Truth Commission

Public Truth Telling Sessions

Second Public Truth-Telling Session: Mariza Hamoy

At the Truth Commissionโ€™s ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—ง๐—ฟ๐˜‚๐˜๐—ต-๐—ง๐—ฒ๐—น๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด, Mariza Hamoy stood before the nation and told the story of her 17-year-old son, ๐——๐—ฎ๐—ฟ๐˜„๐—ถ๐—ป โ€œ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ปโ€ ๐—›๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐˜†, who was killed in Payatas in August 2016.

Truth Telling Session

YouTube
Transcript controls

Search within the selected language.

Transcript

1 language
00:15:55 Asst. Dir. Tessam Castillo:

Magandang umaga po sa ating lahat. Tayo ay mag-uumpisa ng ating programa sa pamamagitan ng isang awit na sinulat ni Gary Granada, Misyon. Ito ay aawitin ng ating mga kaibigan mula sa Teatro Jubilee.

00:18:42 Asst. Dir. Tessam Castillo:

Ngayon po, para sa ating panimulang panalangin, tatawagin po natin si Fr. Albert Alejo, SJ o kilalang Paring Bert, Board Member ng No Peace Without Justice. Pareng Bert?

00:18:57 Fr. Albert Alejo:

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen. Panginoon, sinabi mo Ikaw ang daan, ang Katotohanan at ang buhay. Turuan mo kaming. Hanapin ang tamang daan. Para matagpuan ang katotohanan at nang kami'y makapamuhay nang tapat. Turuan mo kaming hanapin at harapin ang katotohanan. Turuan mo kaming magsalita nang tapat. Turuan mo kaming makinig nang tapat. At tulungan mo kaming mamuhay nang tapat. Panginoon, basbasan mo ang mga magpapahayag ngayon. Matuto silang maging malaya sa pagsasabi ng tapat. Yun pong talagang totoong nangyari. Hayaan silang magsalita ng tapat mula sa kanilang karanasan, at mga pinagdaanan, at kasalukuyang nararamdaman. Hayaan silang magsalita mula sa kanilang mga pagninilay at mga pananaliksik. Buo ang kalooban at may tapang na may hawak na katibayan. Walang daya o pagkukunwari. Kasama ang tibay at tapang ng paninindigan. Panginoon, tulungan mo kaming makinig ng tapat. Yun pong bukas ang isip. Meron na kaming mga nasasaisip, nasasaloob, subalit buksan mo ang aming tainga. Buksan mo ang aming puso. Buksan mo ang aming kaluluwa. Upang kami ay handang umunawa. Isantabi muna ang paghusga at buong paggalang na makinig sa tinig, lalo na ang maliliit at mga impit na tinig ng mga biktima. Pakinggan din namin ang hikbi ng budhi ng mga napilitan na tukso na sulsolan na magkaroon ng dugo sa kanilang mga kamay at ngayon ay nagbabagong buhay. Makinig din nawa kami pati sa mga tahimik na ipinapahayag ng mga bangkay. Pagkatapos nito, turuan mo kaming mamuhay ng tapat. Magsalita ng tapat. Makinig ng tapat. Mamuhay ng tapat. Hayaan mo kami ng mga nakikinig, dito man o sa ibang bahagi ng daigdig ay tablan ng mga salaysay. Nawa po ay maudyukan mo kaming tumugon, kumilos, makisangkot, makipag-ugnayan sa iba. Tumulong sa pagpapalaganap ng katotohanan. Gamitin namin ang siyensya. Ang sining, ang awit, ang tula. ang batas upang maging matatag kami sa paghanap at paghaharap ng katotohanan. Panginoon, tapang mo kami sa pakikibaka. Na ang ngalan ay katotohanan. Amen.

00:23:03 Asst. Dir. Tessam Castillo:

Maraming salamat, Paring Bert. Manatili po tayong nakatayo para sa ating Philippine National Anthem.

00:24:29 Asst. Dir. Tessam Castillo:

Mapayapa at taos pusong pagbati ng pakikiisa. Maligayang pagdating sa hayagang pagsasabi ng katotohanan. Ito po ang pangalawang opisyal na public-truth-telling. Layunin nito na maipakilala sa mga kalahok ang proseso ng pagdinig at matiyak na ito ay nakatuon sa kapakanan ng mga biktima at survivors, at may pag-unawa sa epekto ng trauma. Hinihiling din namin ang inyong tulong sa pagtukoy ng mga survivors, miyembro ng pamilya ng mga biktima o mga saksi na maaaring handa at nais lumahok sa mga susunod na public truth-telling. Mahalaga ang inyong karanasan, kaalaman at gabay sa pagtulong sa amin na makabuo ng prosesong nagbibigay ng katotohanan, dignidad, paghilom, at katarungan. Bago tayo tumungo sa ating programa, nais po naming ipakilala ang lahat ng lalahok dito sa ating gawain ngayong umaga. Unang-una, maraming salamat sa mga ating mga nanay, sa mga EJK families. Ang nagpatala po sila ng mga, mga 24 po ang nagpatala sa inyo ngayong umaga. Maraming salamat sa inyong lahat sa paglahok. Kasama din po natin ang mga CSOs, NGOs, at mga care providers kagaya ng Caritas Diocese of Caloocan, Program Paghilom, ang SOW, Baigani, RISE UP, San Jose ang Tagapagtanggol Parish, ang ating CenterLaw, SIBOL, Philrights, IDEALS, RESBAK, Baigani. Nandito rin po ang A10eo Human Rights Center, UP Political Science, at marami pang mga individuals, individual friends, mga researchers, mga lawyers, and volunteers. At siyempre sa ating mga media friends na nandito ngayong umaga. Nandito rin po ang ating team mula sa Truth Commission na pinangungunahan ng ating mga commissioners. Ang Chairperson ng ating Truth Commission, si Dean Raul Pangalangan. Nandito rin po si Dr. Raquel Fortun, ang isang Commissioner. Kasama din po natin sa livestream ang dalawa pong Commissioners, si Carlos Conde at si Dr. Al Fuertes. Kasama din po natin si Dr. Chris Magno, ang Executive Director ng Truth Commission na nasa online. Marami po sa atin dito na miyembro ng Truth Commission sama-samang sasamahan po kayo ngayong umaga. Nandito rin po si Atty. Bayan ang mamumuno sa pag-facilitate sa ating truth-teller. So magandang umaga sa inyong lahat. So ngayon po, para sa ating panata, sa katotohanan, tumayo ulit tayo para bigkasin natin nang buong puso. Ilagay po natin ang ating kanang kamay sa ating dibdib para bigkasin ang panata sa katotohanan. Iginagalang namin ang dangal ng bawat tao. Sama-sama kaming naninindigan na hanapin at ipahayag ang katotohanan. Panatilihing buhay ang alaala ng mga biktima. Itaguyod ang katarungan at pananagutan. Pangalagaan ang karapatan at dignidad ng bawat isa at tiyaking hindi na muling mangyayari ang ganitong mga paglabag sa karapatang pantao. Ito ang aming pangako. Ito ang aming panata. Sa ngayon po, tatawagin po natin para sa kaniyang opening statement ang chairperson ng Truth Commission, si Judge Raul Pangalangan.

00:28:51 Chair Raul Pangalangan:

Maraming salamat, Tessam. At maraming salamat din po sa inyong lahat na nandito kayo sa aming pangalawang hearing ng Truth Commission. Ang una po naming pagdinig ay ginanap two weeks ago. At mula po no'n, nagkaroon din po kami ng dalawang video, podcast. Isa po 'yong pagkilala sa anibersaryo ng pagpaslang kay Kian. At ang kasama po doon sa video na iyon ay ang kaniyang tiyuhin na si Randy. Ang pangalawa po ay ang podcast ni Cardinal David po kasama 'yong mga nightcrawler, 'yong mga journalist na nagre-report. Ito po ngayong gagawin natin ngayon ay ang second public truth-telling. Nagpapasalamat po ako kay Mariza. Mariza, thank you so much na nandito ka ngayon para mag-share sa amin ng pinagdaanan niyo ng inyong pamilya at ng inyong anak na si Darwin. Ang magpe-presenta po kay Mariza ay si Atty. Bayan Quiรฑones. At itutuloy na po natin ang pagdinig natin ngayong umaga.

00:30:36 Asst. Dir. Tessam Castillo:

Upang magbigay po ng paliwanag kung ano ang truth-telling. Panoorin natin ang isang video clip mula sa ating Executive Director ng Truth Commission, si Professor Chris Magno.

00:30:49 Exec. Dir. Chris Magno:

Magandang umaga po sa ating lahat. Ang public truth-telling ay isang ligtas, magalang, at mapagkalingang proseso upang mapakinggan at maitala ang mga karanasan at katotohanan ng mga taong direktang naapektuhan ng mga paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng drug war. Ang ating mga kalahok at survivors ay hindi lamang simpleng nagkekwento. Sa kanilang pagbabahagi kung paano pinaslang ang kanilang pamilya, sila rin ay naglalahad ng katotohanan, naghahanap ng pagkilala at katarungan, at dumaraan din sa proseso ng paghilom. Mahalagang tandaan na walang iisang paraan ng pagsasabi ng katotohanan. Ang bawat truth-teller ay maaaring pumili ng paraang pinakaligtas, pinaka-komportable, at pinaka-angkop sa kaniya. Maaaring personal at harapang magbahagi ng kwento katulad ng gagawin natin ngayon. Maaari ring magbigay ng pre-recorded na salaysay o magbahagi nang hindi ipinakikilala ang pangalan at inilalantad ang identity kung sa tingin ng public truth-teller ay kinakailangan niya ito sa seguridad at privacy. Maaari ring hilingin ng truth-teller na ibang tao ang bumasa at maglahad ng kaniyang kwento. Maaari itong basahin ng isang makata, artista, manunulat o kaibigan at kamag-anak ng truth-teller. Ang katotohanan ay maaari ring maipahayag sa iba't ibang malikhaing paraan sa pamamagitan ng tula, awit, musika sayaw, dula, larawan, pagpipinta, pagguhit, bidyo o iba pang aniyo ng sining. Ang mahalaga, ang truth-teller ang may kontrol sa paraan kung paano niya nais ibahagi ang kaniyang karanasan at katotohanan. Sa pamamagitan ng mga public truth-telling o hayagang paglalahad ng katotohanan. Tulad ng ginagawa natin ngayon, binibigyan ng Truth Commission ng pagkakataon ang mga survivors at iba pang tagapaglahad ng katotohanan na makinig, makilala, at mapangalagaan ang kanilang dignidad at pagkatao. Layunin ng truth-telling na maging bahagi ng proseso ng paghilom. Paghilom hindi lamang ng mga sugat ng mga survivors katulad ni Nanay Mariza, kundi maging bahagi din ng paghilom ng kanilang mga pamilya. At higit sa lahat ang paghilom ng ating sugatang lipunan. Layunin din nitong gisingin ang konsensya ng mga responsable sa mga paglabag sa karapatang pantao at hamunin ang kaisipang ang karahasan, pagkitil ng buhay, at paglabag sa dignidad at karapatan ng tao ay maaaring maging normal o katanggap-tanggap. Sa pamamagitan ng mga salaysay ng ating mga truth-teller nais din nating makita ang mas malawak na larawan. Ano ang mga kondisyon, patakaran, batas, sistema at institusyonal na pagkukulang na nagbigay-daan upang mangyari ang mga pagpaslang at iba pang paglabag sa karapatang pantao. Mula rito, matutukoy natin ang mga usaping maaaring maging batayan ng policy advocacy, at institutional reform. Susuriin natin kung may mga umiiral na batas, polisiya, sistema at pamamaraan ng pamahalaan na tuwiran man o hindi, ay nagbigay-daan sa mga paglabag na ito. At mula dito, makakapag-panukala tayo ng mga pagbabagong makakatulong upang hindi na ito maulit. So sa dulo, ang truth-telling ay hindi lamang tungkol sa pag-alaala sa nakaraan. Ito ay tungkol sa pagkilala sa katotohanan, paghahanap ng pananagutan, pagsusulong ng katarungan, paghilom at pagbabago ng mga sistemang naging dahilan o nagbigay-daan sa ganitong uri ng karahasan. Sa araw na ito, sa ating ikalawang public truth-telling session, mahalagang tandaan na ang sentro ng prosesong ito ay si Nanay Mariza, ang truth-teller natin sa araw na ito. Tungkulin nating lahat na lumikha ng isang espasyong ligtas, mahinahon, walang paghuhusga, at may paggalang. Habang isinasagawa ang sesyon, hinihiling po namin ang pagsunod sa mga sumusunod na gabay. Una, makinig nang may paggalang. Hayaan nating maibahagi ng truth-teller ang kaniyang kwento sa sarili niyang paraan at sa sarili niyang oras. Pangalawa, ang ilang bahagi ng salaysay ay maaaring tumukoy sa karahasan. Kung may marinig kayong maaaring magpaalala sa inyo ng isang masakit, o traumatic na karanasan, malaya kayong lumabas sandali, magpahinga, o humingi ng suporta kung kinakailangan. Pangatlo, iwasan ang anumang paghusga o reaksiyong maaaring makagambala. Hinihiling naming iwasan ang pagsigaw, palakpakan, panunuya, o iba pang reaksiyong maaaring makaistorbo habang isinasagawa ang salaysay at pagtatanong. Pang-apat, igalang ang emosyon at katahimikan. Maaaring magkaroon ng mga sandali ng pag-iyak, paghinto, o pananahimik. Bahagi ito ng proseso at hindi kailangang madaliin. Panglima, igalang ang mga hangganan ng truth-teller. May karapatan siyang huminto, magpahinga, tumangging sagutin ang isang tanong o humiling ng tulong anumang oras. Pang-anim, mahigpit na igalang ang privacy, seguridad at pagiging kumpidensiyal ng mga impormasyon. Walang impormasyon, larawan, bidyo, recording, o detalye ang dapat gamitin o ipamahagi sa paraang maaaring maglagay sa truth-teller o sa kaniyang pamilya, sa panganib. Pang-pito para sa midya at tagamasid, sundin ang itinakdang media at documentation guidelines. Huwag lumapit o magsagawa ng direktang panayam sa truth-teller o sa kaniyang pamilya, maliban kung may malinaw at kusang-loob na pahintulot. Pang-walo, ang layunin ng pagtatanong ay hindi upang husgahan o Si usigin ang truth-teller. Ang mga tanong ay upang malinawan ang mga pangyayari, maitala ang katotohanan, at higit sa lahat maunawaan ang kaniyang karanasan at ang mas malawak na konteksto nito. Panghuli, panatilihin natin ang dignidad ng bawat taong naririto. Ang truth-telling ay hindi palabas kundi ito ay isang seryoso, makatao, at mapagkalingang proseso ng paggunita. Ito ay isang pagkakataon upang kilalanin ang katotohanan, makahanap ng pananagutan, at maisulong ang katarungan at paghilom. Sa ating pakikinig ngayon, nawa'y tandaan natin na sa likod ng bawat salaysay ay isang buhay, isang pamilya, isang komunidad, at isang kasaysayang nararapat marinig, kilalanin at hindi malimutan. Maraming salamat po. Maaari na nating simulan ang ating public truth-telling session.

00:38:55 Chair Raul Pangalangan:

Thank you very much, Dr. Chris Magno, our Executive Director. Ngayon po sisimulan na natin ng pormal ang ating hearing ngayong umaga. I hope you don't mind. I will sound a bit formal. I hereby call the hearing to order. Sisimulan na po natin ang paglahad ng testimony ni Mariza P. Hamoy, ang ating truth-teller para ngayong araw. I call on Atty. Bayan Quiรฑones to present the witness.

