi tayo dependent kung ano 'yong mayro'n lang sila. Magagamit pa rin ho ito. And lastly, 'yong picture na pinakita kong last. Natuwa ako doon eh 'yong hawak-hawak siya ni Nanay niya, 'yong Mommy niya. Iniisip ko kasi pagka na-encounter ko 'tong cases na to, what if they lived? What if hindi sila namatay? Minsan nga naisip ko noon eh paano kung iba siguro 'yong presidente, buhay pa, ang dami pang buhay sa anak. Tapos ang tangkad niya, 'di ba nireport siya ng PNP na 173 centimeters, tapos 5'8, mukhang matangkad sa measurement gano'n? Bigla kong naisip, you know if he had not died, could he have become another tennis champion? Maybe a basketball player. You know the potential ay nawala. It's such a huge loss that so many people died for a lost cause.

04:02:56 Chair Raul Pangalangan:

Maraming salamat, Dr. Fortun. Al?

04:02:57 Chair Raul Pangalangan:

Well, ako naman, mabalik ako sa sinabi ni Cardinal na mahalaga ang trabaho ng ating Commission dahil hindi malalaman ng bayan kung ano pinagdaanan nito. Katulad nga ng sabi sabi ni Father Danny, na makikiusap ka pa, luluhod ka pa sa iyong amo sa Kuwait. Alam mo, ako nabasa ko na 'yong record.

04:03:35 Nanay Luzviminda Siapo:

Hahalik sa paa.

04:03:37 Chair Raul Pangalangan:

Oo, hahalik sa paa. Sa akin e, nabasa ko na 'yong record. Wala 'yan sa mga official record. Hindi namin malalaman 'yong pinagdaanan mo bilang isang ina, bilang isang OFW, at ang ginagawa mo para sa iyong pamilya. Kaya para sa akin, kailangan natin itong Truth Commission para mapabahagi sa bayan natin ang pinagdadaanan ng mga karamihan ng kababayan natin na nabiktima dito sa drug war. At parte ng aking obligasyon ngayon ay sabihin sa inyo 'yong susunod. Next week po, si Cardinal po ay may video na ipopost kami online dahil no'ng kasagsagan ng drug war, 'yong mga tinatawag na night crawlers ay nagpapadala ng regular na update kay Cardinal kasama ng mga litrato. At napakamahalaga lalo ngayon para malaman ng mga tao 'yong mga nangyayari. Hindi sapat na mabasa lang 'yong mga salita at kailangan din 'yong mga litrato, kailangan 'yong firsthand na mga report kay Cardinal. That's next week, sa susunod pong linggo ay may hearing naman tayo, August 27th, Thursday para makatanggap ng susunod na testigo dito sa aming proceedings. Sana po subaybayan niyo 'yong aming mga posts sa online at saka 'yong mga schedule sa website namin. Pati rin po itong testimony niyo, Luz, kasama na doon sa aming i-upload. I think nakausap ka na rin na may permiso, mayro'n permiso sa iyo na gawin namin. I will now ask Commissioner Al Fuerte to close and then Father Danny, we will ask for the closing prayer also.

04:05:51 Comm. Al Fuertes:

At this point, gusto ko lang sana ipa-extend kung gaano ako ka hangang-hanga kay Cyrus. Cyrus perhaps one of the youngest participants for today's Truth Commission. He stayed there all throughout the session. At saka 'yong isa pang bata dito. Sa mga nanay, of course Nanay, you know maraming salamat sa pagdala niyo sa, bata kabataan para masaksihan na nila kung ano itong Truth Commission. And I would like to believe this will stay in their memory. So ngayong sa araw na 'to, nasaksihan din natin ang makapangyarihan or what I call transformative impact ng storytelling or truth-telling through Nanay Luz, na only those who experience such a phenomenon can tell the truth of the matter. Si Nanay Luz ay nagsindi ng unang kandila. At tayong lahat ay saksi sa liwanag that shines through us. So salamat, Nanay Luz. Ito ang liwanag ng katotohanan, ang katotohanan na idineklara ng mga biktima ng mga nakaligtas at nagdadalamhating pamilya ng extrajudicial killings dahil sa giyera kontra droga ay magpapalaya sa ating lahat. Hindi lamang sa mga pamilya, sa mga nanay, kundi sa buong bansa natin. I remember one quote, ang context nito ay sa Chile. Sabi pa, "a government that does not know how to take care of the dead can never be trusted with a living." Kung ang gobyerno natin hindi marunong, paano nila ite- take care 'yong mga namamatay lalo na siguro sa mga taong buhay pa. Ang pag-asa natin ay ang sinindihang kandila na sinimulang paningasin ni Nanay Luz ay kalaunang kakalat at magbibigay inspirasyon sa mas marami pang ina ng nagdadalamhating pamilya upang lumabas at simulang sabihin ang kanilang katotohanan. Kailangan natin ang katotohanan upang maitama ang mga maling salaysay na patuloy na umiiral sa media at sa isip ng mga tao sa bansa na ito, 'yong naratibo na nanlaban kahit hindi totoo, ito ay dapat nating iwasto. Ikalawa, 'yong mga biktima ng EJK katulad ni Raymart ay una sa lahat, sila ay mga taong may dignidad, lampas sila sa mga bansag. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit napakadaling pumatay sa kapwa. Sa sandaling tanggalan natin ng pagkatao ang iba, ang sandaling simulan nating ituring ang ating kapwa tao bilang mas mababa sa tao, nagbibigay ito sa atin ng pahintulot na gawin ang anumang gusto natin, kahit hanggang sa punto ng pagpatay sa kanila. Ito rin ang kailangan nating paalalahanan sa ating sarili. Kaya ang Truth Commission ay isa sa mga venues kung saan ating kailangan natin na ipairal ang rehumanization. Noong panahon ng EJK, grabe ang dehumanization. Ikaw, ako, tayong lahat ay may responsibilidad na iwasto ang maling salaysay, ang Playbook na ginamit ng nakaraang administrasyon upang samantalahin ang mahihirap, ang mga vulnerable, at yaong mga tinig na pinatahimik ng sistema. Ang Truth Commission ay tungkol sa pag-unawa ng ating bansa sa nakaraan. Sabi nga ni Archbishop Desmond Tutu noong Truth and Reconciliation sa South Africa matapos ang apartheid o rehimen ng puting supremacy at sinipi ko, para sa bansang South Africa upang umuusad, dapat nating malaman ang ating nakaraan. Dapat natin malaman ang ating pinanggalingan. Kung hindi, palaging mumultuhin tayo ng nakaraan. Ang Truth Commission dito sa Pilipinas ay may mandato na ilabas ang katotohanan ng kung ano talaga ang nangyari sa libu-libong biktima ng EJK, isa na rito si Raymart sa giyera kontra droga ng nakaraang administrasyon. Ang mga ina, ang mga dating biktima na ngayo'y mga nakaligtapos ay nasa sentro ng buong prosesong ito. Mga nanay, napakaimportante ang papel na ginagampanan niyo sa success ng Truth Commission. Kaya naman umaasa kami sa inyong lahat. Sa lahat ng mga nakaligtas at pamilyang nagluluksa na sumasaksi sa paglalahad ng katotohanan sa araw na ito. Ibahagi niyo sa amin, through the Truth Commission, ang inyong katotohanan sa pamamagitan ng inyong kwento. Nandito kami para makinig at tumugon. Sana patuloy nating suportahan ang Truth Commission at nawa'y gabayan tayo ng Diyos. Salamat.

04:12:18 Chair Raul Pangalangan:

We will now proceed to the candle lighting, Tessam.

04:12:29 Asst. Dir. Tessam Castillo:

Ang simbolo po ng kandila na sinindihan ni Nanay Luz ay ang pagpapahayag niya ng buong tapang ng kaniyang katotohanan at sa nangyari sa anak niya kay Raymart. At ang pagtanggap naman ni Judge at ng mga Commissioners ng kandila din na nakasindi ay ang pagtanggap ng Truth Commission sa mga katotohanang ilalahad ng ating mga survivors. So okay na? Umpisahan na natin na basahin. Mula sa isang liwanag ng marami sa liwanag na ito. Inaalala natin ang bawat biktima. Pinakikinggan natin ang katotohanan. Itinataguyod natin ang katarungan. Pinangangalagaan natin ang dignidad ng bawat isa. Totoo na hindi na muling mangyayari. Nawa'y magsilbing liwanag ang bawat kandilang ating tangan. Liwanag ng alaala. Katotohanan, Katarungan at pag asa. Nawa'y magsilbi itong paalaala ng ating sama-samang pananagutan na alalahanin ang mga biktima. Pakinggan ang kanilang mga kwento. Itaguyod ang katarungan at tiyaking hindi na muling mangyayari ang ganitong karahasan. Maraming salamat.

04:15:28 Chair Raul Pangalangan:

Ang closing prayer closing, Father Danny?

04:15:33 Comm. Danny Pilario:

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen. Maraming salamat Panginoon. Daghang salamat kang Nanay Luz. Sa iyang kaisug ug sa iyong pagpadayon na mabuhi ang iyang kaugalingon o gang iyong pamilya. Pinakita niya upang sumama ang lahat ng mga biktima at survivors sa katapangang ito. Ipinagdarasal din namin ngayon si Raymart na kaniyang anak. Sana'y makakakita siya ng katahimikan at kapahingahang lubos na ating ipinagdarasal. Maraming salamat, Panginoon sa lahat ng mga nanay at mga kabalong nakikiisa sa amin online at sa diwa. Sana'y ang kanilang presensiya ay mag-uudyok sa iba na sumama at makiisa, magkaroon ng tapang upang magsalita. Panginoon ng Katotohanan, sana ay matapos na ang mga kasinungalingan ng aming lipunan, lalong- lalo na tungkol sa war on drugs. Sila po'y mga tao na may mga dignidad. Hindi sila salot. Hindi sila hayop. Sila'y mga mapagmahal na ama at mga anak. Panginoon, sana'y ang ginagawa namin ngayong ito ay magsilbi upang lumutang ang katotohanan at maging dahilan sa paghilom ng sugat ng aming lipunan. Amen.

Resource Center

Explore additional Commission resources and public information.

View All Resources