00:39:51 Atty. Bayan Quiรฑones:

Magandang umaga. Magandang umaga sa lahat. Magandang umaga, Mariza. Ako po si Bayan Quiรฑones. Pinakilala po ako bilang abogado pero gusto ko lang linawin na hindi po yun mahalaga para sa araw na ito dahil hindi naman po ito isang korte. Nandidito lang ako upang gabayan si Mariza na ibigay ang kaniyang pahayag, ang kaniyang katotohanan, at ang kaniyang saloobin. So unang-una sa lahat, 'no. Marizam, nagpapasalamat ako na pinagmamasdan kita kanina. Buong puso mong binigkas ang Panata ng Katotohanan. Dahil dito, tiwala ako, tiwala kaming lahat na ang babanggitin mo lang ngayong umagang ito ay pawang katotohanan lamang 'no. So Mariza, umpisahan lang natin. Tatanungin ko sayo, marami ditong nakakakilala sayo at marami ditong may idea kung anong pinagdaanan mo, pero hiling ko lang muna, pakilala mo ang sarili mo at bakit ka nandito ngayon?

00:40:53 Nanay Mariza Hamoy:

Hello po. Magandang umaga po sa ating lahat lalo po sa Fr., Attorney, at saka mga kasamahan kong biktima sa likod po, magandang umaga. Ako po si Mariza Hamoy na ina ni Darwin Hamoy, nakatira po ako sa Payatas, Quezon City.

00:41:12 Atty. Bayan Quiรฑones:

Salamat, Mariza. So tanungin ko lang ulit, bakit ka nandidito ngayong araw?

00:41:18 Nanay Mariza Hamoy:

Nandito po ako bilang magsalita sa pawang katotohanan sa totoong buhay ko na nangyari po sa anak kong biktima.

00:41:26 Atty. Bayan Quiรฑones:

Mayroon bang tao o sinuman na pumilit sayo na magpunta ngayon at magbigay ng pahayag?

00:41:33 Nanay Mariza Hamoy:

Wala po. Ako po mismo po lumapit na isaysay po 'yong nangyari sa anak ko para marinig po sa lahat kung sino ako tsaka sa nabiktima kong anak.

00:41:45 Atty. Bayan Quiรฑones:

Mayroon bang nangako ng anumang pabuya o premyo o kung anumang halaga para magsalita ka ngayong araw?

00:41:53 Nanay Mariza Hamoy:

Wala po. Sarili ko pong opinyon na pumunta po ako dito para isaysay po ang katotohanan.

00:41:59 Atty. Bayan Quiรฑones:

Maraming salamat, Mariza. So umpisahan natin at nabanggit mo ang iyong anak na si Darwin. Bago ang lahat, bago natin puntahan ang masalimuot na pangyayari, gusto ko sanang bigyan ka ng pagkakataon na ipakilala sa lahat kung sino si Darwin bilang isang bata, bilang isang anak, bilang isang kapatid, at bilang isang mag-aaral nung siya'y nabubuhay pa.

00:42:24 Nanay Mariza Hamoy:

'Yong anak ko po si Darwin Hamoy, mabait, masipag, matiyaga, maasikaso po sa bahay. Kasi, bale ang anak ko pong panganay tsaka siya pangalawa, sa tatlong bilang pangatlo saka isang bunso. Siya po katuwang sa akin na maiwan po para mag-alaga sa anak kong bunso kasi ako po ay street sweeper. Maaga pa ako umalis tapos 'yong asawa ko po construction. 'Yong dalawa kong anak na panganay, nag-working student. Kumbaga siya po talaga ang maasahan ko magluto, maglinis, lahat-lahat po. Laki pong tulong sa akin 'yong bata na yun. Tapos nag-aral po siya ng sa Batasan Second Year, home study, Sabado lang. Sa araw ng Lunes saka Friday, naghanapbuhay siya para matulungan kami kasi mahirap para may pambaon siya tsaka pang-project niya. Ang ginawa po niya, makita niya 'yong mga nanay na may galing sa palengke, nagbubuhat, tinutulungan niya, bibigyan siyang barya o ano. Sobrang bait talaga 'yong bata na yun, wala akong masabi. Ang laki lalo na, nag-negosyo ako, naglalako kami ng daing, tuyo lahat. Kasi ang oras ko sa sweeper, dalawang oras lang. Ang sahod ko po sa isang buwan, two hundred. 'Yong asawa ko po construction nagtrabaho sa Eastwood, helper lang po. Hindi, wala kaming sapat na kakayanan na sabay po sila nag-aral. Maliit lang po ang income namin, malaki po ang gastusan. Siya po talaga ang asahan ko mamalengke kasi 'yong bata na yun magaling sa math. Kinontest po siya sa math sa ibang eskwelahan kasi sobrang magaling. Ganun po siya kabait, matulungin, wala po akong masabi sa kaniya. Pasensiya na po kayo. Kasi sa panahon ngayon naghirap ako, naalaala ko siya kasi pag ako ang wala umalis lang po yun. "Mama, dito ka hahanap tayo para may pambiling bigas, pambayad ng tubig." Kasi madiskarte, walang pili sa trabaho, labor kung ano mang bubuhating buhangin, sa lahat ginagawa niya. Ang hinayang ko po sa batang yun kasi ang laking tulong sa akin. Sa buhay pa 'yong nawala siya parang nawala na ang lahat lalo na pag-alaga sa kapatid niya na five years old. Sobrang0-- hindi ko makalimutan 'yong ginagawa niya sa bahay. Lahat ng mga kapitbahay, ganun po siya kabait para sa bilang magulang na mahirap. Yun lang po.

00:45:25 Atty. Bayan Quiรฑones:

So lilinawin ko lang po na nabanggit niyo na siya ay homeschool o Sabado lang nag-aaral. Kasi po tama po ba sa Lunes hanggang Biyernes, tumutulong po siya sa inyo?

00:45:38 Nanay Mariza Hamoy:

Opo.

00:45:39 Atty. Bayan Quiรฑones:

At ang bunso niyang kapatid, ang mas nakababatang kapatid niya nung panahon na iyon ay five years old pa lang?

00:45:44 Nanay Mariza Hamoy:

Yes po.

00:45:45 Atty. Bayan Quiรฑones:

At kayong mag-asawa, pati rin 'yong panganay niyo, wala sa bahay, nagtatrabaho?

00:45:50 Nanay Mariza Hamoy:

Opo, 'yong dalawa kong kambal nag-working student kasi wala kaming sapat na panggastos sa hirap. Kasi 'yong asawa ko labor lang, magkano lang po sahod. Ako, sa isang buwan, two thousand pesos lang. So nagsa-sideline kami ng hanapbuhay. Siya po kasama ko tsaka 'yong bunso. Lalo na masakit 'yong bunso ko, siya talagang magaling mag-alaga. Siya po ang inaasahan ko sa bahay.

00:46:19 Atty. Bayan Quiรฑones:

Sorry po ah. Hindi ko po natanong. Saan po kayo nakatira nung mga panahon na ito bilang pamilya?

00:46:24 Nanay Mariza Hamoy:

Sa Waling-Waling, Payatas A, Quezon City.

00:46:27 Atty. Bayan Quiรฑones:

Sa Payatas A, okay po. So kung mamarapatin niyo, gusto ko sanang puntahan ngayon 'yong araw o gabi ng August 15, 2016, nung araw na iyon. So maari po bang ilahad niyo sa amin ang pangyayari nang gabing iyon?

00:46:47 Nanay Mariza Hamoy:

'YoNG August 14, 2016. Magkasama po kami mag-ama tsaka 'yong anak ko kasi nag-lamay po kami sa kasamahan kong sweeper na 'yong asawa niya namatay na si Fidela Sarmiento. Nag-lamay kami nun, pagdating ng 10:45, nagpaalam siya sakin, "Mama, bababa ako doon sa baba." Kasi bundok po 'yong Sampaguita Station. Ako po ay pumayag kasi baba lang yun eh. Habang naglalamay kami, dumating, narinig pagdating ng 12:45 narinig ko na po 'yong putukan na sobrang dami, talagang diretso talaga ang putok. Sabi ko sa asawa ko, "Saan yun?" Sabi niya, sa baba. Di sabi ko, isip ko nandoon 'yong anak ko sa baba. Sabi ko sa asawa ko uwi na tayo, ala una. Hinatid niya ako sa bahay. Sabi ko hanapin mo 'yong anak natin, si Dandan. Dandan po kasi ang palayaw. Hinanap niya sa baba. Pumunta daw siya doon sa mangyari kung saan 'yong putukan. Nakita po niya doon sa baba 'yong mga damo parang dinaanan ng delubyo. Lumapit po siya doon sa bahay ni Sherwin Pulo na 'yong time na din yun birthday case. Birthday po sa may-ari ng bahay. Narinig po sa asawa ko tumutunog lang pong electric fan. Hindi po siya pumasok sa bahay. Natakot po siya. Umuwi siya ulit sa bahay mga alas-tres na. Tinanong ko siya ulet, "Asan na 'yong anak natin? Nakita mo na ba si Dandan?" Sabi niya wala. Sabi ko balikan mo 'yong anak natin. Nandoon lang yun siguro. Bumalik siya. Pagbalik niya doon sa bahay ni Sherwin Pulo may mga tao ng lumabas. May mga tsismis na doon na isa na pala 'yong anak ko doon nasama si Dandan Harmoy na nangyari 'yong patayan nung gabi na yun. De umuwi na naman siya sakin kasi wala na doon ang mga bangkay eh. Wala na lahat. Tinanong ko siya, "Sabi ko asan na 'yong anak natin? Alas singko na." Hindi siya sumagot. Tinitigan lang niya ako. Sabi ko, "Asan na nga? Sabi niya, "Wala relax ka lang baka nandoon lang 'yong natulog sa mga kaibigan." Hintay ako hanggang dumating ng alas siyete umakyat ako sa taas kasi second floor po 'yong bahay namin. Umakyat 'yong kumpare ko, Ate Tata kasi ang tawag sa akin. "Ate Tata, Ate Tata." Bakit? Umiiyak na po siya. Sabi ko, "Ba't ka umiyak?" Naisip ko kaagad 'yong anak ko. "Anong nangyari ni Dandan Hamoy." "Te, pasensya ka na. Nadamay si Dandan sa gabi na 'yong patayan." Pagsabi ng ganun, nag-hysterical na ko. Mabilis akong nagbihis, pumunta ako ng barangay. Tinanong ko kaagad, "Asan 'yong picture na nangyari kagabing patayan?" Nakita ko 'yong anak ko, kulay blue ang t-shirt. May tama na dito. Camouflage po ang pants. Umuwi ako sa bahay kaya 'yong suot ko pangbahay lang. Nagbihis ako. Pumunta ako ng hospital, East Avenue. Wala doon. Pumunta ako ng ospital sa Muรฑoz sa Quezon. Nagtanong ako sa security, "Mayroon bang dinala dito na binaril na pasyente?" Sabi po ng security guard, "Mayroon dito, hindi namin tinanggap kasi zero-zero na."

00:50:18 Atty. Bayan Quiรฑones:

Okay, Ma'am, bago po natin ituloy ang inyong salaysay doon sa kung anong ginawa niyo pagkatapos niyong malaman? Nabanggit niyo po na, una, hindi binanggit ng asawa niyo sa inyo kahit alam na niya 'yong nangyari dahil siguro pinoprotektahan niya kayo. Pero nalaman niyo rin dahil sinabi ng kumpare niyo.

00:50:36 Nanay Mariza Hamoy:

Opo, kasi hindi niya sinabi sa akin, baka ma-trigger ako kaagad kung ano yan. Hindi niya kaya pong sabihin na 'yong nangyari pagbalik ng alas-singko, alam na pala niya na nabiktima 'yong anak namin.

00:50:51 Atty. Bayan Quiรฑones:

So nung nalaman niyo po na nabiktima na si Dandan, nakasama po siya doon sa naging insidente nung nakaraang gabi. Nag-imbestiga, nagtanong-tanong po kayo kung anong nangyari sa kaniya, ano po ang napagtanto niyo?

00:51:04 Nanay Mariza Hamoy:

Pagkatapos kong nagpunta ng barangay, umuwi ako di ba? Bumaba ako doon sa area kung saan nakaritra 'yong Pulo. Magkakapitbahay po tong sweeper ko na si Marlyn. Umiyak siya kaagad, "Ma'am Hamoy, nakasama po 'yong anak mo si Dandan sa gabi na yun." Narinig ko po 'yong ano. Ano po nangyari? Eto pala nangyari ni Dandan Hamoy. Inutusan ni Bling Burdeos na 'yong kapitbahay namin bumili ng sigarilyo. Pagkatapos niyang bumiling sigarilyo, inabot niya kay Bling Burdeos. Hindi man sukat akalain dumating tong mga pulis, Walang katanong-tanong, niratrat diretso ang mga tao sa loob tsaka siya. Ngayon unang putok pagratrat niya, natamaan na pala 'yong anak ko si Darwin sa paa. Nagalit 'yong anak ko. Pini-I niya ngayon pulis na, "Wala kaming kalaban-laban pinag-baril mo 'yong mga tao diyan sa loob o ako kasama." Ang sabi ng pulis, "tuluyan natin 'to para malinis." Pinasok daw sa loob, doon siya tinuluyan sa loob, yan po ang sabi. Kasi 'yong babae na sweeper na sinasabi ko na doon ako nagtanong, magkadikit lang po 'yong dingding nila. Tiningnan ko po 'yong bahay nila kung kunwari nanglaban sila, dapat may tamang bala, as in wala. Doon lang mismo sa bahay sa birthday case, kay Sherwin Pulo, nandoon ang lahat 'yong mga tama.

00:52:38 Atty. Bayan Quiรฑones:

So bago po kayo pumunta doon sa ospital na binabanggit niyo, 'yong una niyong hinanapan ng katawan ni Dandan, may iba pa po ba kayong pinuntahan?

00:52:49 Nanay Mariza Hamoy:

Pagkatapos ko doon sa ospital?

00:52:50 Atty. Bayan Quiรฑones:

Pagkatapos po doon sa bahay ng kung saan nangyari, bago kayo pumunta sa ospital, may iba pa po?

00:52:56 Nanay Mariza Hamoy:

Wala na po, doon na po. Hinanap ko na po 'yong anak ko. Di wala lahat doon.

00:53:02 Atty. Bayan Quiรฑones:

Bilang paglilinaw lang po, kinuwento niyo na ang binalita sa inyo ay niratrat 'yong mga tao doon sa loob ng bahay na yun ano? So ito po ba ay tumutugma doon sa nabanggit niyo nung nasa lamay kayo may nadinig kayong putukan?

00:53:19 Nanay Mariza Hamoy:

Opo.

00:53:19 Atty. Bayan Quiรฑones:

So yun 'yong nadinig mo.

00:53:21 Nanay Mariza Hamoy:

Opo.

00:53:22 Atty. Bayan Quiรฑones:

So ngayon, nakuha mo na ang balita mula sa mga kaibigan at kapitbahay mo kung anong nangyari sa anak mo. Ang sunod mong ginawa ay subukan siyang hanapin, tama?

00:53:34 Nanay Mariza Hamoy:

Opo.

00:53:34 Atty. Bayan Quiรฑones:

At ang una mong pinuntahan ay ospital. Anong ospital ito?

00:53:37 Nanay Mariza Hamoy:

East Avenue po.

00:53:38 Atty. Bayan Quiรฑones:

At anong nangyari sa East Avenue, at anong ginawa mo pagkatapos sa East Avenue?

00:53:45 Nanay Mariza Hamoy:

Pumunta na po ulit ako sa ospital sa Muรฑoz, doon ko na po nakuha lahat 'yong ano. Tapos sa isip ko, pagkatapos doon sa Muรฑoz, umuwi ako. Nakita ko po 'yong punerarya na Tahuna, bumaba ako sa Batasan. Doon po ako nagtanong. Sabi ko, "May Darwin Hamoy ba diyan?" Wala, si Sherwin Pulo lang nandoon. Umuwi na ako, yun lang po nakilala ko. Sabi ko, saan ko ba hanapin 'yong anak ko?

00:54:14 Atty. Bayan Quiรฑones:

So bilang paglilinaw lang po, nagpunta kayo sa East Avenue, wala pong nandodoon, wala po kayo nakita?

00:54:20 Nanay Mariza Hamoy:

Wala po.

00:54:20 Atty. Bayan Quiรฑones:

Nagpunta kayo sa ospital malapit sa Muรฑoz, ito'y Quezon City Hospital po ito 'no? Wala rin po si Dandan doon. Ipinagtanong niyo, wala silang nabalitaan.

00:54:31 Nanay Mariza Hamoy:

Wala po sila, pero may sinabi ang security may dinala, hindi nila tinanggap kasi zero-zero na

00:54:36 Atty. Bayan Quiรฑones:

Zero-zero, ano ang ibig sabihin, ano pong intindi niyo sa salitang zero-zero na?

00:54:41 Nanay Mariza Hamoy:

Patay na po.

00:54:41 Atty. Bayan Quiรฑones:

So hindi nila tinanggap?

00:54:42 Nanay Mariza Hamoy:

Opo.

00:54:43 Atty. Bayan Quiรฑones:

Kaya nung pauwi ka, may nadaanan kang punerarya, nagtanong ka rin doon?

00:54:48 Nanay Mariza Hamoy:

Opo.

00:54:48 Atty. Bayan Quiรฑones:

At ang naging resulta ay as in nandon 'yong isang kasama ni Dandan pero wala siya doon.

00:54:54 Nanay Mariza Hamoy:

Wala sila doon, isa lang po.

00:54:54 Atty. Bayan Quiรฑones:

So anong, ilang araw na ang nakalipas nitong nagtanong ka? Mula nung 'yong insidente, parehong araw ba ito?

00:55:04 Nanay Mariza Hamoy:

Parehong araw po.

00:55:05 Atty. Bayan Quiรฑones:

Oo. So pagkatapos nitong unang araw na wala kang nakuhang impormasyon kung nasaan si Dandan, anong ginawa mo?

00:55:15 Nanay Mariza Hamoy:

Umuwi po ako sa bahay. Nag-isip ako kasi sa isip ko kung sige akong lakad na wala akong puntahan lalo lang ako maano. Dalawang araw, iniisip ko pa 'yong tatlong, pagka-tatlong araw pumunta na po ako sa Station 6, kumuha po ako ng spot report. Ayaw nila akong bigyan kasi ang sabi nila tapos na. Nagsalita sila ng Bisaya is Bisaya naman din ako. Sabi ko, pag hindi niyo ako bigyan. Teka lang, lumabas ako kunwari may kausap ako sa cellphone. Sabi ko, tatawag ako ng media. Ayaw niyo ako bigyan eh. Tawagan ko 'yong media kong kilala. Sabay tinawagan ako, balik. Teka lang. Nag-Bisaya ulit. Bigyan na niyo yan kasi parang matapang yan, ganito. Pagkatapos ng sabi ko, ba't di niyo ako bigyan ng spot report? Ako po ang nanay, may karapatan ako manghingi. Kung sino po 'yon, kung ano pong nangyari. 'Yong nabasa ko sa spot report, wala po pangalan ng anak ko doon.

00:56:08 Atty. Bayan Quiรฑones:

So ito pong spot report na to pinapakita sa screen ngayon. Sabi niyo po na walang pangalan 'yong anak niyo doon. Paano niyo po nalaman na siya yun?

00:56:17 Nanay Mariza Hamoy:

Kasi dinescribe po nila 'yong ano 'yong damit at saka sinuot niya. Nakita ko na po sa barangay 'yong picture ng anak ko.

00:56:26 Atty. Bayan Quiรฑones:

Para lang paglilinaw at para maintindihan ng lahat. Nakalagay po dito "unidentified male person about 20 to 25 years old, five feet, four inches inside. Slim built, fair complexion, clad in blue shirt and camouflage short pants. So batay po sa damit na ito po 'yong nabanggit niyo kanina, naka-blue siya at naka-camouflage, napagtanto niyo po na si Dandan yan kahit na mali 'yong tantiya nila sa edad?

00:56:52 Nanay Mariza Hamoy:

Mali sa tantiya nila sa edad, yun po ang kulay, yun din na nakita ko sa picture na napatay na po siya.

00:56:57 Atty. Bayan Quiรฑones:

At para po sa ikaaalam ng lahat, ano po daw ang sinabing insidente na tinukoy sa spot report?

00:57:03 Nanay Mariza Hamoy:

Buybust po.

00:57:05 Atty. Bayan Quiรฑones:

Buybust, yun po ang sinabi. Nagkaroon ba ng pagkakataon na naging involved ang anak mo sa mga buybust o droga?

00:57:13 Nanay Mariza Hamoy:

Wala po.

00:57:15 Atty. Bayan Quiรฑones:

Okay. So, sa pangatlong araw, nakuha mo itong spot report?

00:57:21 Nanay Mariza Hamoy:

Yes po.

00:57:21 Atty. Bayan Quiรฑones:

Okay. So, pero hindi mo pa rin nahahanap si Dandan?

00:57:24 Nanay Mariza Hamoy:

Hindi pa po.

00:57:24 Atty. Bayan Quiรฑones:

Oo. So wala ka pa ring nakuhang impormasyon. Anong ginawa mo pagkatapos na tong araw na ito?

00:57:29 Nanay Mariza Hamoy:

Pagkauwi kong tatlo, nagpahinga ako. Kasi sabi ng mga anak ko, magpahinga ka muna kasi haggard na haggard ka, wala kang kain. Pero 'yong tubig lang ko, isip ko lang. Sabi ko kailangan ko makita 'yong kapatid niyo. Apat si pahinga ko, lima, pang-anim, naisip ko, sabi ko kinausap ko ang anak ko. Sabi ko, "Dan kung saan ka man, bigyan mo ako ng sign saan kita hanapin." Naisip ko 'yong kasamahan kong lupon sa barangay na may-ari din ng punerarya, si Rizaldy. Sabi ko, "Lupon, tulungan mo naman ako hanapin 'yong anak ko. Ito po ang pangalan." Limang araw yun binigay ko sa kaniya. Anim, pito, pangwalo, sabi niya sakin "Hamon, may isend akong picture diyan na dalawa." Doon ko na po makita na 'yong kapitbahay ko, si Bling Burdeos saka 'yong anak ko. Sabi ko, "Ito na po 'yong anak ko." Pumunta po kami kaagad sa Kamuning, sa Lights punerarya.

00:58:22 Atty. Bayan Quiรฑones:

So sa Lights punerarya sa Kamuning kayo pumunta dahil sa tulong nitong kaibigan mo na lupon. Sabi niya ay ito may pinakita siyang litrato at nakita mong siya na nga yon. So pagdating mo po sa Lights punerarya sa Kamuning, pang-ilang araw na to mula nung nangyari?

00:58:38 Nanay Mariza Hamoy:

Walo.

00:58:38 Atty. Bayan Quiรฑones:

Walo?

00:58:39 Nanay Mariza Hamoy:

Isang linggo nga mahigit.

00:58:40 Atty. Bayan Quiรฑones:

Mahigit isang linggo na hindi mo nakita ang anak mo na nabalitaan mong nawala na at nasama sa insidenteng ito. Pagdating mo sa Lights punerarya sa Kamuning, anong nangyari?

00:58:50 Nanay Mariza Hamoy:

Pagdating doon sa Lights punerarya, tinanong ko kaagad, "Nandito ba si Darwin Hamoy." Wala. Wala silang masabi kasi hindi naman kilala. Pinakita sakin 'yong picture, 'yong pa ring picture na kulay blue. Sabi ko, "Anak ko po yun. Asan siya? Gusto kong makita." Sabi nila, "Ma'am, pasensiya na hindi mo makita." Kasi napasok na pala siya sa freezer. Tapos tinawag na ko doon sa secretary. Binasahan na nila ako sa kontrata-- 50k. Ngayon sabi, "Ma'am 50k kailangan kang mag-down ng 15k." Kasi may charge na pala 'yong anak ko, isang linggo na pong nakaburol para sa kanila. Sabi ko wala akong pera. Sabi ko pwede ko magdown dyan, two thousand, promissory note lang ako. Hindi sila pumayag, maghapon na ako naghintay, nakatulog na ko't lahat-lahat. Wala akong kain. Pagdating ng alas singko, bumalik ako. Hindi pa talaga kayo pumayag ng 2k? Wala talaga akong pera. Mahirap lang ako. Hindi, Ma'am kasi ganito. O eto na lang, ayaw niyo pumayag? Kayo na lang magpalibing niyan, uwi na ako. Umuwi ako, hinabol nila ako. "Ma'am, Ma'am, pwede na po kayo mag-down para makuha 'yong anak niyo." Sabi ko, sa isip-isip ko, ganito lang pala dito. Nabawaasan na. Hiningian na naman ako ng pang-damit kasi wala ngang damit yun. Di lumabas na naman ako, kunwari ako tumawag. Pero ang dala kong pera doon is 5k. Sabi ko po sa kanila, "O ito may nag-Gcash. Two thousand plus yata 'yong damit na yun kasi puro bago po yun. Barong ang binili ko kasi sabi ng 'yong kasama ko, 'yong si Bling kasama ko 'yong pamilya, mga may dala na silang damit. Ako wala. Sabi ko, hindi ko pasuotin 'yong anak kong luma. Ay last chance ko nang mabilihan siya ng damit. Pagkabukas natapos na yun. Pagkabukas hinatid na samin ng anak ko. Pinabuksan ko po 'yong anak ko, doon ko nakita 'yong-- grabe.

01:00:47 Atty. Bayan Quiรฑones:

Pinabuksan niyo po kahit na nasa ataul na siya? At ano po ang inyong nakita?

01:00:52 Nanay Mariza Hamoy:

'Yong may ano siya dito mga nakatali na puti yun nilagay nila o sa punerarya ba 'yon galing. Kasi iba kasi ang gumawa saka nag-deliver. 'Yong sabi ko, chineck ko 'yong binili ko na bago. Okay naman lahat. Sabi ko, sige ibalik na niyo. Ulan nang ulan, edi nilamay na namin kalsada. Sabay kami doon sa kay Bling kasi isang lugar lang kami.

01:01:19 Atty. Bayan Quiรฑones:

So nilamay niyo po doon sa may bahay po niyo?

01:01:22 Nanay Mariza Hamoy:

Opo.

01:01:23 Atty. Bayan Quiรฑones:

Gaano katagal po kayo nag-lamay?

01:01:26 Nanay Mariza Hamoy:

Isang linggo mahigit na naman.

01:01:28 Atty. Bayan Quiรฑones:

So, walong araw po bago niyo nahanap at isang linggo mahigit kayo nag lamay. Bakit po umabot ng isang linggo?

01:01:34 Nanay Mariza Hamoy:

Kasi 'yong balance ko doon na forty thousand hindi ko po alam kung saan ako kukuha. Ang ginawa ko naman nung dumating siyang pakibuksan, pumunta ko sa barangay kumuha ako ng permit tsaka nanghiram ng upuan ng 10. Nilatag ko sa kalsada, gusto ko po nag-palaro para 'yong Tong, para makatulong. Eh paano po? Wala naman po naglalamay natakot sila.

01:01:57 Atty. Bayan Quiรฑones:

Ibig sabihin po wala pong naglalamay?

01:01:59 Nanay Mariza Hamoy:

Wala. Kami-kami lang po mag-anak.

01:02:01 Atty. Bayan Quiรฑones:

Bakit po sila hindi naglalamay? Bakit, ano pong ibig sabihin niyo pag sinabi niyong natatakot sila?

01:02:07 Nanay Mariza Hamoy:

Pagkarinig ko sa mga balita-balita, ayaw nilang madamay kasi may nakikita sila na may dumadaan pa rin na mga sasakyan na hindi daw nila kilala. Kaso daanan naman talaga 'yong kalsada namin kasi dalawa nga ang binurol. Dito ako nag-burol, doon 'yong kabila. Yun sa isang kalsada, dalawa po ang binurol namin sa time na yun.

01:02:30 Atty. Bayan Quiรฑones:

So samakatuwid po umabot ang mahigit dalawang linggo bago po niyo naipalibing ang inyong anak, tama po ba?

01:02:36 Nanay Mariza Hamoy:

Opo.

01:02:36 Atty. Bayan Quiรฑones:

Saan niyo po siya pinalibing?

01:02:38 Nanay Mariza Hamoy:

Sa Bagbag po?

01:02:40 Atty. Bayan Quiรฑones:

Bagbag, okay. Matapos pong malibing si Dandan, ano pong inyong mga naging aksyon? Ano pong inyong ginawa?

01:02:49 Nanay Mariza Hamoy:

Nagpahinga lang po ako ng kumbaga isang araw lang. Pumunta po kami complainant 'yong asawa ni Sherwin Pulo saka tita ni Bling Burdeos, pumunta kami ng cityhall. Kasi nagtanong po kami kung saan po kami banda mag-file ng case para doon. Tinuro po kami sa Human Rights o CHR. Pagdating doon, tinanggap naman kami, pinasumpang salaysay kami. Tinanggap kami doon nila Jun Langanbanda. Nagsulat kami, nagsalaysay. Ngayon, doon pala yun i-file sa IAS. Hindi ko naman sukat akalain sa CHR saka po Human Rights nagpasa din pala siya sa Ombudsman.

01:03:30 Atty. Bayan Quiรฑones:

Okay, so linawin lang po natin. Nagsampa po kayo ng kaso o nagbigay po kayo ng salaysay sa Commission on Human Rights at naglagak din po kayo ng reklamo sa IAS o Internal Affairs Service ng Philippine National Police. O unahin po natin 'yong sa Commission on Human Rights, ano pong nangyari pagkatapos doon sa Commission on Human Rights, nagbigay kayo ng salaysay?

01:03:54 Nanay Mariza Hamoy:

Pagbigay namin ng salaysay, sabi nila maghintay lang daw kami. Naghintay kami ng isang buwan. Bumalik kami. Ang sabi nila nandoon na sa Ombudsman. Papel lang siya na-transfer, so wala na kami.

01:04:08 Atty. Bayan Quiรฑones:

So ang ibig sabihin po 'yong kasong inumpisahan niyo sa Commission on Human Rights, yun po ay naisampa sa Ombudsman?

01:04:15 Nanay Mariza Hamoy:

Opo.

01:04:15 Atty. Bayan Quiรฑones:

So ito pong kaso sa Ombudsman, ano pong naging pasya dito kung naaalala niyo ang naging desisyon dito?

01:04:21 Nanay Mariza Hamoy:

Pagdating doon na pagpunta namin ng isang buwan, dumating ng dalawang buwan, nagulat po ako na pinadalhan na po ako ng dismiss.

01:04:29 Atty. Bayan Quiรฑones:

Ng dismissal po? Ibig sabihin po 'yong kasong sinampa niyo at ito pong pinapakita dito, desisyon ng Office of the Ombudsman, na-dismiss po ito, denied. Ang nakalagay po dito, ang Motion for Reconsideration filed by Complainant Mariza Hamoy is denied. Accordingly see the resolution dated July 12 stands. Ang tanong ko po dito, bakit sabi niyo po kanina tatlo po kayong nagreklamo. Bakit po dito si Mariza Hamoy na lang ang nag-file ng motion?

01:04:58 Nanay Mariza Hamoy:

'Yong nalaman ko na-dismiss pumunta po ako ay-- tinawagan ko po si George Sarmienta. Sinend ko po 'yong papel kasi wala po akong pinag-aralan eh. Sabi niya na-dismiss. Sabi ko na-dismiss 'yong papel ko? Ganun, pinabasa. Pumunta kami sa Ombudsman, yun na po 'yong time na nag-apila ako.

01:05:17 Atty. Bayan Quiรฑones:

So nabanggit mo rin 'yong kaso sa Internal Affairs service. Ano naman nangyari doon sa kasong iyon?

01:05:23 Nanay Mariza Hamoy:

Saan po?

01:05:23 Atty. Bayan Quiรฑones:

Sa IAS po, IAS.

01:05:25 Nanay Mariza Hamoy:

Natapos na yun, nagpadala ng hearing, ay subpoena. Umattend ako, doon ko na po na hindi ko sukat akalain na 'yong dating kong kakampi naging kalaban ko.

01:05:38 Atty. Bayan Quiรฑones:

Sinong kakampi po ang tinutukoy niyo?

01:05:40 Nanay Mariza Hamoy:

Si Katrina Pulo saka si Marlyn Burdeos.

01:05:43 Atty. Bayan Quiรฑones:

Ito po 'yong magulang at asawa po nung--.

01:05:48 Nanay Mariza Hamoy:

Asawa tsaka tita po.

01:05:50 Atty. Bayan Quiรฑones:

Asawa saka tita nung dalawa pang biktima nung gabing ng insidente na kasama ang anak niyo. So sabay-sabay kayong nagsampa ng reklamo. At nung dumating po 'yong araw na maghe-hearing, nandoon din sila, tama po ba?

01:06:04 Nanay Mariza Hamoy:

Opo.

01:06:04 Atty. Bayan Quiรฑones:

Ano ang nangyari doon sa hearing na nabanggit niyo o anong naging obserbasyon niyo nung hearing na yun?

01:06:09 Nanay Mariza Hamoy:

Pag hearing ng ganito, sabi pasok namin, sabi ng attorney ko kasi yun eh sa CHR po galing yun. Akala ko naman sa akin sila tabi uupo kasi magkasama kami. Kasi ako may trabaho, sila hindi busy sa bahay lang sila eh. Nagulat na po ako na 'yong kakampi ko nandoon na sa mga pulis umupo.

01:06:33 Atty. Bayan Quiรฑones:

Ibig mong sabihin, tumabi po sila sa?

01:06:36 Nanay Mariza Hamoy:

Hindi, kumbaga 'yong kakampi kong-- kalaban kong pulis doon nakaupo, ako dito. Imbis dito sakin pupunta, doon sila pumunta.

01:06:44 Atty. Bayan Quiรฑones:

So ang sinasabi niyo po, humiwalay sila ng pwesto sa inyo at inaasahan niyo dahil magkakakampi kayo, kayong tatlo ang nagsampa ng reklamo na magkatabi kayo?

01:06:52 Nanay Mariza Hamoy:

Oo magkasama kami.

01:06:53 Atty. Bayan Quiรฑones:

Oo, so ano pong naiisip niya nung mga panahon na to?

01:06:57 Nanay Mariza Hamoy:

Umiyak ako. Sabi ng abogado ko, wag kang mag-hysterical kasi baka masira 'yong case mo. Tiningnan ko sila. Sabi ko, "Tayo magkasama, hindi pa nga tayo nakakalahati bumigay na kayo. Samantalang sa umpisa ang tapang niyo. Ilaban ko kasi asawa ko." Ganito, ganito kasi siya talagang dapat nandito kasi siya po ang nandoon sa pangyayari po. Siya ang nakaalam lahat tsaka 'yong isang survivor na si Harold Arevalo, dapat sila. Ako, 'yong nakuha kong salita na to doon sa sweeper ko na ayaw din mag-witness. Hindi ko rin mapilit. Sabi ko, sige na, bigyan mo na lang ako kung anong narinig mo. Yun ang dinadala ko. Dapat sila, kaso lang nadala po sila doon, na-engganiyo sila. Sabi ko, sige ituloy natin. Sabi ko, sige ituloy na lang hearing, umiyak po ako. Habang nagsimula na sa judge, nag-hearing na. Hindi ko na kasi masyado natandaan kasi ang tagal na yun papuntang pandemic. Binasa isa-isa po 'yong pulis. Hawak-hawak ko 'yong spot report, tinitingnan ko. Pagtayo, tiningnan ko, Tracy 'yong unang attend. Ah sila pala. 'Yun nagsalita, nag-umpisa na kung ano ba sa tanda ko lang. Pag sinabi, "O complainant, magsalita ka." Inaano ko, nagsalita ako, "Mawalang galang po sa inyong lahat. Hindi ko po kilala kung sinong pumatay sa anak ko. Pero sinundan ko po lang 'yong spot report niyo na kayo nandoon. Pero alam niyo sa sarili kung sinong pumatay. Masakit po lagyan ng shabu tsaka baril. Pagkatapos po niyong pinatay, nilagay niyo sa sako. Sinako-sako niyo 'yong anak ko. Mag-baliktad tayo ngayon, 'yong anak niyo patayin ko, lagyan ko ng baril, shabu, isako ko ano pong naramdaman niyo? Ayun po ang naramdaman ko ngayon."

01:08:53 Atty. Bayan Quiรฑones:

Ano pong kinahantungan ng kasong ito na sinampa niyo sa IAS?

01:08:57 Nanay Mariza Hamoy:

Ito na hinantungan naman sa kaso, naka-hearing kaming dalawa. Sa pangalawang hearing, nandoon pa rin 'yong kalaban kung 'di 16 na sila, kumpleto na. 'Yang pang-17, si Pata hindi naman dumating 'yan. 'Di wala, hearing pa rin, ganun pa rin. Parang ni reso-reso pa rin 'yong papel ko. Sige, ikot-ikot, 'di ko alam. Umuwi na po ako. Dumating 'yong pandemic na talaga. Pumunta ako sa opisina. Tinanong ko po 'yong secretary doon o sino, "Kumusta na po 'yong kaso namin?" Ang sagot sa akin, nilipat ng ibang departamento. Hindi ko po alam kung saan departamento nilipat. Tinawagan ko si George Sarmiento, "Saan po nalipat 'yong case natin?" Sabi niya, papel sa papel lang. Hanggang sinabi niya sa akin doon sa Office of the Presidente.

01:09:45 Atty. Bayan Quiรฑones:

So umabot po 'yong kaso sa Office of the President galing sa IAS. Ano pong naging resolusyon o desisyon sa Office of the President?

01:09:54 Nanay Mariza Hamoy:

Nalaman ko din, ganun pa rin, dismiss.

01:09:56 Atty. Bayan Quiรฑones:

Dismiss po. So para lang po malinaw, batay po sa mga nabanggit niyo ngayon, 'yong dalawang complainant ay hindi na naging complainant, tama po ba?

01:10:08 Nanay Mariza Hamoy:

Po?

01:10:08 Atty. Bayan Quiรฑones:

Hindi na po naging complainant 'yong dalawa ng complainant?

01:10:10 Nanay Mariza Hamoy:

Hindi na po.

01:10:10 Atty. Bayan Quiรฑones:

Umatras po sila. Yun po ba ang ibig niyang sabihin?

01:10:14 Nanay Mariza Hamoy:

Nagpa-areglo po sila doon sa mga pulis.

01:10:15 Atty. Bayan Quiรฑones:

Nagpa-areglo sila sa mga pulis. At nabanggit niyo rin po na wala kayong mga interesado o nakuhang testigo?

01:10:21 Nanay Mariza Hamoy:

Wala po.

01:10:22 Atty. Bayan Quiรฑones:

Na para kahit na alam niyo na may mga nakakita at nakarinig doon sa pangyayari?

01:10:27 Nanay Mariza Hamoy:

Isa lang po ang gusto ko sanang niligawan na magsalita, siya si Harold Arevalo. Pinuntahan ko po siya sa Batasan kasi driver siya ng tricycle. Iniyakan ko po, nagdasal nang todo ako na siya po magsabi ng pawang katotohanan Kasi ang kaso ng mga anak ko-- nanglaban. Lima 'yan sila eh. Pero ang kaso ni Harold Arevalo, direct assault. Pwede ba 'yong piliin sa isa sa lima na magkasama sa mga oras na yun?

01:10:56 Atty. Bayan Quiรฑones:

Ibig sabihin po itong si Harold Arevalo, kasama po doon sa insidente?

01:11:00 Nanay Mariza Hamoy:

Yes po.

01:11:00 Atty. Bayan Quiรฑones:

Tapos kinasuhan siya ng direct assault, ibig sabihin sinaktan daw niya ang mga pulis tama ba?

01:11:04 Nanay Mariza Hamoy:

Nakausap ko siya nung una tinanong ko, hindi kasi pwede mong pilitin kung anong sagot. Hindi sya nagsalita sa amin. Pangalawa kong puntahan, di na ako makalapit kasi may mga security na siyang pulis. Pangatlo kong punta sa East Avenue, wala na siya. Di ang ginawa ko, pumunta ko sa city hall nag-kunwari ako na kamag-anak ni Harold. Humingi ako ng anong file ng case niya, doon ko nalaman na direct assault po. May kopya po ako, nawala lang kasi palipat-lipat.

01:11:37 Atty. Bayan Quiรฑones:

Pero naaalala mo ba kung ano nangyari sa kasong sinampa kay Harold? Nananalo ba ito? Nadismiss ba ito? O nalaman mo pa ba kung ano ang naging resulta ng kasong yun?

01:11:48 Nanay Mariza Hamoy:

Hindi ko na napansin na po 'yong kaso niya basta alam ko nagda-drive na siya sa Batasan.

01:11:55 Atty. Bayan Quiรฑones:

Nagda-drive na siya ulit at nakalabas na siya?

01:11:56 Nanay Mariza Hamoy:

Nakalabas na siya. Pinuntahan ko pa rin siya ulit kasi sinama ko 'yong ano, ayaw po talaga niya mag-ano.

01:12:04 Atty. Bayan Quiรฑones:

So, pero sige, bukod doon sa kasong 'yong sinampa kay Harold. Doon sa mga kasong sinampa mo, sa CHR na napunta sa Ombudsman, at sa IAS na napunta sa Office of the President, hindi ka nagkaroon ng mga testigo na tumulong sayo?

01:12:16 Nanay Mariza Hamoy:

Ayaw po talaga nila. Takot po sila.

01:12:19 Atty. Bayan Quiรฑones:

Takot sila. Bakit sila takot?

01:12:20 Nanay Mariza Hamoy:

Ayaw nila pong madamay, may mga pamilya pa sila baka daw balikan. Hindi daw katulad sa akin. Sabi ko, anak ko kasi ang pinaglaban ko.

01:12:31 Atty. Bayan Quiรฑones:

Para lang maintindihan ng lahat, mga gaano katagal tumakbo tong mga kasong to bago sila nadismiss? Ilang taon po?

01:12:39 Nanay Mariza Hamoy:

Bago na-dismiss? Mga isang taon.

01:12:43 Atty. Bayan Quiรฑones:

Isang taon, parehong kaso. Mayroon bang mga desisyon na dumating pa noong pandemic na? Mga isang taon lang so 2017 tapos na. Tapos na. 'yong mga kasong to?

01:12:54 Nanay Mariza Hamoy:

Ay hindi pa po.

01:12:55 Atty. Bayan Quiรฑones:

Oo. Kailan po?

01:12:57 Nanay Mariza Hamoy:

Nalaman ko po 'yong kaso na sa Ombudsman na-dismiss pagdating ng IAS, last ko pong attend 2021, 2022. 'Yong pandemic, kasagsagan ng pandemic na kasi hindi naman kami pwedeng face-to-face nun kasi bawal na. Yun na yun 'yong time na yun, wala na.

01:13:15 Atty. Bayan Quiรฑones:

Okay, 'yong sa Ombudsman. E yun= naman pong sa Office of the President, kailan niyo po nalaman na?

01:13:18 Nanay Mariza Hamoy:

Ngayon ko lang po nalaman.

01:13:20 Atty. Bayan Quiรฑones:

Kailan ngayo?

01:13:22 Nanay Mariza Hamoy:

Itong taon na 'to.

01:13:22 Atty. Bayan Quiรฑones:

Itong taon na to.

01:13:23 Nanay Mariza Hamoy:

So pagkaalam ko IAS lang.

01:13:25 Atty. Bayan Quiรฑones:

Mula po nung 2016 na nangyari ang insidente, umabot ng halos isang dekada bago niyo nalaman ang resulta na na-dismiss na 'yong kaso sa kadahilanan po na umatras 'yong ibang nagreklamo at wala po kayong makuhang testigo. Ganun po ba?

01:13:42 Nanay Mariza Hamoy:

Opo.

01:13:43 Atty. Bayan Quiรฑones:

Okay. So ngayon, dito rin sa sampung taon na to, isang dekada ang lumipas. Siguro po naapektuhan po din 'yong pamilya niyo. Ano pong naging epekto sa pamilya niyo pagkatapos ng insidenteng ito?

01:13:56 Nanay Mariza Hamoy:

Malaki po ang epekto kasi pagkatapos 'yong namatayan ako, nakulong po 'yong asawa ko.

01:14:01 Atty. Bayan Quiรฑones:

Nakulong po 'yong asawa niyo. Para saan, bakit po siya nakulong, ano pong naging kaso?

01:14:07 Nanay Mariza Hamoy:

Kinasuhan po siya ng droga saka 1602.

01:14:12 Atty. Bayan Quiรฑones:

Ano po 'yong 1602 na sinasabi niyo?

01:14:23 Nanay Mariza Hamoy:

Sa Kara-krus po.

01:14:23 Atty. Bayan Quiรฑones:

Kara-krus. So, nakulong siya sa kasong ito, gaano katagal ito mula no'ng nangyari kay Dandan.

01:14:34 Nanay Mariza Hamoy:

Ano nangyari kay Dandan ng 16, 2017 po kasimula ko lang po pagpunta sa Paghilom. Tapos ayun, nakulong siya doon.

01:14:34 Atty. Bayan Quiรฑones:

Nakulong po 'yong asawa niyo. Ano po ang naging kaso niya? Ano po ang naging akusasyon laban sa kaniya?

01:14:39 Nanay Mariza Hamoy:

'Yong nilagay po doon sa report, sa papel, droga saka 1602. Bilang nagtrabaho ako ng sweeper sa barangay, pagkakulong niya mga two weeks nalaman, hindi man matago. Nag-flag ceremony kami, napahiya po ako.

01:14:54 Atty. Bayan Quiรฑones:

Ano pong ibig sabhin niyo napahiya kayo?

01:14:56 Nanay Mariza Hamoy:

Pinahiya po ako sa barangay, sa isang kagawad. Adik daw 'yong asawa ko.

01:15:03 Atty. Bayan Quiรฑones:

So kinalat po 'yong balita sa barangay na adik 'yong asawa niyo.

01:15:07 Nanay Mariza Hamoy:

Opo.

01:15:07 Atty. Bayan Quiรฑones:

Okay, anong naging reaksiyon mo sa paratang na ito.

01:15:11 Nanay Mariza Hamoy:

Syempre napahiya na po ako. Tumayo po ako. Sabi ko, "Kung yan ang tingin niyo sa akin saka sa asawa ko. Yun ang tingin niyo sa akin tsaka sa asawa ko. Pag maging positive 'yong asawa ko, mag-resign ko bilang sweeper."

01:15:26 Atty. Bayan Quiรฑones:

Positive po, ano pong ibig sabihin 'yong maging positive?

01:15:29 Nanay Mariza Hamoy:

'yong sinasabi niya na nag-droga 'yong asawa ko.

01:15:31 Atty. Bayan Quiรฑones:

Ibig niyang sabihin ay ipa-test 'yong asawa niyo para malaman kung totoo ba 'yong user siya?

01:15:36 Nanay Mariza Hamoy:

Opo. Siyempre nag-drug test ako.

01:15:39 Atty. Bayan Quiรฑones:

Kayo po o 'yong asawa niyo?

01:15:42 Nanay Mariza Hamoy:

Pati asawa ko nag-drug test.

01:15:43 Atty. Bayan Quiรฑones:

Nag-drug test po kayo.

01:15:43 Nanay Mariza Hamoy:

Hindi ko naman pwede bayaran. Sabi ko, "Kap, Kagawad, pag lalabas ngang totoo 'yong hinala niyo sa asawa ko, pag positive. Mag-resign po ako sa Payatas bilang street sweeper niyo." Edi hinintay ko po ang resulta ng asawa ko, mga dalawang linggo kinuha ko. Pag tingin ko negative po 'yong papel. Pag flag ceremony naman ng Lunes, hawak-hawak ko. Sabi ko, "Ito pong inano niyo sa asawa ko, negative 'yong asawa ko."

01:16:17 Atty. Bayan Quiรฑones:

Kinasuhan po siya ng paggamit pero meron kayong patunay na hindi po siya gumagamit. Negative po ang test niya. Ano pong nangyari sa kaso? Gaano katagal po siyang nakakulong?

01:16:28 Nanay Mariza Hamoy:

Mga isang taon, laso may sakit siyang hika. Siyempre mayroon siyang abogado doon ano para lang mabilis siyang makalabas na rin siya kasi hindi ko na po kaya mag-suporta na maging VIP siya. Kasi pag VIP po doon, nagbabayad ako ng 1500, linggo-linggo para hindi siya mautusan. Upo lang siya, ang dahilan may sakit. Sabi sa abogado niya, aminin mo na lang, mag-file ka ng probation kahit hindi yan totoo.

01:16:57 Atty. Bayan Quiรฑones:

At ano po ang nangyari doon sa kaso doon sa payo ng abogado niya na ganun?

01:17:02 Nanay Mariza Hamoy:

Pinaamin na lang para mag-file ng probation.

01:17:05 Atty. Bayan Quiรฑones:

Ibig sabihin, dahil para makapag-file ng probation, para makalaya na po siya?

01:17:09 Nanay Mariza Hamoy:

Opo.

01:17:09 Atty. Bayan Quiรฑones:

At nakalaya na po siya?

01:17:11 Nanay Mariza Hamoy:

Nakalaya po siya.

01:17:12 Atty. Bayan Quiรฑones:

Matapos ng isang taon?

01:17:14 Nanay Mariza Hamoy:

Opo, hirap pa rin ng buhay namin kasi under ano pa siya, kung makakita ng away, kung ano-ano mga kapitbahay, mabalik siya sa kulungan. Sa bahay lang siya.

01:17:24 Atty. Bayan Quiรฑones:

Habang nasa loob po siya, wala po bang nagkaroon ng pagkakataon na makalabas siya? Halimbawa sa piyansa o magkaroon ng areglo tungkol sa kaso, meron po bang ganun?

01:17:34 Nanay Mariza Hamoy:

'Yong habang nakulong siya ng una, may lumapit ko sa akin. "Hamoy." Hindi ko po siya kilala. "Kung gusto mo talagang malabas 'yung asawa mo mabilis, urong mo 'yong kaso mo."

01:17:47 Atty. Bayan Quiรฑones:

Anong intindi niyo doon sa sinabi sa inyo na urong mo 'yong kaso mo?

01:17:52 Nanay Mariza Hamoy:

Sabi ko, hindi. Pumunta kaagad ako sa asawa ko sa City jail, diyan sa may Cubao. "May lumapit sakin, iuurong ko daw ang kaso ni Dandan para makalabas ka." Sagot po ng asawa ko, "Huwag mo iuurong 'yong kaso. Hayaan mo makulong ako, tiisin ko. Ituloy mo 'yong kaso mo sa anak natin kasi nag-umpisa ka na tapusin mo yan."

01:18:11 Atty. Bayan Quiรฑones:

So ang intindi niyo po doon sa alok sa inyo na iurong mo 'yong kaso para makalabas 'yong asawa niyo, ay iuurong mo 'yong mga kasong isinampa mo sa CHR at sa IAS, yun bang intindi mo?

01:18:22 Nanay Mariza Hamoy:

Sa IAS po kasi sa--

01:18:23 Atty. Bayan Quiรฑones:

Sa IAS.

01:18:23 Nanay Mariza Hamoy:

Kasi sa Ombudsman wala na yun, nadismiss na yun e. Sa IAS nilang pag-asa ko.

01:18:28 Atty. Bayan Quiรฑones:

Sa IAS. Pero napag-usapan niyang mag-asawa na di bale nang makulong siya at in fact, nakulong po siya ng isang taon.

01:18:35 Nanay Mariza Hamoy:

Opo, isang taon.

01:18:35 Atty. Bayan Quiรฑones:

Dahil gusto niyo pong ipaglaban 'yong inyong kaso para makakamit ng hustisya si Dandan.

01:18:41 Nanay Mariza Hamoy:

Opo.

01:18:43 Atty. Bayan Quiรฑones:

So pagkatapos din nitong nakulong na to kasi nabanggit mo kanina 'yong unang kulong ibig sabihin ba nito, may ilang beses pang nakulong ang asawa niyo?

01:18:51 Nanay Mariza Hamoy:

Yes po. Pagdating ng 2019, nakulong naman ulit.

01:18:55 Atty. Bayan Quiรฑones:

Para saan naman po?

01:18:56 Nanay Mariza Hamoy:

Kinasuhan na po siya ulit ng kara-krus na naman.

01:19:01 Atty. Bayan Quiรฑones:

Kara-krus na naman.

01:19:02 Nanay Mariza Hamoy:

Pero nagtaka po ako, pwede bang mag-kara-krus siya lang mag-isa?

01:19:06 Atty. Bayan Quiรฑones:

Ibig sabihin po wala pong ibang naaresto kasama niya?

01:19:09 Nanay Mariza Hamoy:

Wala po. Dahilan din sa sakit niya, nag-piyansa ako sa kaniya para makalabas, 35000 po.

01:19:19 Atty. Bayan Quiรฑones:

So bukod po dito, meron pa po bang naging ibang kaso ang asawa niyo?

01:19:24 Nanay Mariza Hamoy:

Yun lang po.

01:19:26 Atty. Bayan Quiรฑones:

So ilang beses pong nakulong ang asawa niyo?

01:19:27 Nanay Mariza Hamoy:

Edi nakalabas na siya, nag-piyansa ako. Mga 2020 nandoon na naman, huli na naman. Sabi ko, ano ba yan, laging huli ka ng kara-krus.

01:19:36 Atty. Bayan Quiรฑones:

Ibig sabihin po ibang kaso na naman ng kara-krus 'yon?

01:19:39 Nanay Mariza Hamoy:

Opo, iba na naman kara-krus lang nilalagay. Sabi ko, sabi ko, saan ka ba bumili ng sigarilyo. Eh wala na po magawa kasi inquest kaagad eh. Pero alam nila na asawa ko yun. Nag-piyansa na naman ako ulit.

01:19:54 Atty. Bayan Quiรฑones:

So ang sinasabi niyo po ay paulit-ulit nasasampahan ng kaso 'yong asawa niyo. Kayo po ba, meron po bang kasong isinampa sa inyo, wala naman?

01:20:04 Nanay Mariza Hamoy:

Wala po.

01:20:05 Atty. Bayan Quiรฑones:

So bukod sa mga kasong ito na sinampa sa asawa niyo, sabi niyo isang beses na drugs na may kasamang kara-krus. And then dalawa pang kara-krus. So tatlong kaso ang isinampa sa asawa niyo, apat?

01:20:18 Nanay Mariza Hamoy:

Lima.

01:20:18 Atty. Bayan Quiรฑones:

Lima? Ano 'yong panglima?

01:20:21 Nanay Mariza Hamoy:

'Yong pang-lima, 'yong pang-apat, droga saka 1602. 'Yong pangatlo, 1602. 'Yong pang-lima, 'yun pong 2022, kinuha po siya sa bahay naka-nebulizer. Ang nakakita po 'yong anak kong bunso. Oo, alas sais po 'yon, tumawag po 'yong anak ko, "Ma kinuha si Papa sa mga pulis."

01:20:44 Atty. Bayan Quiรฑones:

Ano naman ang naging kaso niya nun?

01:20:47 Nanay Mariza Hamoy:

Ganun pa rin na nakalagay sa kaniya.

01:20:49 Atty. Bayan Quiรฑones:

So sa bahay po siya dinampot at ang charge po ay kara-krus.

01:20:52 Nanay Mariza Hamoy:

Opo, kara-krus pa rin.

01:20:53 Atty. Bayan Quiรฑones:

Okay, anong nangyari sa mga kasong to?

01:20:55 Nanay Mariza Hamoy:

Itong nakulong siya ng 2022, hinayaan ko siya kasi hindi ko na tinubos wala naman akong pera na. Doon po siya nakulong sa Bicutan kasi may sakit nga siya sa ano. Mga nine months siguro nakalabas na po siya. Pagkaalam ko po kasi, hiwalay na kami ng tirahan. Hindi kami puwedeng magsama. Kaya sabi ko, kung lagi tayo magsama, lagi kang kinukuha. Maghiwalay muna tayo ng bahay, dito ako sa Luzon. Ang pagkaalam ko, mayroon siyang, nagre-report siya ngayon.

01:21:26 Atty. Bayan Quiรฑones:

Ano pong ibig sabihin niyo nagre-report? Saan po?

01:21:29 Nanay Mariza Hamoy:

Sa city hall? Parang sa city hall mayroon siyang ina-attendan. Awa ng Diyos, sa araw na to, graduate na rin siya.

01:21:38 Atty. Bayan Quiรฑones:

Sige po. So bukod po doon sa naging epekto sa pamilya niyo na sa asawa mo na ilang beses pong naaresto para sa kara-krus na siya lang mag-isa, wala siyang kalaro. Ano po pang naging epekto sa pamilya niyo sa pamumuhay niyo? Ang naiwan po sa inyo ngayon ay ang inyong kambal at ang inyong bunso na si Daniel, 'no? Kumusta naman po ang naging takbo ng buhay niyo mula noong nawala si Dandan?

01:22:03 Nanay Mariza Hamoy:

Mahirap po kasi watak-watak na po kami. Hiwalay-hiwalay na kami. Wala na kaming bahay, binenta ko na. Inuwi ko na po 'yong anak ko sa probinsya, 'yong bunso. Doon ko na po pinaaral. Tapos 'yong asawa ko nandiyan nakatira sa kambal ko. Kumbaga ako hindi na ako tumira sa lugar namin sa Payatas kasi parang napansin ko kung kami magsama, yun lagi ang 'yong awa ng Diyos na wala na kami hindi na naman po ginawa.

01:22:28 Atty. Bayan Quiรฑones:

Nabanggit niyo po na naibenta niyo 'yong bahay niyo. Bakit po niyo kinailangang ibenta ang bahay niyo?

01:22:35 Nanay Mariza Hamoy:

Kasi 'yong tinubos ko sa kaniya, utang ko 'yun, binayad ko

01:22:39 Atty. Bayan Quiรฑones:

Tinubos po kanino?

01:22:40 Nanay Mariza Hamoy:

Sa asawa ko.

01:22:41 Atty. Bayan Quiรฑones:

Pinangtubos niyo po ng piyansa, bale pinang-piyansa niyo po. Kinailangan niyong ibenta 'yong bahay niyo para po matubos 'yong asawa niyo. Tanong ko na lang po siguro huling tanong na lang 'no, meron po ba kayong mensahe para sa ibang mga may mga pinagdaanan katulad niyo o iba pang mga naging biktima o pamilya na siguro nag-iisip ngayon kung dapat ba akong magsalita or dapat ba akong pumunta sa Truth Commission para ilahad 'yong nangyari sa akin?

01:23:12 Nanay Mariza Hamoy:

Para po sa akin, lalo na po sa mga biktima natin. Inaanyayahan ko kayo na sabihin po niyo ang totoong nangyari sa pamilya niyo para matulungan kayo sa Truth Commission. Huwag po kayong matakot, bakit? Tayo po ang nawalan e hindi po sila. Ilaban niyo ang katotohanan na hustisya para doon. Kahit namatay na po 'yong mga pamilya natin, doon lang man sila matuwa na ipinaglaban natin, na hindi natin pinabayaan 'yong case na nilang namatay katulad po sa akin. Sana po may lakas ng loob na katulad sa akin na magsalita kayo ng totoo kasi hindi naman po tayo pumunta dito na gawa-gawa lang ng kwento, mahirap po yun.

01:23:53 Atty. Bayan Quiรฑones:

Nabanggit mo kanina, naalala ko lang na nung nagpunta ka sa istasyon para hingiin 'yong spot report, sabi mo naiintindihan mo na nag-Bisaya 'yong mga pulis. Marunong ka mag-Bisaya?

01:24:02 Nanay Mariza Hamoy:

Yes po.

01:24:03 Atty. Bayan Quiรฑones:

Siguro hihilingin ko sa'yo yun. Siguro kung pwede mo ring banggitin 'yong iyong hiling sa mga biktima sa salitang Bisaya, baka mas maintindihan nila.

01:24:12 Nanay Mariza Hamoy:

Sa Bisaya po: Tayong mga Bisaya, huwag kayong mahadlok na mulaban sa kaso sa atong mga anak. Ilaban po niyo kasi mag-istorya tayo sa tinuod. Hindi ta pwede na dire na gawa-gawa lang o loko-loko sa ating lahat. Sa tunay na para sa ating magulang o anak na biktima, mga asawa, isumbong niyo sa Truth Commission ang tinuod na naitabo kasi sila po ang tumulong sa atin, parehas sa ako a.

01:24:42 Atty. Bayan Quiรฑones:

Okay, maraming salamat, Mariza. Sa ngayon, wala na muna akong tanong. Ibibigay ko ulit ang mikropono sa ibang miyembro ng Truth Commission. At ang susunod na magtatanong or magbibigay ng kaniyang mga analysis or pahayag ay si Dr. Fortun.

01:24:57 Nanay Mariza Hamoy:

Salamat po, Atty.

01:25:02 Chair Raul Pangalangan:

Thank you so much, Bayan. Now here you have a microphone.

01:25:14 Comm. Raquel Fortun:

Magandang umaga po. Okay ang pag-usapan natin, 'yong kaso ni Darwin. And fortunately, nakita ko siya at some point. Ang assignment ko ay presentation of the evidence. Pero again, medyo i-tone down niyo 'yong expectations kasi ito lang ang alam natin, okay? And tingnan natin kung anong meron tayo, yun ang problema natin eh. Alright? Next, please.

01:25:44 Comm. Raquel Fortun:

Si Darwin po ay namatay noong 2016, almost exactly 10 years ago. And 5 years after noong kinailangan siyang ilabas kasi nga nag-lapse na 'yong visa 'no, 'yong bayad sa sementeryo. Kasama siya sa grupo ng mga tinutulungan ni Fr. Flavie, Project Arise nila and in-exhume. And, 'yon na nga, nandoon ako at para rin i-examine 'yong bodies. Take note, this was in 2021, lahat ng ginagawa namin ay patago at the time kasi takot din kami. Okay. 'Yong kaninang picture, dinala siya nang ganiyan sila, pito sila no'n e. And gusto kong nakikita ko 'yong lapida mismo kasi I'll show you bitin ako doon sa death certificate. Ito kahit papaano merong date of birth. You know something as basic as that. Okay. Next.

01:26:51 Comm. Raquel Fortun:

So isa sa mga kuha ni Raffy, I think, kasama siya e dino-document. And makita natin ang hirap no'ng trabaho. Kasi nandoon pala siya sa tuktok, parang 5th floor yata yan, 5th floor. And makikita niyo naka-PPE 'yong mga taga-sementeryo. It's more because of COVID which is not that dangerous here. Pero kahit papano may-PPE sila kasi 'yong trabaho dapat may proteksiyon, pero later wala na yan e. Okay. And then there's Fr. Flavie. Ang bilin ko noon, kunin niyo lahat ng nandoon sa loob. Okay. Next.

01:27:37 Comm. Raquel Fortun:

And hindi ko nakuha 'tong tarp-- 'yong sa punerarya, pag nasa wake, naglalagay ng tarp. Ayun. Pero usually kasi napupunta sa akin kasi dino-document ko yan. Pero nakunan ko rin ng picture later. Tapos yun na nga 'yong kaniyang lapida, very important 'yon. Next.

01:27:58 Comm. Raquel Fortun:

And humingi ako ng mga litrato ni Darwin, sabi ni Ma'am, kokonti daw ang pictures niya. Okay. Ayun, di daw mahilig mag picture. But anyway, this was, mga 13-14 years siya. Makikita niyo nga payat. High school, okay. So payat. Okay. Next. Alright.

01:28:25 Comm. Raquel Fortun:

And then humihingi ako ng whatever information, ano bang circumstances? Paano siya namatay, and so on? And gumagawa sila ng parang synopsis sa AJ Kalinga na ang sabi nga ng nanay ay sabi ng pulis, ito raw ay buybust, pero hindi. Ang sabi nila ang other version is it was a birthday party na pinagpapatay 'yong mga nandoon. Let's just to point out go back. Just to point out, this is the second batch ng in-exhume nila. And he was among seven in that second batch, so nakaka-14 na ako by this time. Next.

01:29:11 Comm. Raquel Fortun:

Alright. Very complicated itong kasong ito kasi ang dami actually biktima, ang daming namatay. Ito 'yong part nung police report na sinasabi nga, buybust operation daw ito sa may Quezon City. At nakasulat dito, may apat, lima, bale anim silang lahat na involved. May isa daw, na-mention 'yong pangalan kanina ni Ma'am, may isa daw na buhay pero injured. Tapos merong mga pangalan, tapos may unidentified. Actually, si Darwin, isa dito sa dalawa. Okay, So ito daw ay nangyari nang ganiyang petsa, nang ganiyang oras, sa bahay nga ni Sherwin. Sherwin ano, kasi party, sa Payatas. Next.

01:30:11 Comm. Raquel Fortun:

Okay, I'll just show you some bits and pieces ng mga dokumentong nakuha namin. Kasi kung sa akin yan na i-examine ko, rerebyuhin ko lahat, ia-analyze ko. Pero ang daming tanong dito eh. Like halimbawa, merong scene of crime examination worksheet sketch. Okay, routine yan dapat e, may sketch. So 'yong bahay na pinangyarihan, two floors daw yun. So ito daw 'yong first floor, ito daw 'yong second floor. Hindi ko makita kung nasaan 'yong legend. Ano 'yong mga tinuturo-turo doon? Pero may mga measurement. Ang isang comment ko nga come on metric ang Pilipinas, bakit in feet and inches 'yong mga measurement niyo dito. Tapos pag tiningnan mo, nasaan 'yong mga katawan? Wala. Okay. Walang katawan. Okay. So hindi yun 'yong importante sa akin. Next.

01:31:18 Comm. Raquel Fortun:

Tapos meron konting pictures and again just to show you 'yong quality ng investigation. Halimbawa, official picture daw to na nakalagay "General and Initial View of the Crime Scene." Okay. Ang hirap niyang intindihin. Pati 'yong pagkuha ng katawan, sabi dito, "General view at the crime scene, another wounded suspect is taken at the crime scene and brought to the hospital." Okay. Akala mo maayos ano? Pero alam niyo pag tiningnan mo tong pictures na to, these are not pictures to document the scene. These are pictures to show what they were doing. Okay. Very critical ako sa ganiyan kasi documentation ang photography pero makikita mo sila-sila nandiyan. Actually, hindi ka nga dapat kasama sa pictures ng documentation. Okay? So tapos ito, what does it say? Madilim? That's a factor. Ang gulo etc. Pero ito, this is very alarming to me kasi wounded daw, wounded. It doesn't even say which one is this person. 'Yong sinabing sinako, hindi ko alam kung ito ba 'yong sako na sinasabi pero para siyang more of kumot. And again, there is a proper way to handle people whether injured or dead. Very critical, if injured, yes, forget about forensic evidence. Dalhin mo yan sa ospital. But if dead, iwanan mo yan sa scene. Okay. Hindi. Apparently, dinala nilang lahat. E kaya naman pala 'yong ating crime scene sketch ay walang laman, walang katawan. Dinala lahat para ano? So ang tanong is, wasn't there anybody there who decided at the scene? Patay na to. Isang kakulangan yan sa Pilipinas. Kailangan daw doctor ang mag-pronounce ng death. So ang nangyayari nga, dadalhin at dadalhin kahit na naaagnas na matigas na 'yong katawan, dadalhin at dadalhin sa emergency room kahit patay na. Tapos tingnan natin mamaya, baka nga patay na sila. Okay. Next.

01:33:53 Comm. Raquel Fortun:

Alright, just to summarize. Sabi ng pulis, buybust, legit. Nangyari ng August 15, sa bahay ng isang biktima, isa doon sa namatay. Pag tiningnan mo 'yong listahan, isa injured, lima patay, lahat sila lalaki. Yan 'yong general picture actually ng mga so-called drug war victims, halos lahat ay lalaki. 'Yong isang na sugatan na buhay at isang patay, East Avenue. So dalawang ospital. 'Yong apat na patay, sa Quezon City Gen. Alright? Kasama si Darwin doon. Pero apparently security guard ang nag-decide, wala na yan. Okay. I really suspect lahat sila ay hindi na dapat yan dinala sa ospital. Anyway, except 'yong injured. Tapos anong basis ng identification? Relatives. Meaning walang professional way in which they were identified properly. Meaning, naghintay na merong lumapit. In the same way na si Ma'am ay hinanap niya, hindi talaga 'yong estado ang naghanap ng paraan i-identify 'yong tao at pupuntahan in a professional way at sasabihan in a professional way, in a very sensitive way, na namatayan na siya. Okay. Walang ganiyan sa Pilipinas. Next.

01:35:31 Comm. Raquel Fortun:

Alright. So patay na ba sila? Malamang. Doon sa report ng PNP, eventually na-autopsy sila eh. 'Yong lima, ang daming tama, talagang ano ah gunshot wounds with an s. Tatlo sa trunk, katawan, body. Dalawa, hindi lang trunk meron pang ulo. Okay. Pag ikaw tinamaan mo 'yong isang tao sa ulo at sa trunk, you're really aiming for vital organs. And most likely, they were already dead and should not have been removed from the scene to be brought to the hospital, because why? You destroyed the evidence. Okay. So si Darwin, mag-focus tayo sa kaniya, ito 'yong pinakita kanina ganito siya in-identify or dinescribe kasi wala pang pangalan sa umpisa. Okay? Tapos meron siyang autopsy report na medico-legal, gawa ng PNP, at sinabi ngang gunshot wounds, trunk. Apparently, all five were autopsied by PNP kasi sequential 'yong number nila eh-- 236 to 240. Okay. Next.

01:36:56 Comm. Raquel Fortun:

Okay. Ito 'yong of course, may dead body dapat may death certificate. May death certificate. This is the old form and I don't like it. But I see this in the bodies we exhume. I don't like it because it does not have the date of birth. Kaya hinahanap ko sa lapida yan. Okay. So ito yun. Tapos next.

01:37:20 Comm. Raquel Fortun:

Mag zoom in tayo sa importanteng part, cause of death, blank. Walang laman, walang laman. Death by natural causes, ito 'yong manner of death, wala rin laman. Ito 'yong old form. Wala pa dito 'yong naalala niyo 'yong last presentation natin. Sabi ko, what on earth is death by legal intervention? Nasa bagong form yun. Okay lang naman. Pero nakapirma 'yong pulis na doctor na medico-legal. Next.

01:37:55 Comm. Raquel Fortun:

Buti na lang. Hay salamat. May page 2 kasi nakasulat sa page 2. Ay salamat dito, nagcommit 'yong doctor. Ano daw? Gunshot wounds, trunk. I hate this. I don't like our form. It has to be changed. You don't need a page two actually kung ayusin mo 'yong porma niya. And I don't like this part kasi kung ikaw 'yong doctor na nag-autopsy, ikaw ang magce-certify sa harap. Okay? Next.

01:38:24 Comm. Raquel Fortun:

Okay yan. Ayaw ko sa kaniya parang in a way kind of insulting, we are just a box above the embalmer, as a doctor sa harap ka dapat pipirma.

01:38:34 Comm. Raquel Fortun:

Okay. Ito 'yong resibo ni Ma'am just to highlight to you, ang hirap-hirap mamatayan, especially for them. Ang laki-laki ng hiningi ng punerarya. By the time nakuha niyo pala siya, naka one week siya. Ang tawag ko doon board and lodging kasi nakaburol na sisingilin pa rin sila. Next.

01:39:05 Comm. Raquel Fortun:

Okay, So tingnan natin kung anong meron, anong sinasabi ni Darwin sa atin? Next.

01:39:14 Comm. Raquel Fortun:

Alright. Ang una kong ginagawa namin, nasabi, namention ko din to kay Raymart noong diniscuss natin sya two weeks ago. Pagkatanggap ko, we log in a number sa logbook namin tapos dadalhin siya sa PGH. Remember this was 2021, medyo pa-COVID pa tayo nun di ba? Dadalhin 'yong mga bodies sa PGH, bodies, may sasakyan pa. Although it's just a few meters away, para mabilis isang sakayan, dadalhin sila sa PGH para. Next.

01:39:52 Comm. Raquel Fortun:

I-xray. Okay, and again, shout out sa Department of Radiology. Sasamahan yan ng residente ko later, may kasama ding mortician. X-ray yan, nasa bag pa lang x-ray. Next.

01:40:05 Comm. Raquel Fortun:

So anong sabi ng x-ray? Ito 'yong mga plaka. And ang una ko talagang hinahanap ay bala. So so far wala naman. Pero this is very interesting kasi ang daming objects na kasama 'yong katawan. Next.

01:40:21 Comm. Raquel Fortun:

Just zooming in. Maraming hindi mo maintindihan kung ano like that, that was not a bullet. I don't think so. Itong mga maliliit na to, baka fragments. Pero ang problema kasi disarticulated na, buto-buto na lang yan. Hindi mo na siya ma-orient nasaan. Okay. Next.

01:40:43 Comm. Raquel Fortun:

Ay 'yon may salamin doon. Ito meron siyang salamin kasi pag metalic, lalabas yan. 'Yong iba mga zipper na lang, pako, and stapler. Okay. Next.

01:40:56 Comm. Raquel Fortun:

May cross doon na nakilala ni Ma'am. 'Yong sinasabi ko mga staples and pako. Next.

01:41:04 Comm. Raquel Fortun:

Hindi rin bala yan eh. Tapos kukunin ko yan, tinatago yan kasi sinusuli as property doon sa relatives. Sabi nga ni Ma'am, ayan 'yong cross na metal kanina. Tapos naglagay pa siya ng rosaryo na according to Filipino tradition ay dapat putulin daw. So pinutol daw niya yan. Narecognize niya 'yong relo tsaka 'yong favorite na sunglasses. Okay. Next

01:41:35 Comm. Raquel Fortun:

Tapos ito 'yong talagang binihisan. I see this a lot in our cases. Talagang inayos 'yong namatay. You feel the love doon sa pagkakalibing. Ito 'yong sinasabing binilhan pa niya ng bago na barong kasi ayaw niyang suotan ng luma. Okay, so ito po 'yong barong. Next.

01:42:00 Comm. Raquel Fortun:

Ano pang suot niya? Meron siyang undershirt at saka meron siyang pantalon. Okay, so maayos, maayos. Next.

01:42:11 Comm. Raquel Fortun:

Okay. Lahat ng detalye na ganiyan, sinasama ko yan sa report. But you know there is one thing I'm looking for whenever kinakalkal ko 'yong mga gamit na yan. Sana, sana 'yong damit na suot nung namatay ay nandoon. Again, wala akong access. Sa punerarya, tinatapon yan. Sa emergency room, tinatapon yan. Kasama yan sa ebidensya actually. Next.

01:42:41 Comm. Raquel Fortun:

Alright, ito 'yong lumang unang kwarto na pagkaliit-liit na dinalhan ko ng mga binibigay sa aking remains ng Project Arise. Ang liit-liit, ito 'yong mga mesa na pang-laboratoryo na tinawag ng foreign media na sourced from the junkyard which was true. Talagang kinuha ko yan sa tambak. Next.

01:43:10 Comm. Raquel Fortun:

So hirap na hirap ako nun kasi nga 2021, wala akong masyadong, wala akong tao. 'Yong mortician lang. At first, sinama ko 'yong mga residente pero naguluhan ako doon. Sabi ko ako na lang ang gagawa. Okay. Bale importante 'to, pero hindi namin ito usually nakukuha. Kung meron man, kulang. Okay? Ano ang nakita nung doctor na nag-examine sa kaniya nung buo pa siya? And buti nalang meron. Kaya lang, page one. Okay. Next.

01:43:47 Comm. Raquel Fortun:

Okay. Up close, in-identify siya, seventeen years old daw, okay yong specimen submitted. Tapos eto na naman na-commentan ko to parati na lang. Hindi lang ho cause of death ang purpose ng examination. Okay. Multiple gunshot wounds. Okay. Namatay siya do'n. But then there's a lot more to it, forensic pathology 'yan e. Paano dinescribe? Fairly nourished. Pero hindi rin ako nag-agree diyan kasi nasa, payat siya e. Okay. Fairly developed, so medyo de-kahon. Previously embalmed. I think this was a day after. Nauna ang embalming kaysa sa autopsy, mali din yun. Mali din yun. No tattoo marks. I think sinabi niya to kasi 'yong ibang mga cases may tattoo kaya sila na-identify. Tapos wala man lang siyang body length. Meaning, hindi man lang sinukat 'yong haba nung body. Tapos may ano daw siya embalming side dito at saka sa hita. Gunshot wounds daw. Okay. Next alright.

01:44:59 Comm. Raquel Fortun:

Dito ako malugod na nagpapasalamat kay Ma'am kasi 'yong official copy na nakuha namin page one lang. Naiiyak ako diyan kasi "See Over." Hindi ko alam, e walang laman. Hindi ko alam ang findings nasa page 2. Nung kinalkal ni Ma'am Mariza 'yong kaniyang files, guta-gutaytay na. Pero wow, thank you, may Page 2. So ito 'yong kopya niya kasi importante ito. Next.

01:45:34 Comm. Raquel Fortun:

Nabibitin ako diyan kasi nga over wala ka namang page two, okay? Oh, by the way, ang autopsy report kong kumpleto ay hindi lang two pages sa kanila nga one and a half lang eh. Next. Ang dami mong masasabi sa patay.

01:45:47 Comm. Raquel Fortun:

Okay. Mag-focus tayo dito. And again, hinimay-himay ko yan bawat liniya, word by word or word for word, line by line, kung anong ibig sabihin niyan. Sabi niya wala daw sa head, wala daw sa neck, pero may sinabi siyang chest and trunk. Actually, mali yun eh. Kasi pag sinabi mong trunk kasama na 'yong chest. Okay. Anyway, meron siyang sinabing gunshot wound, pumasok daw dito. Infraclavicular region on the right. Ito 'yong clavicle, 'yong buto niyo dito. Dinescribe niya 'yong size, saang location yan. Pumunta raw yun patalikod at pababa at papunta sa kaliwa. Tapos sinabi niya 'yong mga nasugatan, fractured daw itong buto at tsaka anterior thoraic rib 'yong first. Tapos nagpunta daw sa kaliwa. Dito, I'll show you later, malabo sa akin to. Bakit mo sinabing na fracture? Third and fourth left? Posterior nasa likod. Naisip ko, ano to typo? Hindi eh. Talagang nag-commit siya e, posterior daw na ribs. Tinamaan daw ang right lung, tapos tinamaan din 'yong left lung. Kasi talagang imagine mo papaanong nangyari yun. Okay, anatomically okay? Tapos ito serious, tinamaan 'yong puso, tinamaan 'yong puso. Sabi niya ang exit daw nandito sa left breast region. And again, ang labo nung ano trajectory parang napaka-superficial niya. Ang labo nu'n! Okay. Next. I'll show you some pictures later.

01:47:32 Comm. Raquel Fortun:

Tapos sabi niya, marami daw hemorrhages sa loob. And again that is wrong. You have to tell where around the heart, in the chest cavities, and so on. You can do more. Tapos ito, meron din siyang dinescribe na tama sa extremities, in particular, the left lower extremity. Ito sa thigh, hita daw, na lusutan. Tapos ito, left leg, na walang exit. Tapos may sinabi siyang "recovered lead fragments." Again, hindi man lang dinescribe. Meaning, what's the shape, what's the size, what happened to this, supposed lead fragment? Tapos last may sinabi siyang mga gasgas sa left thigh. Hindi ko alam kung ang significance niyan. Next.

01:48:28 Comm. Raquel Fortun:

Okay. So to summarize, for you to visualize, may in-identify siyang entry dito. Exit daw yun, 'yong nandito. Pero imagine mo 'yong bala, gumaniyan? Malabo yata. Tapos 'yong mga injuries mo pati left tapos may fracture ka pa sa likod sa left, medyo malabo. Eto mukhang soft tissue lang, 'yong through and through. Tapos ito daw 'yong area nung isa sa leg na may nakita daw bala. Okay, next.

01:49:06 Comm. Raquel Fortun:

Okay. Pag tiningnan mo sa buto na-fracture daw 'yong clavicle at saka 'yong isang rib. 'Yong una dito, eto 'yong medyo weird. Bakit ang fracture nasa likod, nasa kaliwa, third and fourth? Di ba sabi mo may entry kami, may exit ka dyan, ang layo-layo nun. Papaanong na-fracture yan? Next.

01:49:31 Comm. Raquel Fortun:

Para mas maintindihan niyo pa, anatomic diagrams here, nandoon 'yong mga very critical structures. Kaya I tell you pagka tinamaan ka sa chest at saka sa brain, deadly yun, deadly. Sa chest, andyan ang baga, nandoon 'yong heart sa gitna. So tinamaan daw ang right lung tapos may hemorrhage. Tapos merong laceration daw ng heart. Ito yun o, ito 'yong pinaka-serious. Tinamaan daw 'yong heart, tapos left lung. Next.

01:50:08 Comm. Raquel Fortun:

Sa likod, ito 'yong weird. Bakit sinabing bali 'yong third and fourth fractures? 'Yong sinabi mo bang lacerations ng left lang ay ito? O 'yong nandoon sa harap? Next.

01:50:23 Comm. Raquel Fortun:

Okay. So to summarize again, eto ang sinasabi ng pulis-doctor. Through and through gunshot wound of the trunk. Tapos ito 'yong internal injuries. Through and through gunshot wound of the thigh, sa kaliwa. Hindi deadly soft tissue lang. And again, the other one sa lower leg, penetrating walang exit. Next.

01:50:47 Comm. Raquel Fortun:

May recovery of a bullet daw. Okay, so isang perforating through and through gunshot wound of the trunk. Dalawang gunshot wounds ng left lower extremity. May abrasions daw siya dito, di ko alam ko anong significance. And eventually, practically she's saying, kung hindi siya nabaril, hindi siya mamamatay. Wala siyang natural disease. Which is not unusual considering he is very young. He was seventeen. Next.

01:51:15 Comm. Raquel Fortun:

Okay, so ito 'yong question ko, malabo to, malabo yan, malabo. Eto. Hindi ko ma-contest yan. We did not see that kasi hanggang buto na lang kami Next.

01:51:27 Comm. Raquel Fortun:

So nung pinadala sa amin, ito 'yong usual, pag nalinis na 'yong buto, ilalatag namin sa table. Alright. Next.

01:51:41 Comm. Raquel Fortun:

And just to show you some bones kasi siya daw ay seventeen years old, right and consistent, 'yong mga dulo. Ito, mga ganiyan, 'yun, hindi- - dapat 'yong mga lines na 'yan wala. Kasi pag tumatanda na tayo, dumidikit yan. Okay. So this is an indication na siya ay 17 nga, consistent. What else? 'Yong pelvis lalo na consistent, male? Okay, lalaki. Next.

01:52:14 Comm. Raquel Fortun:

I just wanted to clarify that. And also pictures of the skull this is routine I have a lot more. Just to show you, ayan na naman 'yong makipot na cap sa ulo. So in-autopsy siya, anong tawag ko dito? Alkansya Cut. Sinilip. I take a lot of pictures of teeth. Next kasi for identification.

01:52:40 Comm. Raquel Fortun:

Ayan, para walang kuwestyon kasi wala ho tayong perang mag-DNA. Wala na 'yong fingerprints. Pero this is something I resort to for full documentation. Nawala lang 'yong ngipin niya, postmortem pero buo siya, buo siya. Nawala lang 'yan postmortem. Pero mukhang meron siyang mga bulok-bulok dito sa harap at saka doon sa bagang. Tapos ito matagal nang nawala. Okay. Next.

01:53:14 Comm. Raquel Fortun:

Okay. So ito 'yong report ko pagdating sa ngipin ay really detailed na findings sa ngipin. Next. Aside from the pictures.

01:53:28 Comm. Raquel Fortun:

Tapos 'yong tama niya dito, 'yon lang ang na-document clearly. Ito 'yong clavicle, up close, bali siya dito sa medial side. So confirm 'to. Next.

01:53:46 Comm. Raquel Fortun:

Okay, I have to apologise this is, this is bad. Meaning, me looking at this, malay ko bang ipe-present sa public hearing itong kaso na to? I could have done better. Pero I tell you, nung time na yun, I was so stressed and toxic, ang dami-dami kong kaso natataranta ako. Tapos anyway, just to show you. Unfortunately, the condition of the ribs were not good. Hindi siya pwedeng ayusin nang maayos. And then naalala kong isang comment ko, the left ones were more, I used the word fragmented. So hindi natin masabi talaga exactly 'yong kondisyon nila at saka hindi sila kumpleto. Next.

01:54:36 Comm. Raquel Fortun:

Alright. So nagcommit lang ako doon sa right medial clavicle. 'Yong ribs, hindi ako makapag-commit pero sinabi kong probable peri mortem, meaning significant. Pero may post-mortem damage din. Pero ang sabi ko nga, consistent doon sa previously reported gunshot wounds to the trunk. Next.

01:54:59 Comm. Raquel Fortun:

Ito 'yong front page. Ang aking reports ay maiksi lang. I'm sure 'yong aking colleague, si Dr. Dempsey, mas mahaba ang report niya as an anthropologist. But I go straight to the point that those perimortem fractures of the clavicle, and probable ribs are consistent with-- so consistent naman siya doon sa reported gunshot wounds. Unfortunately, advanced decomposition, puro buto na lang. Na-autopsy po siya at na-embalm. Next.

01:55:32 Comm. Raquel Fortun:

And then this is the opinion I put sa frontpage, short summary saying that he was a seventeen year old allegedly shot and killed with others when they allegedly fought back during buybust police operations-- but this is the police version. Okay? I told, I said there that the relatives of those who died, however, claimed that the police entered the residence during a birthday celebration. And then he was autopsied by PNP, that's how he was certified as cause. Subsequently, embalmed, buried and then exhumed, and examined, and again same conclusion that the fractures are consistent with gunfire. I explained earlier. Kami, de-kahon pagka-ganitong pinatay ka, we call it a homicide. Next.

01:56:27 Comm. Raquel Fortun:

Okay. So just to summarize again, walang issue on identity-- siya 'yan. 'Yong cause of death, knowing the PNP findings now, mukhang gunshot wounds of the trunk. Pero sa tingin ko, hindi kaya entrance to, entrance wound ito. That would be a better explanation of the injuries. Tapos sabi ng PNP may tama nga sa legs. And again, the manner of death is homicide. Next.

01:56:59 Comm. Raquel Fortun:

Okay so again, look at that, meron akong question mark diyan. So I apologize, I will end this with questions. Malabo ito, ito 'yong sa right clavicle. Ito, ay doubt if yan 'yong exit. Hindi ba siya binaril sa harap? Binaril dito? Because that would explain the injuries as described. Now, if the doctor who examined this would contest my thoughts here, she'd be free to do that. Pwede bang patingin ng documentation? That is the reason why you document. I am expecting to be questioned. Pag ako tinanong niyo, pakitaan tayo ng documentation. But so far, it doesn't make sense, it doesn't make sense. So ang tingin ko baka siya binaril two times in the chest. 'Yong sinabi na allegedly narinig, tinamaan muna sa paa, pwedeng-pwede. Pinuruhan sa chest, pwedeng-pwede. Next.

01:58:11 Comm. Raquel Fortun:

I asked for pictures, unfortunately, ito lang ang meron. Ito lang ang meron and it's not a good one. Wala ng kulay, but it's still very telling, why? Because you're seeing a lot of stain here, dark stains on the left side. Mukha, I can imagine baka butas to. Ito 'yong tama dito. Tapos sinasabi ni Ma'am may tama siya dito. Baka nga ito yun. Kaya mas maganda sana kung natago 'yong damit eh. Pero nag-iisip ako, I'm speculating here, how come there's a lot more blood here than here? Does it mean that he was shot first here before this one? Kasi mas magdurugo ka kung buhay ka pa, parang ganun. Or is it because tinamaan 'yong puso but then you also have internal injuries. So right now, I'm speculating. But this is all we have. Next.

01:59:12 Comm. Raquel Fortun:

I think this is the last slide. Again, I would like to express my gratitude. Maraming salamat po, Ma'am Mariza. Ang tapang niyo pero isipin niyo 'yong pinagdaanan niya. 'Yong mga nagsasabing, eh bat hindi kayo magsampa ng kaso? Oh wow! You heard her. She tried and tried and tried. Ang masasabi ko lang ay I'm sure si Darwin, kung nasaan man siya ay matutuwa sa nanay niya kasi talagang pinaglalaban siya hanggang sa Truth Commission ay nandito, nandito po siya. So hinihikayat ko 'yong mga iba, kahit na papaano ay mailabas natin itong mga ganitong findings. Salamat po and good morning.

02:00:16 Chair Raul Pangalangan:

Thank you so much, Dr. Tati. As usual, your presentation is always so interesting, so riveting. Nagpapasalamat po kami kay Mariza. I was worried, Mariza, kasi makikita mo ulit lahat ng mga litrato, maalala mo lahat nung mga malungkot na nangyari. Salamat na humarap ka sa amin. May mga ilan lang kaming mga tanong. Mauuna ako, si Dr. Fortun kung may tanong magkakaroon din ng pagkakataon na magtanong mamaya. Ang una kong tanong lang, Mariza, sino 'yong unang nagsabi sayo na ang dahilan ay nanlaban at buybust, kanino nanggaling yun 'yong kwento na buybust operation daw ay nasa party 'yong mga bata at saka nanlaban?

02:01:19 Nanay Mariza Hamoy:

Doon ko po nakita sa spot report nila na nanlaban. Kasi bale 'yong spot report na yan dalawa. Kasi 'yong si Patay pa kasi ang Police Chief yata sa Station Six. Kasi tinanong ko po 'yong deputy namin sa barangay, i-survey lang pala 'yong mga taong hinanap nila. Ang ginawa nila pinagbaril-baril nila. Kumbaga 'yong nakuha ko, pangalawang gawa na nila ng spot report.

02:01:51 Chair Raul Pangalangan:

And naalala ko sa iyong paglalahad, Mariza, na natanggap mo 'yong spot report tatlong araw makalipas ang insidente?

02:02:04 Nanay Mariza Hamoy:

Opo.

02:02:04 Chair Raul Pangalangan:

And then, Mariza, isa pang tanong ko nahirapan kang hanapin kung saan dinala si Darwin. Wala bang nagsabi sayo sa mga pulis, sa mga barangay. Kasi sa pag sa pagkukwento mo, Mariza, nagsimula ka sa East Avenue tapos pumunta kang Muรฑoz, papaano mong, wala bang tumulong?

02:02:33 Nanay Mariza Hamoy:

Wala po. Ako lang po talaga. Kasi tinanong ko po sa kasamahan ko nga po siya sa barangay, hindi po nila alam kasi 'yong kinargahan po nila, ambulansya ng Barangay Payatas. 'Yong kapitan kasi namin datin, si Manny Guarin rin may kaso siya, umupo po 'yong first kagawad na acting bilang kapitan, si Julie Peรฑa, hindi po nila ko tinulungan. Edi namatayan ako, hindi ako pumasok ng isang buwan. Hindi po nila binigyan ng sahod kaya no work, no pay po daw ako.

02:03:07 Chair Raul Pangalangan:

'Yong sunod mong ginawa nang magpunta ka sa sa CHR, sa internal affairs, papano mo naisipang 'yon ang puntahan?

02:03:18 Nanay Mariza Hamoy:

Yun po. Unang-una po, nagtanong kami sa city hall kung saan po kami bandang karapat-dapat mag-file ng kaso. Tinuruan kami doon sa CHR. Doon po kami nag-file, pinasulat kaming salaysay, ganun-ganun. Tapos, pagkatapos ng sulat, umuwi kami. Sabi balikan niyo ng mga dalawang linggo, bumalik kami. Pagbalik namin na-file na na 'yong IAS. Edi ang inexpect namin IAS. Hindi po namin sukat akalain na nag-file pala ang CHR papunta po ng Ombudsman.

02:03:57 Chair Raul Pangalangan:

So ngayon, just to, para lang ma-repaso. 'Yong sa CHR, 'yong sa Ombudsman dinismiss na dahil 'yong mga dito 'yong dalawang kasamahan mong mga nag-file, dito umatras?

02:04:17 Nanay Mariza Hamoy:

Yes po.

02:04:17 Chair Raul Pangalangan:

Na-examine din ba 'yong mga kasabay na ibang biktima?

02:04:24 Nanay Mariza Hamoy:

Hindi ko po alam.

02:04:33 Chair Raul Pangalangan:

Dr. Fortun, do you have some questions?

02:04:37 Comm. Raquel Fortun:

'Yong tanong niyo, Judge, na na-examine ba 'yong ibang biktima? What do you mean by autopsy? Masasagot ko yata yun.

02:04:45 Chair Raul Pangalangan:

Yes, please.

02:04:46 Comm. Raquel Fortun:

Okay. Okay. Yes. Yes, may records tayo na na-autopsy din sila, all of them. Sabi ko nga, sequential 'yong numbering 236, 8, 9, hanggang 40. Same thing. Unfortunately, unlike kay Darwin na meron akong page two, doon sa iba puro page one. So wala akong masabi except 'yong wala akong masabi. Ganda sanang tingnan natin ang injuries. Hanggang ano lang, doon sa sinabi kong multiple, they were implying multiple gunshot wounds either head and trunk or just trunk which were very very deadly. Okay, so yun 'yong sagot ko,Judge. May tanong ako Ma'am, may sinabi kayong may nakita kayong picture sa barangay? Anong picture yun nung hinahanap niyo siya?

02:05:42 Nanay Mariza Hamoy:

'Yong picture po na 'yong binigay ko sa inyo, 'yun na pong nakita ko. Kasi po kasi pumunta ako doon sa KaMuslima, doon ko po nalaman na sinako-sako sila. Siyempre dumating si mga BSDO, mga deptuy, sila po nag-picture doon. So doon ako pumunta una. Sabi ko patingin nung nangyari kagabi na nabaril na. Doon ko po siya nakilala na siya po talaga.

02:06:10 Comm. Raquel Fortun:

Pero isang picture lang yun.

02:06:12 Nanay Mariza Hamoy:

Isang piraso lang po.

02:06:12 Comm. Raquel Fortun:

Isa lang. Yun po. Okay. Just to reiterate 'yong kakulangan nung eksaminasyon, do we presume na siya ay in-examine din sa likod? Kasi ang feeling ko, baka hindi man lang sinilip 'yong likod at hindi man lang nakitang may mga butas-butas doon kaya ganun lang yun, 'yong conclusion niya na may dalawang butas dito at pinagdikit na lang even if it doesn't make sense. Kasi halimbawa, sinabi niyang nabali 'yong third and fourth ribs dito, that would be very, very unusual. Kapag tinamaan 'yan ng bala, 'yong bala ba ay lumusot? Then that would produce an exit. Or are we talking of dalawang penetrating, 'yong bala nasa loob pa. Again, question ay ito ba ay ini-xray? Because that's the only way malalaman mo kung may bala. So right now, ang dami kong tanong at hindi ako makapag-conclude kasi hanggang dito lang tayo. By the time I saw him, Darwin, Unfortunately, five years after buto-buto na lang. So fresh is best. Paulit-ulit ko tong sinasabi. The first doctor who saw him is the best witness and should have documented her findings well. Kasi 'yong mga susunod, wala na. Kung mali man 'yong interpretation, analysis mo, pagka may documentation ka, pwedeng ma-review. Pero kung wala na, edi hanggang diyan lang tayo, unfortunately.

02:07:48 Chair Raul Pangalangan:

Okay. Thank you. Thank you so much, Dr. Fortun. Ang dalawang, ang tatlong kasamahan namin ay wala ngayon. Si Caloy Conde just finished an operation. Si Dr. Al fuertes is abroad at saka si Fr. Danny. nag-aattend ng meeting ngayon abroad din po. Si Fr. Danny po, tumulong din siya sa inyong problem. We are now at the part of the program where I'm supposed to give a synthesis and to discuss the next steps that is why I'm looking at my notes. Doon lang po sa, may tanong si 'yong kasamahan naming si Caloy Conde. Nakikiusap si Caloy kung maari kong itanong kung pagkatapos nung insidente, 'yong disinformation na sinabi tungkol sa asawa mo. If after the disinformation, ito po ba ay may kinalaman doon sa Kapitan, sa barangay, sa head ng barangay niyo? 'Yong misinformation na nag-test positive daw 'yong inyong 'yong husband na gumagamit daw 'yong inyong husband.

02:09:41 Nanay Mariza Hamoy:

Ano po ipina drug test po yun sila sa pulis, negative po ang lumabas po sa resulta sa asawa ko. 'Yong una-una, unang huli 'yan sa kaniya yun ang sabi nila. Siyempre drug test po nila yan. Ngayon kinuha ko po ang resulta, negative po. Pati ako po nagpa-drug test din po ako.

02:10:03 Chair Raul Pangalangan:

So siguro iniisip ko lang baka ang tanong ni Commissioner Caloy Conde 'yong paninira. Sino nagsimula nun?

02:10:16 Nanay Mariza Hamoy:

Hindi ko na po maisip kasi 'yong time na yun, hindi ko na sila pinapansin eh. Ang sagot ko kasi wala akong pakialam kung anong sasabihin niyo sa akin, lahat-lahat gawin lang niyo. Basta ako, eto ako, ito po ang totoo. Kasi ang nandyan pa, 'yong kapitan namin. Ang sabi ko sa kanila, maging positive 'yong asawa ko, resign po ako bilang sweeper sa Payatas. Eh umabot pa ako ng six years sa Payatas barangay.

02:10:44 Chair Raul Pangalangan:

Thank you. May tanong din si Dr. Al Fuertes. Babasahin ko na lang para sa iyo, Mariza. Ano para sa iyo ang ibig sabihin ng paghilom? Ano ang mga kinakailangan para makamtan ang hustisya? Yun po ang tanong ni Dr. Al Fuertes, paghilom at hustisya. Okay.

02:11:08 Nanay Mariza Hamoy:

Una, una po sa paghilom. Pumunta po ako o lumapit para po mabuksan po 'yong case ng anak ko na malaman din sa ibang tao o kasamahan ko. Masakit po. Hindi po, pero hindi mo masasabing paghilom agad, paulit-ulit na maisip mo na hindi mo makalimutan na parang plaka lang yan paikot-ikot. 'Yong pangalawa?

02:11:45 Chair Raul Pangalangan:

'Yong paghilom. Ano ang mga kinakailangan para makamtan ang hustisya?

02:11:54 Nanay Mariza Hamoy:

'Yong sa hustisya po. Ito ako, kahit maraming pong pagsubok na dumating sa buhay ko, 10 years na. Nandoon po 'yong mga sabi ng kaibigan, ganito ihinto na 'yong case na yan kahit tutal patay na 'yong anak ko, wala ng pag-asa. Kumbaga, 'yong mga kalaban ko kasi nasa gobyerno. Ang sagot po ko sa kanila, madali niyong sabihin kasi hindi po kayo nabiktima, ako po. 'Yong nag-withdraw, nagpa-areglo na asawa, mabilis niyang palitan 'yong kay asawa. 'Yong isa naman tita. E ako anak ko 'yon e. Nine months ko po 'yong dinadala. Habang buhay po ako, hindi po ako susuko. Manalo-matalo ako, ang sabi ko, lahat ng lumalapit, sa korte na lang tayo magkita. Kaso lang makadismaya, sige akong submit wala naman nangyari puros man dismiss. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Sabi ko, Lord, tulungan mo ako. Bigyan mo ako. Gabayan mo ako para makamit ko hustisya sa anak ko para rin matuwa. Na kung saan pang pwedeng tumulong sa akin. Nagpasalamat po ako sa taon na to sa Truth Commission, na itong nag umpisa. Lalo na po kay Fr. Flavie, kay Kuya Randy, sila po nagdala sa akin para dito. Parang nabuksan, naisip ko, ito na yata ang way para makuha ang hustisya ng anak ko.

02:13:19 Chair Raul Pangalangan:

Maraming salamat, Mariza. Atty. Quiรฑones, do you have something?

02:13:24 Atty. Bayan Quiรฑones:

Oo, nakalimutan ko lang tanungin sayo kanina 'no? Mayroon bang mga concerns or issue tungkol sa pangsariling seguridad mo ngayong mga pagkatapos ng insidenteng to, meron bang security issues or na natanggap. Halimbawa, mga banta o pananakot na naranasan ka?

02:13:50 Nanay Mariza Hamoy:

'Yong umattend ako dito ng August 14. Kasi nakita po ako sa balita ng Channel Seven, as in hawak-hawak ko 'yong poster tapos sa likod ako ni ano diyan, kilalang-kilala akong Hamoy kahit ganito ako, todo chat na sila sa akin. Pero hindi ko po natanggap kasi sira po 'yong cellphone ko, two weeks. Napaayos ko 'yong cellphone, nabasa ko lahat, "Ma'am Hamoy, nakita ka namin sa TV." Ma'am, may nagtanong po samin kung saan ka nakatira." Kasi pagkaalam nila street sweeper ako, hindi nila alam na umalis na po ako sa barangay. Sabi ko kung sa sunod na may magtanong sa akin, pwede bang slight 'yong piktyuran sino sila kasi ayaw din nila ibigay 'yong pangalan kasi ang tumbok po talaga sa nagtanong doon sa mga tao, kung dating street sweeper ay sila pa rin ang tao ko.

02:14:44 Chair Raul Pangalangan:

Nakakalungkot na madinig na hanggang ngayon eh may mga ganiyan pa.

02:14:51 Comm. Raquel Fortun:

Mayroon lang akong iisang punto doon sa sinabi mong gusto mo sanang mabuksan 'yong case ng anak mo. Doon ako feeling guilty kasi parang wala tayong bagong maipangtutulak para magkakaso ulit. And yun 'yong hindi ko po ipinapangako pag halimbawa nung tinanong niyo ako na-examine, 'yong findings ba natin ay makatutulong enough para magkakaso? Yun 'yong frustrating part. But I hope kahit papano pag-inexplain ko ho sa inyo ay mas naintindihan niyo kung anong nangyari. 'Yong mga agam-agam niyo no'n, 'yong mga misconception, okay, matanggal. Okay. So yun lang ang I think magagawa natin dito sa Truth Commission ay mapalabas talaga ang katotohanan. Pero 'yong umusad papuntang kaso, yun 'yong mahirap na part.

02:15:57 Chair Raul Pangalangan:

Thank you, Dr. Fortun. Now by way of synthesis. Ito po 'yong ating second, this is our second hearing. And the pattern has, the pattern has emerged-- 'yong sinasabing nanlaban. Ito 'yong patuloy nilang sinasabi sa mga biktima. Doon sa una, sinabi na tumakbo, naipakita ni Dr. Fortun sa pag-exhume ng mga buto na clubfooted 'yong biktima. Ngayon po, itong insidente kay Darwin, sinabi ulit na nanlaban 'yong mga bata na sa isang birthday party lang. May pangalawang pattern din na nahirapan ang pamilya na hanapin 'yong bangkay ng kanilang mahal sa buhay. Pangatlo po, 'yong patuloy na harassment. Matingkad po yan sa kwento ni Mariza, 'yong paulit ulit na pag aresto sa kaniyang asawa. At ngayon sa kaniyang paglahad dito 'yong paninira. At kasama na rin dyan 'yong pag 'yong withdrawal nung mga dalawa, dalawang dating kasama na nagrereklamo, biglang ngayon eh kakampi na nung nung kabila. At isa pa, yong nahirapan si Mariza na maghanap ng access to justice sa gobyerno. Pumunta siya sa CHR. Pumunta siya sa Internal Affairs, napunta sa Ombudsman, walang nangyari. At also by way of closing, malaki ang tulong ng autopsy findings ni Dr. Fortun at pati 'yong mga dokumento at mga litrato na nasa nasa files ni Dr. Fortun. Para po sa next steps, ang ating pong susunod na witness-- is it alright to announce, what's our policy about announcing? The next hearing is on September 11th. The next hearing is on September 11th and the witness will be another mother, si Nanay Anna Corina Ramos. Ina ni Kim Lester, 23 years old, construction worker, pinaslang noong October 05, 2019. Si Nanay Anna ay under the care of Program Paghilom. So Tess, we will now proceed with the next.

02:19:39 Asst. Dir. Tessam Castillo:

Yes, we will now call Paring Bert for the closing message.

02:20:03 Fr. Albert Alejo:

Hello! Katabi ako ni Mariza kanina at sa loob ng sampung taon ng pakikihamok dito kahit na nakikinig tayo ng paulit-ulit e nakakabagabag pa rin po. Siguro ang panghuling wakas, pangwakas lang na pagninilay. Ang ginagawa natin dito sa Commission ay paghanap at pagharap sa totoo. Hinahanap natin ang totoo pero 'yong iba hinahanap ang totoo, pero kapag lumilitaw ng totoo, ayaw harapin ito. Ito pong Truth Commission sa aking pananaw ay may tapang at katapatan na totoong hanapin ang totoo at harapin ang paggawa ng tama. Siguro ang tanong ko, sino 'yong mga naghahanap ng totoo? Ano-ano 'yong mga pamamaraan ng paghahanap ng totoo? Nakikita ko ito sa paghahanap ng katawan ng biktima. Nakikita po ito sa paglakad, paglabas ng bahay, pagpunta sa ospital, pagpunta sa presinto, pagtatanong, pagpunta sa CHR, pagsasampa ng kaso na, sasakay sa jeep, kung minsan taxi, mangungutang ng pamasahe, manghihiram ng ballpen, isusulat ang pangalan, magtatakip ng mukha, minsan maglalabas ng mukha, magtatanong-tanong, maghahanap ng kaibigan, iiwas sa mga kalaban, mangangapa. Saan pa 'yong paghanap ng totoo? 'Yong paglaolakas ng loob na humarap sa kamera, magkwento. Sa Bisaya, pa ba mag-story tinuod ba? Walay tikas na to kung unsay tinuod. Nandidito rin po 'yong paghahanap ng totoo sa pagkuha ng litrato, pagkuha ng litrato kahit na halimbawa 'yong mga journalist na binanggit kanina ay nasusuka o nagagalit pati sa sarili. Ito lang ba pwede kong gawin? Kasama rin sa paghanap ng totoo 'yong pagsasaliksik, pag iimbestiga, pagtingin sa mga dokumento, pagtingin sa petsa ng dokumento, pagtingin sa mga pirma po, andiyan po yun sa lakad ng mga taon. Paunti unti may naniniwala sayo o hindi. Babaliktad 'yong kapitbahay, Babaliktad 'yong kakampi pero isusulong mo pa rin yan. 'yong paghahanap po ng totoo ay paghuhukay ng libingan. Sapagkat pati pala bangkay meron pong tinig. Meron pang sinasabi. Pati ang mga naiwang damit, salamin, relo, mga buto. Meron din po palang pwedeng ipahayag. Katunayan, hindi natin namamalayan. Sa pakikipag usap ko, halimbawa doon sa ibang dating Davao Death Squad, nakikisangkot din sa paghahanap ng totoo ang mga espiritu ng mga biktima na bumubulong. Sige, tapangan mo pa. Wag kang manghinawa. May pag asa. May may matutulong. Merong abugado na magpo-pro bono. Merong hustisya kahit papano. Ilalaban at bumubulong pati mga bangkay. Bumubulong pati ang espiritu ng mga namatay. Katunayan, tumutulong din ang budhi sa paghahanap ng totoo sa sulok sulok ng bansa na to ng siyudad na to may mga pulis dyan na sinisisi ng mga ng kanilang budhi at hinihimok sila na sige na umamin ka na, umamin ka na. Linisin mo ang iyong buhay, ang iyong may dugo sa iyong kamay. Lumantad ka na rin. Kaya marami ang nagsisikap sa paghahanap ng totoo. Ang nakakalungkot lang po, marami rin pong nagsisikap para itago ang totoo. Pagka pumatay, itatago ang bangkay, ililihis. Hahanapin pa. Nakakalungkot po na may mga ospital na hindi tama ang pagdodokumento. Hindi kumpleto ang mga laboratoryo. Merong pagkukulang siguro sa pondo pero meron ding mga nakikipagsabwatan. Meron pong mga punerarya na kung kailan kailangang kailangan ng tulong ng nahirapan, namatayan, doon pa sila magtataas ng presyo ng serbisyo. May dugo rin po sa inyong mga kamay. Nakakalungkot din po na mayroong mga kapwa biktima. Hindi naman sa sisihan pero natatakot, nadadala, nangangailangan. Nadadala ng pakiramdam na baka may mangyari pa sa ibang mga kamag-anak. Nakakalungkot din na meron ding mga abogado na ipagtatanggol kahit na mali nakakalimutan ang mga prinsipyo. Naiintindihan po natin 'yong mga abogado na parang papaliit ng parusa. Pero sana naman po wag niyong idamay na magkaroon ng dugo sa inyong mga kamay sa pagtatanggol ng mga kriminal. Kasama rin po sa pagtatago ng katotohanan ay 'yong paggawa ng mga maling dokumento. Pagpi-fill up ng form na hindi totoo o kaya'y mga. May mga blangkong parte na dahil hindi mo masabi ang totoo, ililihim mo na lang kung ano 'yong totoo. Ang mga pumipirma sa mga ganitong dokumento ay mayroon din pong dugo sa inyong mga kamay. At siguro po sa pangkalahatan, hindi lang po 'yong mga tao na to ang nagtatago ng dokumento ng katotohanan. Ang buong lipunan po, ang buong lipunan na para sa kanila, para sa atin, ayaw ayaw madamay, ayaw madamay. Kaya po siguro. Kalimutan ko lang po. Magwawakas po ako sa isang panalangin. Pasensya na po. Gusto ko po magbasa ng isang tula. Dahil po sa mga ganitong pagsisikap na hanapin ang totoo ay nadadala tayo sa mga maling salita. Ang pamagat po ng tula na to ay Salot. Lumalala ang salot sa kirot na dulot ng malalansang salita. May nagdala ng virus ng bastos na biro at pambabalahura. Nahawa ang madla sa pagmumurang walang takip mukha. Dumagsa ang patay na lason sa laway ng sanga-sangang dila. Akalain mo bang pinapalakpakan ang talumpating malaswa. Sinasaluduhan mismo ang pinunong pasimuno ng sagwa. Kalat na kalat na ikinakalat pa ang mga pekeng balita. Kinakandaduhan ang pinto at bintana ng mediang malaya. Ginagamit ang batas bilang matalas na sandata ng daya. Hinahati ang hukbo habang nagpaparusa sa bansang sugapa. Kinakaratulahan biktimang bulagta. Binubura pati gunita. Sino kayang siga. Matapang dumura sa mukha ng Maylikha. Ang layo layo na natin sa panahong may dakilang adhika. Sa Kartilya ng Katipunan na sariling dugo ang ipinaglagda. Artikulo Sais sa taong may hiya ang salita'y panunumpa. Limutin niyo na ako ngunit huwag sana itong babala. Pag ang lipunan ay wala ng paggalang sa dangal at diwa, gugulong ang katwiran. Gusali ng budhi ay sabay magigiba. Mawawala na rin. Wala na ngang manghingi ng tama pag ang pinuno ay di man lang mabigkas, katagang kalinga. Bukambibig ay pupuksa, walang ginhawa tayong mapapala. Pag tuluyang na dungo ang ibang propeta, pari at makata. Katumbas nito ay pagsuko sa Diyos-diyosang gawa-gawa. Darating ang araw, ngayon na nga, ang loob po nati'y mausisa. Paano tayong nakisangkot sa pagsugpo sa salot? Harinawa, hindi tayo mautal at mangatal pag hinarap na tayo ni Bathala. Ako'y inalipusta, sino nga sa inyo ang tumindig at nagsalita. Basbasan po ang pagsisikap na ito. Sa ngalan mo po. Mabuhay ang mga humahanap at humaharap sa totoo.

02:32:12 Asst. Dir. Tessam Castillo:

Maraming salamat, Paring Bert sa iyong mainit na pangwakas na mensahe.

Resource Center

Explore additional Commission resources and public information.

View All Resources